Skip to playerSkip to main content
  • 7 minutes ago
Fire Prevention Month, umarangkada na; warning signs vs. sunog, dapat bantayan ayon sa | ulat ni Denisse Osorio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa ibang balita, kasabay ng pagtaas ng damang init ay ang pagsisimula na rin ng National Fire Prevention Month.
00:06Ayon sa Bureau of Fire Protection, hindi lang ito basta paalala sa mga bawal gawin para makaiwas sunog,
00:12kundi ang agarang pagtukoy sa mga senyales ng banta ng sunog.
00:16Si Denise Osorio sa Sentro ng Balita.
00:21Fire Prevention Month na ngayong Marso at dahil parating na ang tag-init at mas tuyong panahon,
00:27ang ilan nating mga kababayan, sigurado ng handa para iwas sunog.
00:32Dalawampung taon nang nagmamayari ng bakery at sari-sari store si Lowila.
00:36At kahit na nakailang lipat pa siya ng pwesto, pinapasadyaan niya talaga ito ng mga maayos na electrical wiring at
00:44circuit breaker.
00:45Yung rep po, kailangan po ng direct siya kasi bawal po siya pag yung extension.
00:51Pag extension po kasi, baka mahina po yung ano ng kuryente, kaya kailangan po direct siya.
00:58May sarili po talaga siyang breaker para halimbawa po magkaroon ng spark, automatic po siyang magda-down, kaya ano, magiging
01:08safety po siya.
01:08Dagdag pa ni Lowila, hindi lang ito para sa siguridad, kundi para iwas aberya kapag nagkaroon ng problema ang isang
01:15nakasaksak sa kuryente.
01:17Aniya, kahit nakabaon na ang wiring sa pader o kisame, nangangat-ngat pa rin ito ng daga at pwedeng mamatayan
01:25sila ng kuryente kung lahat nakasaksak sa iisang ground.
01:28Siyempre po, kailangan po po kasi yung kuryente dahil araw-araw po namin ginagamit yun.
01:34Tsaka kailangan, mayroon din po tayong fire extinguisher para po dun sa pangailangan po.
01:41Ayon sa Bureau of Fire Protection, mas tutok ang BFP tuwing Marso dahil ito ang simula ng mas ramdam na
01:47tag-init at mas tuyo ang paligid.
01:50Ibig sabihin, mas mabilis kumalat ang apoy, lalo na sa residential areas.
01:55Mas dumarami rin ang sabay-sabay na naka-on at nakasaksak na appliances tulad ng electric fan, aircon, mga charger
02:03at cooking appliances na pwedeng mag-trigger ng sunog kapag luma ang linya o overloaded ang system.
02:11Kung causes nga ang pag-usapan, sa nabanggit na 2,797, number one doon yung electrical causes na 786 ang
02:22dahilan ng sunog dahil electrical causes.
02:24Plus again, dahil sa loose connection, short circuit, overloading, overheating.
02:32So yan yung mga karaniwan, yung mga explosion sa mga nabibiling mga murang mga gadgets.
02:41Kahit yung mga power bank ay nagtataka.
02:44Bigla na lang sumabog, bigla na lang lumiyab.
02:46Kahit yung mga hindi quality na mga kagamitan.
02:51Paalala ni Fire Superintendent Anthony Arroyo, ang Fire Prevention Month ay hindi lang tungkol sa mga bawal, kundi kung paano
02:59malalaman kung ano ang warning signs sa bahay.
03:02Dagdag niya, mas ideal ang regular na pag-inspect ng electrical system sa lisensyadong engineer o elektrisyon.
03:09Kung may kakaibang nararamdaman natin sa system natin ng electrical, ay dapat ipasuri na agad, huwag nang ipagbaliban.
03:20Paalala naman ang BFP tungkol sa mga ekstensyon, hindi ito pang permanente at mas lalong hindi ito akma para sa
03:28heavy appliances na mataas ang konsumo.
03:30Iwas din sa mumurahing ekstensyon cord at charger na hindi pasado sa standards o walang PS mark at maging mapanuri
03:39dahil pati stickers at labels, pwede rin peke.
03:42Base dito sa datos natin mula January 1 hanggang Marso 1, ang number 1 pa rin ay electrical causes at
03:54umabot na sa actually 2,797 ang sunog nationwide.
04:02Kumpara natin yan last year, same period hanggang March 1 ay medyo bahagyang tumaas ng 8% compared ngayon.
04:12Samantala, iginit rin ni Fire Superintendent Arroyo na pagdating sa mga nakikitang hacks sa social media, hindi naman lahat ito
04:20'y hindi totoo.
04:22Kailangan lang alamin kung ano ang tumutugma sa mga paggamit ng mga naturang hacks.
04:26Dahil may mga ilang bagay na pwedeng gamitan ng tubig, mayroong hindi.
04:31Mayroon namang pwedeng gamitan ng baking soda o buhangin.
04:35Mayroon rin yung pwedeng isuffocate o takpan para mawalan ng oxygen.
04:40Pero ang pinaka-importante para sa bawat pamilyang Pilipino ay ang pag-practice ng exit drill in the home o
04:48EDITH.
04:48Para kahit nakapikit, makakaligtas pa rin mula sa sunog sa bahay.
04:53Denise Osorio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended