Skip to playerSkip to main content
Pinangangambahan na ang epekto ng gulo sa Middle East hindi lamang sa presyo ng langis, kundi maging sa presyo ng ibang produkto at sa pamasahe.


Pero ‘yung taas-presyo sa langis simula bukas, hindi pa bahagi ng epektong ‘yan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinangangang baka na ang efekto ng gulo sa Middle East
00:03hindi lamang sa presyo ng langis,
00:04kundi maging sa presyo ng ibang produkto at sa pamasake.
00:07Pero yung taas presyo sa langis simula bukas,
00:10hindi pa bahagi ng efektong yan.
00:13Nakatutok si Jonathan Andal.
00:17Maaga pa lang kanina,
00:19marami na akong inabuto ang mga motoristang nagpapak full tank
00:21bago ang oil price hike para bukas.
00:24Atas yung gasolina.
00:25Ngayon, kailangan natin magdobli kahit na lang para kumita pa lalo.
00:28Kasi may gara sa Middle East.
00:30Pero paglilinaw ng Department of Energy hindi pa kasama sa oil price increase bukas
00:34ang efekto ng gulo sa Middle East,
00:37particular ng pag-atake sa Iran.
00:39Posibleng sa susunod na linggo pa mararamdaman ang efekto niyan,
00:41lalot Iran ang may control sa Strait of Hormuz.
00:44Ang Hormuz ay ang makipot na bahaging ito ng katubigan sa Middle East
00:48kung saan dumadaan lahat ng langis at ibang delivery
00:51mula Iraq, Kuwait, Qatar, Doha, United Arab Emirates at Saudi Arabia
00:56na dadalhin sa Asia at ibang bansa sa Kanluran.
01:0020% yan ang supply ng langis sa mundo.
01:03Pero dahil sa gulo sa gitnang silangan,
01:05higit sandaang barko na ang ayaw munang dumaan sa Strait of Hormuz.
01:09Ang efekto niyan na magpapadelay sa pasok ng petrolyo
01:12ang binabantayan ng Department of Energy.
01:15Posibleng umabot ng 2 piso kada litro ang taas presyo
01:18pero kahit yan ay hindi patiyak o speculative.
01:21Sana hindi mag-panic buying.
01:23For now, wala pa hung actual report na may na-damage na oil facilities doon.
01:30Ang threat ngayon ay yung avoidance ngayon
01:33for the meantime ng mga shipping company na dumaan doon.
01:37Pinulog na ng Energy Department ang mga oil company
01:39para tiyaking nasusunod na mga ito ang minimum inventory requirement.
01:43Hindi po siya nakadesenyo ng prolonged na supply problem.
01:48If there will be really a supply problem,
01:50hindi na lang ho Pilipinas yan.
01:51Globally ho ang magkakaproblema.
01:54Sabi ng ekonomistang si Professor Emanuel Leico,
01:56dapat ngayon pa lang kumilos na ang gobyerno.
01:59Ngayon pa lang, gumawa na tayo ng paraan
02:03para makapagtipid sa paggastos ng petrolyo
02:06o paggamit ng petrolyo.
02:10Magtingin din tayo kung saan pa tayo pwedeng makakuha
02:13ng petrolyo na hindi nagdadaan sa Strait of Hormuz.
02:17Kapag nagmahalang langis,
02:18pwede itong makaapekto sa palitan ng piso kontra dolyar,
02:21makapagtaas ng pamasahe at presyo ng mga bilihin.
02:25Partikular na maapektuhan ang mga produkto mula China
02:27na umaasa sa langis mula Middle East.
02:30China pa naman ang numero unong bansang
02:31pinagkukunan natin ang mga produkto.
02:33Kung noong nakaraang taon,
02:36ang consumer spending,
02:38ang household spending ay bumagal na.
02:41Pagkatapos dahil dito,
02:42ay lalo't pa tayong babagal.
02:44Talagang sasadsad ang ating ekonomiya
02:47ngayong first quarter ng taon na ito.
02:50Apektado rin ng gulo ang mga US military base
02:52sa Middle East na inatake na rin ang Iran.
02:55Pagtitiyak ng mga otoridad sa Pilipinas,
02:57walang dapat ikabahala sa siguridad.
02:597,000 kilometro-anilang dayo ng Pilipinas sa Iran
03:02at 2,000 kilometro lang ang pinakamalayong
03:05kayang abuti ng misil nila.
03:06Ang mga EDCA sites naman sa bansa
03:08na pinagagamit sa mga militar ng US
03:11ay pagmamayari ng Pilipinas at hindi ng Amerika.
03:13They have no proxy, state, or non-state actors
03:17in the Southeast Asian region
03:19that could be used as staging areas.
03:21We are looking at the different organizations,
03:28their establishments, and the particular personalities.
03:33Yun ang kailangan natin bantayan or to secure.
03:37U.S. Embassy, Israel Embassy, U.S. and Israel VIPs,
03:43the ambassador, etc.
03:45Para sa GMA Integrated News,
03:46Jonathan Endal nakatutok 24 oras.
03:53Marjana Express
Comments

Recommended