00:00Nauwi sa trahedya ang sinasakyang bangka ng mga manging isda sa karagatang sakop ng Manay sa Davao Oriental dahil sa
00:07sama ng panahon.
00:08Agad namang nagsagawa ng search and rescue operations ang Philippine Coast Guard kaugnay sa mga nawawalang manging isda.
00:14Yan ang ulat ni Jaira Mondez ng PTV Davao.
00:19February 20, nang i-report ng kapitan ng isang bangka sa Coast Guard ang pagkawala ng anim na manging isda
00:26sa karagatan ng Davao Oriental.
00:27Sama-sama umanong naglayag ang mga manging isda mula Sityo Tambak, Barangay Makambol, Matis City patungong Baganga upang manging isda
00:36nang salubungin sila ng malakas na hampas ng alon.
00:40Ang isang bangka umano ang nagbawas ng kargamento upang hindi tumaob habang ang isa naman ay nasiraan ng makina.
00:47Ang natirang ikatlong bangka ang nakapagpatuloy sa biyahe pero hindi na nakita matapos ang insidente.
00:55Ongoing po yung search and rescue operation natin together with Maritime Police and MDRRMO.
01:03Actually nag-depart sila kanina pang 7am hanggang ngayon. Ongoing po po yung search operation natin ma'am.
01:11Inilala ang anim na mga manging isda na sila Ignacio Manuel, Cristobal Manuel, Jose Sarajena, Darwin Magaso, Alejandro Dormal Jr.
01:22at Jacinto Pacquiao.
01:24Nakipagtulungan na rin ang Coast Guard sa kanilang mga substation gaya ng San Victor, Baganga at Mati upang mapaigting ang
01:33search and rescue operation.
01:34Paulit-ulit naman ang paalala ng otoridad na iwasan ang paglalayag kapag masama ang panahon.
01:41Safety naman po ay is a shared responsibility kaya po ugaliin po nating maging responsable sa sarili nating kaligtasan para
01:50sa sarili natin at sa pamilya natin.
01:55Kami po ay patuloy na nagkakandak ng search and rescue operation para po hopeful po tayo na makita po natin
02:03silang at makabalik po sa kanilang mga pamilya.
02:07Sa ngayon ay wala pang nakitang debris, wreckage at ano pang bagay na may kinalaman sa nawawalang bangka.
02:14Mula rito sa PTV Davao, Jaira Mundez para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.