00:00Peligroso dahil halos matumba na ang isang poste sa Montilupa City.
00:08Walong buwan na umano itong sakit ng ulo ng mga residente kaya dumulog na sila sa inyong Kapuso Action Man.
00:13Tanging mga kawad na lang ang sumusuporta sa posting ito ng PLDT sa isang bahagi ng Magdaong Drive sa Barangay Poblasyon, Montilupa City.
00:34Nakababahalang nakatagilid at nakaliyad na sa lote ng ilang residente ang posting pwedeng bumagsak. Anumang sandali.
00:42Malapit na pong matumba at sa mga nagdaraan na sasakyan at mga tao dito eh baka po may madisgrasyas.
00:48Yung mga bumibili po dito sa tindahan po namin na maliit eh natatakot na po.
00:55Oktobre pa umano ng nakarang taon nagsimulang bumigay ang poste dahil sa bagyong Christine.
01:00Nagumpisa po yan nung matumbahan po ng malaking puno ng mangga. Tumagilid po yung poste na yun.
01:08Ilang beses na rin nakipag-ugnayan sa PLDT ang mga apektadong residente pero inabot pa rin ng walong buwan ang problema.
01:14Nasa rescue team na po namin sabi nila.
01:24Dumulog ang inyong kapuso action man sa PLDT.
01:26Ako na po ang mga mauunang humingi ng paumanhin at magsabi at mag-acknowledge sa mga kinahukulan.
01:34Wala pong legitimate rason para magtagal ng kanyan yan.
01:37Kinakalampag namin at saka inaalam.
01:42So meron din kaming internal na inquiry para malaman namin lahat ng nangyari.
01:49Ayoko lang pong pangunahan yun.
01:50Sa ngayon ay inalis na ang nakatagilid na poste sa lugar.
01:57Nagtakda rin ang ibang pwesto ang PLDT para sa ipinalit nilang bagong poste.
02:01Napakalaki pong tulong ng pagdulog po namin kay Sir Emil Sumangil po ng action man.
02:14Dahil po kung hindi namin sinumbong sa kanila, baka po hanggang ngayon hindi pa po natanggal yung poste na yun.
02:21Para sa parehong mga sumbong.
02:23Meron po tayong hotline.
02:251-6-4.
02:26Pwede po kayong tumawag dyan.
02:28Mas madali pang ma-escalate sa mga kinahukulan.
02:31Para hindi lang sa hindi na maulit ito, saan dapat talaga sa susunod, mas mabilis ang action.
02:43Mission accomplished tayo mga kapuso.
02:46Para sa inyong mga sumbong,
02:46pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page o magtungo sa JMA Action Center
02:52sa JMA Network Drive Corner sa Maravinyo, Diliman, Quezon City.
02:55Dahil sa anumang reklamo, pang-aabuso o katiwalian,
02:58may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
Comments