Skip to playerSkip to main content
Umamin ang abogado ng mga nagpakilalang dating sundalo na maling inilista si Cong. Leila de Lima bilang isa sa kongresistang tumanggap ng pera sa delivery na naganap umano noong panahong hindi pa ito nahahalal, pero nanindigan ang abogado na tumanggap ito ng pera.


Umamin naman si dating Cong. Mike Defensor na tumutulong siya sa mga ex-Marines.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Umamin ang abogado na mga nagpakilalang dating sundalo na maling inilista si Congresswoman Laila de Lima bilang isa sa Congressistang
00:10tumanggap ng pera sa delivery na naganap umano noong panahon hindi pa ito nahahalal.
00:16Pero nanindigan ang abogado na tumanggap ito ng pera.
00:21Umamin naman si dating Congressman Mike Defensor na tumutulong siya sa mga ex-Marines. Nakatutok si Salima Refran.
00:33Kung tatawagan lang nila ako, e aamin naman ako talagang tumutulong ako sa mga yan. Naniniwala ako sa mga sinasabing
00:40lahat.
00:41Hindi itinanggi ni dating Congressman Mike Defensor na tumutulong nga siya.
00:45Sa labing walong nagpakilalang mga dating sundalong nagsilbi umanong bagman ni dating Congressman Zaldico.
00:52Pero limitado lang umano ang tulong niya at wala umanong perang sangkot dito.
00:58Katulad niya, transportasyon nung sila pumunta doon sa press conference, kung ano man yung pagkatago na kailangan magsama-sama sila,
01:06tumutulong ako.
01:07Pero para sabihin na binayaran para magsalta, wala pong katotohan.
01:10Wala rin umano siyang kinalaman sa mga sinasabi ng labing walo.
01:14Sinasabi nila na sila nagdadala sa Raffle, sa Midas, walang nanggaling sa akin dyan.
01:19Wala naman akong kaalam alam dyan.
01:21Bukod sa labing walo, sampung iba pang dataring umanong sundalo ang maglalahad din ng umanoy alam nila.
01:29May separate affidavit sila o separate na kwento sa bawat pagdideliver.
01:32Matapos ang isang naon ng TV interview, pinanindigan ng abogado ng mga dating sundalo na si E. Levy Baligod kahapon
01:40ng hapon,
01:41nakasama sa mga tumanggap umano ng pera mula September 2022 hanggang unang bahagi ng 2025,
01:48si ML Partylist Representative Laila de Lima na naging kongresista lang nitong June 2025.
01:54Isa si Congresswoman Laila de Lima na nakita nila mismo, eyewitness, na nagdala ng paper bag na may salapi sa
02:05loob na hindi magpukulang na 5 milyon.
02:09Dagdag niya sa isang post, mali anyang sabihin binawi niya ang pagdawit kay De Lima.
02:15Nagkamali lang anya sa paglista kay De Lima sa ilalim ng mga kongresistang tumanggap ng pera.
02:21Dapat anya ay inilis na lang siya sa ilalim ng ICC operation.
02:25Nauna ng pinabulaanan ni De Lima na may natanggap siyang pera.
02:29Tinawag pa niyang imbento ang mga sinabi ni Baligod na anya'y nagkakabuhol-buhol na rawang kwento.
02:36Sinabi naman ang Department of Justice na pwede silang i-deputize ng ombudsman para magsagawa ng preliminary investigation sa reklamo
02:44ng 18 dating Marines.
02:46Pero wala pa umanong natatanggap na formal na request sa ngayon.
02:49Ang pinagkaiba po kasi ng ombudsman sa DOJ is we cannot act on any, we cannot motoproprio initiate our own
02:57investigation.
02:57The DOJ can only act upon complaints properly filed with us, with this department, at may criminal charge na kasista
03:08dun sa complaint.
03:09Inaanyayahan naman ang National Bureau of Investigation o NBI si Baligod para sa kanila idaan ang reklamo.
03:16Iimbisigahan din ang NBI ang pagkakakilanlan ng mga dating military personnel.
03:22Para sa GMA Integrated News, Sanima Refra, Nakatutok 24 Oras.
03:32INAANANAN.
Comments

Recommended