Skip to playerSkip to main content
Sinampahan ng cyberlibel at iba pang reklamo ang 18 nagpakilalang dating sundalo, gayundin ang kanilang abogado at isang dating congressman.


Giit ni dating Sen. Antonio Trillanes IV, sinisiraan lang siya at gustong isabotahe ang pagdinig ng ICC laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinampahan ng cyber libel at iba pang reklamo ang labing walong nagpakilalang dating sundalo,
00:06gayon din ang kanilang abogado at isang dating congressman.
00:10Giit ni dating Sen. Antonio Trillanes IV, sinisiraan lang siya at gustong isabotahe
00:17ang pagdinig ng ICC labang kay dating Pangulong Duterte.
00:21Nakatutok si Von Aquino.
00:26Nag-hahin ang reklamong perjury si dating Sen. Antonio Trillanes IV sa Department of Justice
00:32laban sa labing walong dating Marines na nag-akusa sa kanya na nakatanggap siya ng mali-maletang pera
00:38mula kay dating congressman Zaldico.
00:40Reklamong cyber libel at incriminating an innocent person naman ang inihahin niya
00:45laban kina Atty. Levito Baligot, ang abogado ng labing walong dating sundalo,
00:49dating congressman Mike Defensor, broadcaster na si Jay Sonza,
00:53dating NTFL CAC spokesperson Lorraine Badoy at vlogger na si Kathy Binag
00:58dahil anya sa pagpapakalat ng mga kasinungalingan tungkol sa kanya.
01:03Giit niya isa itong conspiracy, hindi lang para sirain siya,
01:07kundi pati na rin ang International Criminal Court.
01:10Aminado si Trillanes na 2017 pa siya nakikipa.
01:13Wala akong natanggap na 2 million dollars at kung anumang halaga mula kay Zaldico para sa ICC operations.
01:22So itong ginawa nila ay paninira lang, hindi lang sa akin,
01:27kundi dun din sa mga investigador ng ICC to cast doubt dun sa integrity ng ICC investigations.
01:36Paglilinaw ni Trillanes, ang ICC ang gumagasto sa operations nila rito sa Pilipinas.
01:42Nagsalita na rin anya ang ICC na meron silang pondo para sa kanilang investigasyon
01:47at itinanggi na rin umano nila na tumanggap sila ng pera mula sa mga Pilipino.
01:52Hinalarong ni Trillanes, gagamitin ang abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
01:56na si Nicholas Kaufman ang aligasyong ito para isabotahe umano ang trial sa The Hague.
02:01Pero sabi ni Trillanes ang ginawa ng mga dating sundalo at ni Baligod
02:05paglabag sa Article 17 ng Rome Statute at maaari silang kasuhan ng obstruction of justice.
02:12Nagsalita na yung deputy prosecutor, yung acting prosecutor ngayon
02:17na deliberate intimidation yung ginawa nila Levi Baligod.
02:23Tapos yung pag-out nila nung mga identities at names nung mga ICC investigators
02:30at nung mga witnesses dahil doon nilagay nila sa piligro yung mga taong ito.
02:37Nang tanungin si Trillanes kung sino sa tingin niya ang nasa likod ng mga akusasyon
02:41laban sa kanya at sa ICC, itinuro niya ang kampo ni dating Pangulong Duterte.
02:46May isa rin daw sa labing walong dating sundalo ang aamin kung sino ang nasa likod nito.
02:51Unang-una, they stand to benefit most dito sa pangyaring ito.
02:58Tapos marami ng nakalap na ebidensya, informasyon na nagtuturo doon sa grupo nila.
03:07Basta kinalaunan po, antayin nyo lang, lalabas kung ano talaga ang kusino ang nasa likod nito,
03:16magkano ang buong proyekto na yan, ano ang kapalit dito sa mga ginawa nila at yun kung sino ang nag
03:28-finance.
03:28Pinanindigan ang isa sa mga nagpakilalang dating sundalo na si former Sergeant Dante Orbilio
03:33ang pahayag nila laban kay Trillanes.
03:36Bilang dating driver doon ni Zaldico, tatlong beses sa sanglinggo silang maghatid sa ibat-ibang personalidad
03:43na mga maleta o paper bag na puno ng pera.
03:46Ang dineliver doon ay isang paper bag.
03:54At ang nagdala po doon ay iinibos na si Mark Teksay.
04:00Iyon po yung sabi ni Mark Teksay po, na ang laman ng paper bag na yun ay tira
04:10at ibibigay nga kay former Senator Trillanes doon po sa antipulo.
04:15Sagot naman ni Defensor.
04:17Wala naman akong alam doon sa PDABIT e.
04:19Sa kanyang post naman sa social media, sinabi ni Badoy na na-expose na si Trillanes
04:25bilang isa sa mga tumanggap ng maletang may pera para gawin o mano ang utos ni Pangulong Bongbong Marcos
04:31kaya't may pivotal role anya si Trillanes sa pagkasira ng ating bansa.
04:36Sinusubukan pa namin kuna ng pahayagang iba pang nabanggit sa reklamo.
04:40Para sa GMA Integrated News, Von Aquino Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended