00:00Maka bibili na rin ng 20 pesos kada kilog bigas ang mga kababayan nating manging isda simula ngayong Agosto.
00:07Yan ang ulat ni Vell Custodio.
00:11Pilit ay pinagkakasya ng manging isdang si Richard ang kita niya sa labing dalawang miyembro ng pamilya.
00:17Matumal kasi ang huli ng isda sa mga panahon ito, lalo na off fishing season sa Palawan.
00:22Ako kasi ma'am yung bumubuhay sa amin tapos mga 20 kaya mo eh, 12 ganun.
00:30Pero ma'am, sa mga kapatid ko, sa mga kamag-anak ko rin po ma'am.
00:33Pagdating ng off-season kasi ma'am, medyo mahina na rin po yung isda.
00:37Pero pagdating po ng season, medyo nakakabawi naman po ma'am pagdating sa mga panguhuli ng isda.
00:44Sa ngayon kasi off-season na, medyo mahina na yung huli, mga ganitong buwan.
00:50Ikinatuwa ng mga manging isda nang mabalita ang makakabili na ng 20 pesos kada kilog bigas
00:55sa ilalim ng programang 20 bigas meron na simula sa August 29.
01:00Malaking tulong eh ma'am, kakatulog yung sa amin, ma'am, mahirap kami.
01:03Mas maganda yun kung mayroong ganun para katutulong din sa araw-araw namin.
01:08Mula Palawan, ibinabagsak nila ang mga huli sa Navotas Fishport
01:12na isa sa mga pangunahing bagsaka na isda sa Metro Manila.
01:15Kaya mas burang mabibili dito ang mga seafoods, lalo na kapag wholesale.
01:20Itong tanigi ay 330 pesos yun lang siya mabibili dito sa Navotas Fishport.
01:25Pero syempre kapag wholesale yung binili nyo ay pwede kayong tumawad ng hanggang 20 pesos per kilo.
01:32Kapag sa palengke, mabibili nyo yan ng 400 hanggang 500 pesos.
01:36At dito rin sa Navotas Fishport, makakasigurado kayo na fresh yung mabibili nyo
01:41kasi tingnan nyo malinaw yung matanong isda at saka mapula yung hasang niya.
01:48Dahil accredited ang naturang fishport ng Philippine Fisheries Development Authority o PFDA,
01:54sila din ang nagsusuklay na isda sa fish on the go ng kadiwa ng Pangulo.
01:58Magandang pagkakataon ito para sa mga manging isda na makikinabang sa murang biga
02:03sa pilot launch ng programa sa huling linggo ng Agosto.
02:07Makikipagungnayan ang National Food Authority sa PFDA
02:09para magsilbing lugar kung saan maaaring bumili ang mga manging isda ng benteng bigas.
02:15Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnold de Mesa,
02:19bahagi ang naturang hakbang ng pagpapalawak ng programa
02:22na una nang ipinatupad para sa mga magsasakan ng palay noong nakaraang linggo.
02:27Hanggang 10 kilong bigas kada one ang maaaring bilhin ng bawat manging isda.
02:31Ayon sa DA, halos 8 milyong manging isda ng Pilipino ang maaaring makinabang sa naturang programa.
02:37Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.