Skip to playerSkip to main content
  • 1 day ago
DepEd at LGUs, lumagda sa kasunduang susuporta sa Nationwide Classroom Building Program; halos P10B pondo, inilaan sa pagtatayo ng nasa 4,000 classrooms | ulat ni Denisse Osorio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Maggatawang natutugunan ng Education Department at mga lokal na pamahalaan ang malaking kakulangan sa mga silid aralan sa sabansa.
00:07Inaasahang mas magiging mabilis na ang konstruksyon ng mga classroom matapos pumirma ng kasunduan ang DepEd at mga LGU mula
00:15Luzon, Visayas at Mindanao para sa Nationwide Classroom Building Program.
00:20Si Denise Osorio sa report.
00:25Hindi lang pagpapabilis ng pagpapatayo ng mga silid aralan ang tinutukan ng Malacanang, kundi pati ang maayos at may pananagutang
00:33paggamit ng pondo ng bayan para sa mga proyektong pang edukasyon.
00:36Lumagdana ng Memorandum of Agreement ang Department of Education at mga city government mula Luzon, Visayas at Mindanao para sa
00:44Nationwide Classroom Building Program.
00:46Sa ilalim ng kasunduan, mas pinalalaki ang papel ng mga lunsod sa pagpapatupad ng mga proyekto habang nananatiling na sa
00:54national standards ang mga ito.
00:56Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., bahagi ito ng tuloy-tuloy na pagtitibay at pagpapalakas ng estado ng edukasyon
01:03ng bansa.
01:04Nasa 145,000 mga silid aralan ang kulang pa sa buong Pilipinas.
01:10At direkta itong nakakaapekto sa pagtututo ng mga mag-aaral at sa pagtuturo ng mga guro.
01:16Inilahad din ng Pangulo kung paano mapapasaayos ang paggamit ng pondong inilaan na 85 billion pesos para sa pagpapagawa ng
01:25mga classroom sa buong bansa.
01:27Alam naman natin na ang pondo ng taong bayan ay kailangan ingatan.
01:31Kaya malinaw din ang pananagutan sa sistemang itinayo natin dito.
01:36Ilalabas ang pondo sa tatlong bahagi o tatlong tranche.
01:40Kailangan ang hiwalay na trust account para lamang dito sa proyektong ito.
01:46May obligasyon din na mag-submit ang LGU ng buwanan at quarterly report sa DepEd para malaman naman natin kung
01:56nagkakaproblema kung maayos ang patakbo.
01:58At ang mahalaga, walang final turnover o final payment na mangyayari hanggat na-validate na ng ating DepEd.
02:07Ibig sabihin, titiyakin muna na pasado sa standards ng DepEd ang mga naitayong silid-aralan bago i-release ang kabuuang
02:16bayad sa mga proyekto.
02:17Bukod dito, pinalalakas din ng pamahalaan ang iba pang paraan para mapabilis ang classroom delivery.
02:24Kabilang ang Public-Private Partnerships o PPP upang mas marami pang learning spaces ang maihabol sa mga susunod na taon.
02:31Pero malinaw ang panawagan ng Pangulo sa mga lokal na pamahalaan.
02:36Siguraduhin, hindi masasayang ang bawat sentimo ng pondo.
02:41Binigyan din ng Pangulo na hindi lang sa pagpapatayo at pag-aayos ng mga silid-aralan,
02:46nagtatapos ang pag-improve sa estado ng edukasyon sa bansa.
02:50Tiyakin natin, hindi maantala ang mga proyekto.
02:54Tiyakin natin, di kalidad, ang ating maputatayo na silid-aralan.
02:58Tiyakin din natin na ang bawat sentimo na pinaghirapan ng ating mga kababayan ay gagamitin sa tama.
03:06Target ng DepEd at ng mga LGU na pabilisin ang classroom construction sa ilalim ng iisang sistema.
03:12Inaasahang mas bibilis ang koordinasyon sa pag-prioritize ng mga paaralan
03:16at na mapupunta sa dekalidad na silid-aralan ang mga mag-aaral.
03:219.8 billion pesos ang nakalaan para sa pagpapatayo ng humigit-kumulang na 4,000 silid-aralan,
03:28habang mayroong karagdagang 5.96 billion pesos para sa adesyonal na 1,700 pa.
03:35Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended