00:00Tumutok sa narco list o tinawag ding PRRD list
00:03ang ikalawang araw ng confirmation of charges hearing ng crimes against humanity
00:07laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:10Sinimulan ng trial lawyer na si Edward Jeremy ang pagsusumite ng merito ng kaso.
00:15Inilatag ni Jeremy kung paano naging national in scope ang Davao Death Squad
00:19noong maging Pangulo si Duterte noong 2016,
00:22kung saan itinalagan siya sa mataas na posisyon kabilang sa PNP ang mga dating opisyal sa Davao.
00:28Tinutukan din ang unang memorandum na inilabas ng noon ay PNP Chief Ronald De La Rosa
00:33noong nagdedetalya sa offline double barrel o war on drugs ng Duterte administration,
00:39kung saan malinaw na nakalagay ang salitang mutualization ng mga suspect.
00:44Inilabas din ang personal na pagpapalabas ni Duterte ng tinaguriang narco list
00:48kung saan karamihan sa mga kasama ay namatay kinalaunan.
00:52Kabilang dyan, sinadating mayors Rolando Espinosa at Reynaldo Parohinug.
00:57Hindi rin nakaligtas ang maraming pahayag ni Duterte sa harap mismo ng mga polis at militar
01:02na kahit masangkot sila sa massacre ay hindi sila dapat matakot
01:06dahil siya na umano ang bahala sa kanila.
Comments