00:00Abot kamay na ng Pilipinas ang upper middle income country o UMIC status.
00:04Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto,
00:06naitala ang 4,470 US Dollars na gross national income per capita noong taong 2024
00:13na kulang na lamang ng 26 US Dollars sa itinakdang threshold.
00:17Sinabi ng PS ng Kalihim na posibleng malampasan ito ngayong taon
00:22at maaari pang umabot sa 6,119 US Dollars ang GNI per capita pagsapit ang 2029.
00:30Gayunpaman, tiniyak ni Recto, hindi dito nagtatapos ang layunin ng pamahalaan
00:35kundi ang patuloy na pag-angat ng kabuhayan ng bawat Pilipino.
00:39Suportado ito ng panukalan 6.793 Trillion Pesong budget ngayong 2026
00:45na magpupondo sa edukasyon, kalusugan, agrikultura at social protection.
00:50Gayun din na 1.3 Trillion Pesos para sa programang Build Better More.
Comments