00:00...bagong layout at content ng PRC ID ating alamin kasama si Atty. Charito Zamora, Chairperson ng Professional Regulation Commission.
00:08Atty. Zamora, magandang tanghali po.
00:12Hi Josh, magandang tanghali. Magandang tanghali din sa inyong mga tiga-panood at tiga-pakinig.
00:18Instead of the chair, Josh, ako ang hindi dito para sa magot sa inyong mga katanungan.
00:23Okay. Sir, ano po itong layunin ng PRC sa pag-update ng content, format at layout ng Professional Identification Card?
00:33Well, thank you. Thank you, Josh.
00:35Well, first of all, kaya natin binago ang anyo ng ating Professional Identification Card ay unang-una,
00:43compliance natin ito sa batas, sa Philippine Qualifications Framework Law.
00:49So, tinatalaga kasi ng Philippine Qualifications Framework Law na ang mga professional ay mag-identify na ng kanilang sarili-sariling
00:59specialization.
01:00Ngayon kasi, di ba, ang familiar lang tayo ng profession na may mga defined specialization na ay ang mga doktor
01:08o ang mga physicians natin.
01:10Pero under this law, tinutukoy na niya o in-identify niya, sineset na niya na lahat ng professions meron dapat.
01:18So, binago natin yung anyo ng ID natin para ma-i-reflect natin itong mga specializations na magkakaroon yung mga
01:26iba't ibang professional.
01:27Pangalawa, ang paglalagay natin ng QR Code.
01:32Desisyon ito ng komisyon para mas madaming data o information patungkol sa professional ang malalaman ng ating professional,
01:41bagong Professional Identification Card.
01:43At ang pangatlo, of course, binago natin ang itura ng ating Professional Identification Card para ma-enhance ang security neto,
01:52Josh.
01:53Okay. Sir, ano-ano po yung mga konkretong pagbabago sa PRCID kumpara sa lumang versyon, particular po sa design at
02:01information na kalagay dito?
02:03Yung mga malalaking changes po ba?
02:06Yeah. Thank you, Josh.
02:08Kumukan ang binanggit ko kanina, lalagyan na natin ng QR Code.
02:13Again, para mas madaming malalaman na information at data ang ating Professional Identification Card.
02:19Yung QR Code ngayon, lalamin na niya, ang una, ang pangalan ng professional, of course, ang profession niya, ang registration
02:28number o kaya yung license number niya,
02:30ang registration date, ang date of birth ng professional, yung validity ng Professional Identification Card.
02:38Pangpito, yung Professional Qualifications Framework Level.
02:41Ito yung na-explain ko kanina na requirement ng PPF law.
02:45And then, pang-walo, yung Professional Qualification Title.
02:49Pang-sham, yung descriptor.
02:52Pang-sampo, yung CPD compliance nila ng ating mga professionals.
02:57Pang-eleven, yung emergency contact or name and contact number ng kamaganak o kamaganak na pwede niya contact kung may
03:08emergency.
03:09At ang pang-dose, yung photo ng professional.
03:16At yung itsura niya, yung general appearance niya, binagodin natin.
03:20Dati kasi plain white lang yan.
03:22At tapos yung data.
03:23Pero ngayon, meron siyang hue of blue.
03:27Kasi ito yung kulay talaga ng ating ahensya, Josh.
03:31So, sir, doon po silang banggit niyo mga impormasyon.
03:34Maaari niyo po bang ipaliwanag, can you expand more?
03:37Gano po yung ka-importante po ito in terms po sa mga professional at mga employer?
03:43At lalo na po sa usapin ng credential transparency.
03:48Thank you. Thank you, Josh.
03:49Well, unang-una, di ba nabanggit natin kanina yung Philippine Qualifications Framework?
03:54Siguro, quickly, para maintindihan natin yung konteksto neto.
03:58Ang Philippine Qualifications Framework, ito yung National Qualifications Framework ng Pilipinas.
04:03Lahat kasi halos lahat na ng bansa ngayon, meron silang National Qualifications Framework.
04:11Ano ang National Qualifications Framework?
04:13Ito, Josh, yung sistema, national system, kung saan in-identify yung manner of development,
04:20manner of recognition, and award of qualifications, pati din yung pag-define ng mga levels based on standards, knowledge, skills,
04:29and values ng mga professionals.
04:32So, ano ang kahalagahan niya?
04:35Mahalagahan na meron tayong ganito, Josh, kasi unang-una, mas madali or quality assured na yung pag-recognize ng mga
04:45qualifications or credentials,
04:47higher credentials ng ating mga professionals.
04:51Pakalawa, on the side of clients or employers, mas madali na nila ngayon matukoy kung ano yung bit-bit na
04:59competency or qualification ng professional
05:02sa pamamaraan ng pag-scan lang ng QR code niya.
05:06Dati-dati, di ba, i-research mo pa kung ano ang qualifications or credentials ng isang professional.
05:11A-alamin mo pa sa industriya o kaya kung sino yung mga naging client detail na nila o kaya pasyente
05:18nila.
05:18Pero ngayon, sa pag-scan mo lang ng QR code dun sa likod ng ID, makikita mo na yung mga
05:24data na ito o kaya mga qualifications ng professionals na ito.
05:27Yun yun, Josh.
05:29Yun ang kahalagahan ngayon ng paglagay natin ng QR code at saka yung mga karagdagan na data and information about
05:36the professional.
05:37Okay. So, tama po ba ang pagkakaintindi ko? So, pag in-scan ito ng employer, hindi na nila kailangan humingi
05:43ng background check
05:44o magsagawa ng character reference, makikita na po lahat ng record ng professional dito. Tama po ba?
05:52Tama. Tama, Josh. But that is eventually.
05:55Ngayon kasi, nilalatag pa lang natin yung system at saka yung capability of the ID to bear all of this
06:03kind of data and information.
06:06Pero nasa state or nasa case pa rin tayo, Josh, na pinapopulate yung data.
06:14Kasi ang mga boards natin ngayon kasamang mga stakeholders, mga professional associations, academic industry,
06:20ina-identify pa itong mga higher qualifications na tinutukoy natin.
06:26At may sistema din yan na ilalatag para, again, secured siya, quality assured yung sabi natin kanina,
06:33at saka state-sanctioned na kasi siya. So, hindi na lang. Dati-dati kasi, di ba?
06:39It's just a matter of the professional identifying a field of focus of practice.
06:45Pero ngayon, magiging sanctioned na siya nag-estado.
06:49So, itong ID na ilalabas namin o inilabas namin,
06:55capacitated na siya to do all of those things or to bear all of those data and information, Josh.
07:00Okay. So, nabanggit nyo nga po na inilalatag pa lang ito,
07:04pero kailan po ito'y naasahang masimula na ipatupad?
07:08Ito po ang pag-i-issue ng itong bagong PRC ID at yung ganun pong proseso,
07:12yung ganun pong teknolohiya na pagka-ini-scan yung QR code,
07:15ay makikita na yung informasyon.
07:17Well, as to the ID, Josh, nandiyan na.
07:19In-issue na namin. Nagsimula kami noong February 16.
07:23So, yung kunarin, yung mga nag-renew ng ID nila after February 16,
07:29yung bagong ID na ang na-issue sa kanila.
07:33So, eventually, depende din kasi sa hindi pare-pareho yung capability ng mga professionals nila,
07:39ng board, yung career progression, specialization, and credit accumulation and transfer system committee,
07:47yung tawag natin dyan, per profession, meron silang committee na ganyan,
07:51sila ang namamahala, sila ang gumagawa ng trabaho na ito, Josh,
07:56at hindi pare-pareho yung pacing nila.
07:58So, may mga professions na sa madaling panahon makikita na yun.
08:03But, again, the assurance of the commission is,
08:05the ID that they are now in possession of has that capability.
08:10So, nasa board na nila, nasa association na nila,
08:13nasa committee na nila kung gano'ng kabilis ito.
08:16But, again, the commission is very much into it.
08:21At talagang binibigay ng commission lahat ng suporta na kailangan ng ating mga committee
08:26para sa lalong madaling panahon ay makikita na ito o may fully implement na ito, Josh.
08:32So, sir, well, curious lang po ako, paano po yung may mga lumang ID?
08:36Paano po yung magiging transition nito para magkaroon sila ng itong panibagong PRC ID?
08:44Yung pag-renew kasi ng ID Josh, that is at the instance of the professional, di ba?
08:51Di ba, three years yung banibiti nun.
08:53So, ang in-encourage ng commission, dapat upon expiry, mag-re-renew na siya.
09:00Pero yung mga ibang mga professionals natin, lalo na kunyari, nasa ibang bansa o kaya for a temporary period of
09:08time,
09:08iba ang naging occupation o iba ang naging trabaho, hindi sila nakapag-renew ng lisensya nila.
09:15But, once they renew their professional identification card, ang i-issue na sa kanila ay itong bagong professional identification card.
09:24And then, again, keepable na yung card na yun.
09:27So, kunyari, na-issuean na siya kahit at the time of the issuance, wala pa yung data na tinutukoy natin.
09:35And, when the time comes na yung committee nila, yung para sa profession nila na committee, handa na at nailagay
09:42na sa system yung sinasabi natin na additional information and data about their qualifications, ma-access na agad yun.
09:52Okay. So, sir, as we go digital at mas pinapaganda natin yung proseso, ang dilema po yung security.
09:59Now, in terms of security, may karagdagang features po ba na tayong inilagay dito sa bagong ID para maiwasan naman
10:06yung pamimeke at yung unauthorized use nito?
10:11Yes, Josh.
10:12Una, diba, binanggit ko kanina kung ano yung reason o ano yung layunin ng komisyon kung bakit nag-issue siya
10:17ng panibagong identification card.
10:19Ito yung pangatlo.
10:21In-enhance natin yung security features ng ating ID.
10:24Again, to keep up with the developments.
10:27Diba, minsan, habang gumaganda yung dokumento natin, yung lisensya natin, gumagaling din yung mga manloloho, diba, yung mga kawatan.
10:39So, kaya natin binago din yung itsura ng professional identification card natin o kaya yung license card natin.
10:48Kasi isang dahilan ay para ma-enhance ang security features niya.
10:52But, Josh, katulad ng lahat ng mga security features sa mga accountable documents ng ating estado o ng ating gobyerno,
11:00hindi natin na i-disclose o hindi natin po pwedeng i-discuss extensively sa public.
11:05Kasi, again, it will defeat the poor post.
11:08But, again, yeah, that is the assurance of the commission.
11:12Isang dahilan kung bakit natin binago ang itsura ng ID natin ay para i-enhance natin ang security features nila
11:18at para hindi madaling mapeke o madaling magamit ng mga unscrupulous people yung data and information na dapat yung professional
11:30lang ang nakikinabang.
11:31Okay.
11:32Magandang balita po yan.
11:33At, gaya nga po ng mga nabanggit nyo kanina, yung mga enhanced features, itong ID ay malaking tulong po sa
11:39ating mga profesional.
11:40Pero, in general po sa kabuuan, sir, paano po nakatutulong ang mga pagbabagong ito sa pagpapalakas ng tiwalan ng publiko
11:47sa regulatory system at sa professional na lisensya ng mga Pilipino?
11:52Thank you, Josh.
11:53Di ba binanggit ko kanina na this is already a state sanction identification of qualifications and higher level of credentials
12:02ng ating mga professional.
12:04So, yung ID natin, itong sistema na ito, kabit-bit niya, bit-bit niya yung assurance ng buong estado na
12:11kung ano yung nire-represent ng professional na qualifications niya
12:15o kaya credentials niya ay quality assured.
12:19Yan, yan.
12:20And then, itong Philippine Qualifications Framework na programa o kaya yung mga programa na ginagawa natin at kasama na dyan
12:31ang DOLE,
12:32ang CHED, ang DEF-ED, at ang TESDA, yung mga iba't ibang programa na ginagawa natin under this particular law,
12:41Josh,
12:41isa sa aspeto niya ay yung pag-a-identify ng mga partners sa iba't ibang bansa
12:48para mas madali din at mas madali din at mas facilitated ang pag-recognize ng iba't ibang bansa sa credentials
13:11at qualifications ng ating mga professionals.
13:14Okay.
13:15Union, in gist, Josh, ang value ng ginagawa natin under the Philippine Qualifications Framework.
13:22Okay. On that note, insahin nyo na lang po sa ating mga kobayan, particular na sa ating mga professionals.
13:28Yeah. Well, thank you, Josh.
13:30So, again, gusto ko manawagan sa ating mga professionals, renew already your ID kung panahon na ng pag-renew at
13:39para po mabigyan kayo,
13:41mabigyan kayo, ma-issue na kayo nung bago, nung bago nating professional identification card.
13:47Okay. Again, although binanggit natin kanina na enhance yung security features ng ating ID,
13:58mamamaksimize lang natin itong security capability or security features ng ating mga dokumento na in-issue
14:05kung hindi nagiging pabaya ang ating mga professionals.
14:09So, lahat ko kasi ng transaction na natin ngayon, Josh, online na.
14:13So, para bang lahat ng kailangan mong gagawin ng transaction sa PRC, you do it through your account,
14:20your professional, your personalized account with our system.
14:24So, para ka ba ang ano? Para ka nag-Facebook.
14:27Kung gusto mong mag-send a message, gagamitin mo yung account mo.
14:30Kung gusto mong mag-imbitak, gagamitin mo yung account mo.
14:34So, ganito din yung sistema ng PRC.
14:36Pero minsan, dahil doon sa idea na parang baka mahirap gawin
14:41o kaya yung mga technology challenge nating professional pinapagawa sa iba
14:46o kaya pinapaubaya sa iba,
14:48ang advice ko doon, let us not do that.
14:52Kasi, again, user-friendly na po ang sistema namin.
14:56So, kahit sino, I mean, mas mahirap pang mag-Facebook kaysa maggamitin yung sistema namin.
15:02So, kung may transaction kayo, you do it yourself through the system.
15:07Kasi madali naman, kung meron konting challenge,
15:12meron din feature ang aming sistema, ang aming letters,
15:16kung saan pwede kayong madaling kumuha ng assistance o kaya advice
15:20kung paano gagawin yung transaction nyo.
15:23Kasi, ultimately, ang hinihingi namin, huwag ipaubaya sa iba.
15:27Yung access, yung password, yung username ng inyong mga accounts.
15:34Kasi, dito nagsisimula o dito na-dilute yung security feature ng ating sistema,
15:42pati na rin ng ating ID.
15:45Yun lang, Josh. Thank you.
15:46On that note, maraming maraming salamat po sa inyong oras,
15:50Assistant Commissioner Lord Luis Valera ng Professional Regulation Commission.
15:54Thank you, sir.
Comments