Skip to playerSkip to main content
Pinirmahan ng Pilipinas at Canada ang kasunduan para palakasin ang ugnayan ng militar nito sa Pilipinas. Sa gitna niyan, nandigan si Teodoro na hindi makikipag-usap sa China hangga't wala itong ipinapakitang sinseridad.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinirmahan ng Pilipinas at Canada ang kasunduan para palakasin ang ugnayan ng militar nito sa Pilipinas.
00:09Sa gitna niyan, nanindigan si Chodoro na hindi makikipag-usap sa China hanggang wala itong pinapakitang sinseridad.
00:18Nakatutok si Rafi Tima.
00:23Magkasama sa ASEAN DEFENSE MINISTERIAL MEETING noong isang linggo,
00:26si na-Defense Secretary Gilberto Chodoro at ang kanyang Chinese counterpart na si Minister Dong Jun.
00:32Pero kahit mainit ang isyo ngayon sa mga galaw ng China sa West Philippine Sea,
00:36walang ligoy na sinabi ni Defense Secretary Gilberto Chodoro na hindi siya makikipag-usap sa China hanggang hindi ito nagpapakita ng sinseridad.
00:44Sabi kasi ng China Ministry of Defense, kaugnay ng patuloy na pagpapatrolya ng Pilipinas sa West Philippine Sea,
00:49dapat umayos ang Pilipinas dahil hindi hahayaan ng China na mablockmail sila ng maliliit.
00:54Sampal sa mukha yun, kaya hindi ko tatanggapin.
00:57Would you offer to talk to somebody who slammed your country that way? Of course not.
01:03Hininga namin ang reaksyon ng Embahada ng China, pero wala pa silang tugon.
01:07Dapat kung makikipag-usap o makikipag-ugnayan tayo, respetuhin muna nila ang alituntunin natin at ang sovereignty natin.
01:19Ang mga pahayag ng kalihim ginawa matapos piramahan ang Status of Visiting Forces Agreement sa Canada.
01:25Layon itong palakasin ang ugnayan ng militar ng Pilipinas at Canada.
01:28At ito ang magiging basihan para makapagsagawa rin ng joint exercises sa mga armed forces ng dalawang bansa.
01:33Underpinning the sofa is the foundation on which it is built.
01:42It is to preserve the international order as a rules-based international order,
01:50respecting the sovereignty and dignity of not only states,
01:56but also of its people as human beings with the rights and the freedoms that they enjoy.
02:04Inaasahan ni Canadian Defense Minister David McInty na makakasama sila sa balikatan sa susunod na taon.
02:09This signing is not the end of an effort.
02:13It really is just the beginning of a journey.
02:16One of deeper cooperation, greater understanding,
02:20and enduring partnership between our two great peoples,
02:25our militaries and our nations.
02:29Ang Canada ang palimang bansa na may VFA ang Pilipinas,
02:33kasunod ng Australia, New Zealand, Japan at ng Amerika.
02:36Lalo pang ang pinalalakas ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Amerika
02:39dahil bumuo ng isang joint task force para dagdagan ng kahandaan ng kanila mga militar
02:43sa mga lugar kasama ang South China Sea.
02:45Inanunsyo ito pagkatapos ng pulong ni Nachodoro at U.S. Department of War Chief Pete Hegseth noong isang linggo.
02:52Para sa GMI Integrated News,
02:54Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended