00:26Joseph Moro
00:32Sa kontra-salaysay o counter-affidavit na isinumite ni na dating Bulacan First District Engineers Bryce Hernandez at J.P.
00:40Mendoza
00:40kaugnay ng preliminary investigation sa manumalyang flood control project sa Pandi, Bulacan.
00:46Hiniling nila sa Department of Justice na huwag gamitin bilang ebidensya ang kanila mga sinumpaang salaysay
00:53na isinumite nila nung nag-a-apply sila para makapasok sa Witness Protection Program.
00:58Kabilang dito ang whistleblower's report na isinumite nila nung September 4,
01:03supplemental affidavit at panghukumang salaysay noong Oktubre.
01:08Sanabihin daw sila noon ang NBI na hindi gagamitin laban sa kanila ang kanilang mga salaysay.
01:14Pero sa halip, ang nangyari daw, ginamit daw ang mga ito bilang basehan ng kaso laban sa kanila.
01:20Dagdag pan Hernandez, tila nabudol daw sila at pre-nessure lamang daw siya na pirmahan ang mga salaysay
01:27nang hindi pa niya ito nare-review.
01:30Ginawa daw nilang salaysay dahil sabi sa kanila ng NBI gagamitin daw ito laban sa ibang opisyal ng gobyerno
01:37at para makatulong sa kanilang aplikasyon sa Witness Protection Program o WPP.
01:43Pero hindi sila nakasama sa mga pinasok sa WPP.
01:47Sabi ni Hernandez, tinanong daw siya ng NBI uko sa modus operandi sa flood control project.
01:52At ang mga sagot daw nila naging basihan sa ginagawang investigasyon ng gobyerno
01:57laban sa ilang personalidad tulad na Sen. Joel Villanueva, Sen. Jingoy Estrada,
02:03dating Congressman Saldico, dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo at iba pa.
02:08Kasama rin dito ang tungkol sa kanilang pagkakasangkot sa umunin mga maanumalyang flood control project.
02:14Sabi ni Nga Hernandez at Mendoza ang paggamit ng kanila mismong salaysay laban sa kanila
02:20ay paglabag laban sa self-incrimination.
02:23Kinumpirman ng kampo ni Hernandez na isinimit na na sa DOJ ang affidavit
02:27pero hindi na sila nagdagdag ng komento dahil magiging unfair o hindi raw ito patas sa investigating panel
02:33kasumasa ilalim pa ang reklamo sa pagdinig.
02:36Ayon sa Department of Justice, may mga ilang kaso silang isinampa kaugnay ng mga manumalyang flood control projects
02:43ang gumamit ng mga testimonya ni dating DPWH Engineer Bryce Hernandez.
02:48I would say certain statements led us to those evidence kasi pira-pirasong ebidensya eh.
02:53Definitely may mga nakuha at napulot na particular statements na nagamit sa mga kasong nakasalang.
03:01Pero may iba pa namang mga testigong inaasahan ang DOJ.
03:05Hindi biru-biru yung magbaliktad ng statement, di ba?
03:09Kasi sworn statement yan. May kinakaharap ka ng mga consequences.
03:14Sa ngayon po, yung atin naman po mga witnesses, yung mga nagpatuloy sila nakikipag-cooperate sa atin.
03:21Tumanggi naman magdagdag ng komento ang DOJ para hindi mapangunahan ang resulta ng preliminary investigation.
03:29Nakakulong ngayon sa New Quezon City Jail, sina Hernandez at Mendoza, kasama si dating Sen. Bong Revilla,
03:35at ibang akusado sa mga kasong graph at malversation patungkol sa iba pang ghost projects sa Pandi, Bulacan.
03:42Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
Comments