00:00Abiso sa ating mga motorista, ihanda na po ang inyong bulsa dahil ipatutupad simula bukas ang halos 2 pisong dagdag
00:07presyo sa mga produktong petrolyo.
00:10Batay sa anunsyo ng Shell at Sea Oil, efektibo bukas alasais ng umaga ang piso at 90 centimos na taas
00:17presyo sa kada litro ng gasolina.
00:19Ang diesel naman ay nasa piso at 20 centimos ang dagdag presyo sa kada litro.
00:24Piso at 50 centimos naman ang inaasahang taas presyo sa kada litro ng kerosene.
00:30Ipatutupad naman bandang alas 4 ng hapon bukas ang taas presyo sa gasolina at diesel ng kumpanyang Clean Fuel.
00:37Ayon sa Oil Industry Management Bureau ng DOE, posible pang masundan ang dagdag presyo sa mga susunod na linggo dahil
00:45sa nagpapatuloy na gyera sa Middle East.
Comments