00:00Samantala, nagpahayag ng pagkabahala ang ilang world leaders sa girian sa Middle East na kumitil na sa ilang buhay.
00:07Ang ilan namang Pilipino, nangangamba sa lagay ng ating mga kababayang nagtatrabaho doon.
00:12Si Joshua Garcia sa Sentro ng Balita.
00:16Takot ang naramdaman ni Roslyn sa tension sa Middle East,
00:20particular sa pagpapalitan ng mga missile ng US, Israel at Iran.
00:24Dahil dito, nangangamba siya sa kalagayan ng ating mga kababayan sa region.
00:29Nakakatakot po yung nangyayari po sa kanila kasi po biglaan po yun at nakakatakot po lalo na po sa mga
00:36OFW na hindi naman po tagad.
00:40Nag-aalala din si Leme Joy para sa mga residenteng lubhang na apektuhan ng tensyon.
00:45Kawawa po yung mga taga-iran doon kasi hindi siya masyadong nabibigyan ng pansin.
00:49Nanawagan si UN Secretary General Antonio Guterres na mahigpit na pairalin ang mga obligasyon sa ilalim ng international law,
00:56kabilang ang UN Charter, protektahan ng mga sibilyan at tiyakin ang nuclear safety.
01:02Biligyan din din niya ang pangangailangang kumilos ng may pananagutan at magkaisa upang mailayo ang region at ang buong mundo
01:09sa lalong paglala ng krisis.
01:12Muling pinatibay ng European Council ang matatag na paninindigan nito na pangalagaan ng seguridad at katataga ng region.
01:18Binigyang halaga ng European Council ang pagtiyak sa nuclear safety at pag-iwas sa anumang hakbang na maaari magpalala ng
01:25tensyon.
01:26Ipinatupad na rin ang European Union ang parusa laban sa rehimeon ng Iran at sa Revolutionary Guards
01:32habang patuloy na isinusulong ang diplomatic efforts kaugnan ng nuclear at ballistic programs.
01:37Sa pakikipag-ugnayan sa mga member states, tiniyak ng EU na gagawin ang lahat ng kinakailangan ang hakbang
01:43upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan nito sa region.
01:47Samantala, nakausap sa telepono ni India Prime Minister Narendra Modi si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu
01:54upang talakayin ang kasalukuyang sitwasyon.
01:57Ipinahayag ni Modi ang pag-aalala ng India sa mga huling pangyayari at binigyan diin
02:01ang kahalagahan ng pagprotekta sa mga sibilyan.
02:04Muling nanawagan ang India para sa agarang pagtigil ng labanan.
02:08Nagpahayag din ang pag-aalala si Pope Leo XIV at umaasa na mangingibabaw ang diplomasya
02:14at maisulong ang kabutihan ng mga mamaya na nagnanais ng mapayapang pamumuhay.
02:20Joshua Garcia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments