00:00Una po sa ating mga balita, isinilbi na ngayong araw ng Office of the Senate Sergeant at Arms
00:06ang summons kay Vice President Sara Duterte Carpio bilang bahagi ng proseso ng impeachment trial.
00:13Sa kumpirmasyon ng Office of the Vice President, natanggap nila ito bandang alas 10.40 ng umaga.
00:20Kasunod dito, binigyan ang Vice Presidente ng 10 araw para tumugon sa Articles of Impeachment
00:26at inatasang humarap sa Impeachment Court.
00:30Mula sa pagkatanggap ng kanyang sagot, binigyan naman ang prosespisyon ng limang araw para maghain ng reply.
00:37Pinapayagan ang magkabilang panig na maghain ng mga pleading at annexes sa pamagitan ng electronic mail.
Comments