Skip to playerSkip to main content
  • 7 months ago
Maling grid coordinates na isinumite umano ni dating DPWH Sec. Bonoan, bubusisiin pa sa susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee | ulat ni Louisa Erispe

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi pa tapos ang Blue Ribbon Committee sa investigasyon sa flood control scandal.
00:04Katunayan, sa susunod na pagdinig, ang bubusisiin naman ay ang koneksyon ng dating liderato ng Kamara sa mga diskaya
00:12at didiktikin pa rin ang issue sa maling grid coordinates.
00:16Si Luisa Erispe sa Sentro ng Balita.
00:21Posibling imbitahang muli sa susunod na pagdinig ng Blue Ribbon Committee si dating House Speaker Martin Romualdez.
00:28Ayon kay Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Chairman Pan Filo Lacson,
00:33idadaan nila ang imbitasyon sa liderato ng Kamara.
00:36Bagamat hindi nila mapipilit na dumalo ang dating House Speaker,
00:39bukas ang komite na pakinggan ang kanyang panig.
00:42Ang tatalakayin kasi sa susunod ay ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa isang bahay sa Forbes Park sa Makati City.
00:50Patatandaan na noong nakaraang pagdinig,
00:52may dalawang testigo na itinuro si Curly Descaya na kontraktor umano ng nasabing bahay.
00:58Ang adres naman nito ay ang 30 Tamarind Road na siyang lumabas naman sa isang video ni dating Congressman Zaldico
01:05na doon umano siya nag-deliver ng 1 billion pesos sa utos ni dating Speaker Romualdez.
01:11Ang lumalabas naman na may-ari ay ang Golden Fee Sand Holding Corporation.
01:14Kaya maaaring ipatawag din ang malaking stockholder nito na si Atty. Jose Raulito Paras.
01:21Bubusisiin din kung may kakayahan ba talaga itong bumili ng bahay na nagkakahalaga ng halos 1 billion pesos.
01:29Wala pa namang komento ngayon si dating Speaker Romualdez.
01:32Pero kahapon, hinamon din siya ni Sen. Risa Hontiveros na dumalo sa Blue Ribbon Committee para marinig ang kanyang panig.
01:39Hindi lang naman ang isyo ni Romualdez ang tutumbukin sa susunod na pagdinig.
01:44Pupuntiriyahin ulit ng mga tanong si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan
01:49hinggil sa umano'y maling grid coordinates na isinumiti niya kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:55Lumalabas kasi 86% ng mga coordinates ng flood control projects ay mali-mali.
02:02Hindi pa rin kumbinsido si Sen. Laxon na hindi sinadya ang pagsusumiti ng maling datos.
02:07Baka raw ginawa pa nga itong escape plan kung sakaling makarating sa korte ang investigasyon.
02:13Nagbabala naman si Laxon na pwede nilang ipakulong si Bonoan kung titipirin ito ang mga sagot at ang mga ibibigay na impormasyon.
02:21Samantala, kamakailan, naglabas ng Minority Report si Sen. Amy Marcos.
02:25Sen. Marcoleta hinggil sa investigasyon ng Blue Ribbon Committee na bastusan naman si Sen. Laxon at sinabing deretso ito sa basurahan.
02:35Git niya, hindi pinipigilan ang kanyang mga kasamahan na magkomento o magkaroon ng rekomendasyon pero hindi sana nakikipag-unahan sa komite.
02:44Pinayuhan niya rin ang mga ito na balikan ang rules ng Senado sa tamang proseso ng pagsusumiti ng mga komite reports.
02:51Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended