Skip to playerSkip to main content
Binabantayan ng PAGASA ang tsansang magka-El Niño sabay sa Habagat season na maaaring magdulot ng mas malalakas na bagyo.


Pero wala pa man ‘yan at parating na pag-init, mataas na init factor na ang naitala sa ilang lugar sa bansa.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Binabantayan ng pag-asa ang chance ang magka El Niño sabay sa habag at season na maaaring magdulot ng mas
00:07malalakas na bagyo.
00:08Pero wala pa man yan at ang parating na tag-init, e mataas na init factor na po ang naitala
00:14sa ilang lugar sa bansa.
00:15At nakatutok si Mark Salazar.
00:21Abot 7 lugar na ang nakaranas ng 40 to 41 degrees Celsius init factor kahapon,
00:27kabilang sa isang bayan sa Negros Occidental.
00:30Kapag nasa labas ka at 40 degrees, 40 to 41, ito ay kinakategorize natin kung saan nandun na tayo sa
00:37tinatawag natin na danger.
00:39Kaya medyo alarming ito, hindi pa nga talagang tag-init.
00:43Ayon sa pag-asa, ang maagang pagpalo ng heat index ay senyales na ang paparating na tag-init ay pwedeng
00:49sumagad sa 52 degrees Celsius sa pakiramdam.
00:53Most likely 50 pataas which is 52 extreme danger.
01:00So yung may mga pre-existing condition, kagaya mga high blood or yung mga matatanda.
01:05So mas prone sila na pwedeng ma-heat stroke.
01:10So yun yung may mga pre-existing condition na lalo na yung mga nasa labas.
01:14At yun nga, so yung mga outside workers.
01:19Isa pang binabantayan ng pag-asa, ang El Niño na lampas 50% na ang posibilidad na ma-develop sa
01:26July, August at September.
01:29Delikado pa namang sumabay ang El Niño sa panahon ng habagat.
01:33Nakita na natin yan sa mga taong July dinagsimulang magka-El Niño.
01:37Ang makikita natin maikumpara is yung time ng 2014-2015 at saka yung 2009-2010.
01:43Kung saan nung 2009-2010, meron tayong Tropical Storm Ondoy, ng September yun.
01:50And then yun naman 2014-2015, nagkaroon tayo ng Typhoon Glenda na nagkaroon ng malawakan ng mga damage,
01:57lalo na po dyan sa Maybicol area, Southern Luzon and including Metro Manila,
02:01lalo na naapektuhan tayo ni Typhoon Glenda.
02:04Hopefully, hindi naman po mangyari, but then yun po yung mga possible na posible na mangyari
02:10kapag matuloy po itong El Niño ng ganong mga panahon din, mga around kasagsagan ng ating habagat season.
02:17Pagkatapos pabagsiki ng El Niño ang ating mga bagyo at habagat,
02:21saka naman ito, paiigtingin ang tagtuyot na magsisimula sa Desyembre na titindi pa hanggang summer 2027.
02:29Kung maaaring maapektuhan ito, yung mas mainit na temperatura natin na mararanasan sa next warm and dry season months natin
02:36sa 2027.
02:38So, ito yung kailangan din natin i-monitor.
02:41Nagsanib pwersa ang pag-asa at Department of Agriculture para gabayan ng mga magsasaka sa kanilang planting season habang may
02:48El Niño.
02:49Naalala niyo yung kwento ng daang libong mga magsasaka na sinalanta ng El Niño noong 2024?
02:54Yung bilyon-bilyong pisong halaga ng produksyon na nawala dahil sa tagtuyot.
03:01May mga leksyon naman daw natutunan dyan ng Department of Agriculture at may mga solusyon daw na susubukan para maiwasan
03:08na ang ganyang problema sa agrikultura.
03:11Ang malaking learning doon sa 2024, you need to prepare for the worst.
03:16Yung solar-powered irrigation project, dalawa ang sinasolve nun eh.
03:21Una, pwede kang groundwater, pwede ka doon sa open water source.
03:26So, maganda yun.
03:27Hindi ka nagagamit ng krudo.
03:29And then, kapag controlled kasi ni farmer, yung irrigation water, mas madali niyang makapag-diversify.
03:38May nakakasa ng P340 million funding para makapag-deploy ng teknolohiyang tutulong sa magsasakang sumalag sa El Niño.
03:47Kung El Niño ka nito, importante to doon sa mga tail end ng NIA na yung dulo ba, yung hindi
03:54masyadong nararating ng irrigation ng NIA.
03:57And of course, doon sa mga walang patubig pa ng NIA na meron kang sustainable source coming from both the
04:05groundwater mo at saka doon sa open water source.
04:07Yung open water source, yung malalaking ilog, lawa.
04:12Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended