- 1 hour ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Narito ang mga balitang ating sinaksihan ngayong Huwebes Feb. 19, 2026.
- Mahigit 30 pamilya sa La Carlota City, inilikas dahil sa pagputok ng Bulkang Kanlaon
- Taiwanese national na mastermind umano sa pagpatay sa chop-chop victim sa drum, arestado sa hotel-casino sa Parañaque
- Ika-4 na impeachment complaint vs VP Duterte, nai-transmit sa Office of the speaker sa loob ng 24 oras
- ICC: Nakasalalay sa mga hukom ang pagpapasya sa hiling ni Duterte na huwag dumalo sa confirmation of charges
- Halos P23M halaga ng shabu, nasabat sa abandonadong packages sa NAIA
- PBBM at Robredo, magkikita sa Naga para sa oplan kontra baha; Palasyo, itinangging may binubuo nang alyansa
- Dating cabinet secretary ng Duterte administration, itinalagang bagong hepe ng NBI
- 2 pulis, tanggal sa puwesto dahil sa viral video ng police mobile na sumingit umano sa isang sasakyan at humarang sa stoplight
- Alex Eala, aabante sa quarterfinals ng Dubai Tennis Championships at makakalaban ang dating teammate
- Requirement para makapag-apply ng visa sa South Korea, binawasan
- Mga bagong promote na guro mula Bulacan at Pampanga, dumalo sa mass oathtaking; PBBM, tinawag silang most hardworking public servants
- Rhian Ramos sa pinagdaanang isyu: "The truth will set us free"
- Mga taga-London, nagpaunahan sa 25-meter relay race habang binabaligtad ang pancake sa kawali
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Mahigit 30 pamilya sa La Carlota City, inilikas dahil sa pagputok ng Bulkang Kanlaon
- Taiwanese national na mastermind umano sa pagpatay sa chop-chop victim sa drum, arestado sa hotel-casino sa Parañaque
- Ika-4 na impeachment complaint vs VP Duterte, nai-transmit sa Office of the speaker sa loob ng 24 oras
- ICC: Nakasalalay sa mga hukom ang pagpapasya sa hiling ni Duterte na huwag dumalo sa confirmation of charges
- Halos P23M halaga ng shabu, nasabat sa abandonadong packages sa NAIA
- PBBM at Robredo, magkikita sa Naga para sa oplan kontra baha; Palasyo, itinangging may binubuo nang alyansa
- Dating cabinet secretary ng Duterte administration, itinalagang bagong hepe ng NBI
- 2 pulis, tanggal sa puwesto dahil sa viral video ng police mobile na sumingit umano sa isang sasakyan at humarang sa stoplight
- Alex Eala, aabante sa quarterfinals ng Dubai Tennis Championships at makakalaban ang dating teammate
- Requirement para makapag-apply ng visa sa South Korea, binawasan
- Mga bagong promote na guro mula Bulacan at Pampanga, dumalo sa mass oathtaking; PBBM, tinawag silang most hardworking public servants
- Rhian Ramos sa pinagdaanang isyu: "The truth will set us free"
- Mga taga-London, nagpaunahan sa 25-meter relay race habang binabaligtad ang pancake sa kawali
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:04We'll be right back to the next episode of Negros Occidental.
00:30C-Lot, si Aileen Pedreso ng GMA Regional TV.
00:33Aileen, kamo sa na yung mga inilikas?
00:35Giyang mahigit 30 na pamilya mula dito sa La Carlota City ang inilikas kasunod ng pagputok ng vulkan kanoon kaninang
00:42hapon.
00:43Karamihan sa mga inilikas, hindi pa rin nawawalan ng pangamba na baka masunda ng pagputok ng vulkan.
00:56Grabe, balaga si Gabo.
00:58Makapal na usok at abo mula sa babkang kanoon ang nagdulot ng takot at pangamba sa ilang residenteng nakatira malapit
01:05sa vulkan.
01:06Guide us, oh Lord! Palayo lang, Lord!
01:10Ang ilan sa kanila, napadasal na.
01:16Pasado alas 4 kaninang hapon lang, masilayan niyan ng mga residente.
01:22Ayon sa PIVOX, moderately explosive eruption ang nangyari na tumagal ng dalawang minuto.
01:29Nagdulot ito ng dark gray plume o pagsingaw na nasa 2,000 metro ang taas mula sa crater.
01:36Nakapagtala rin ang pyroclastic density currents o pagdaloy ng uson na umabot sa isang kilometro ang layo.
01:42Kasunod ng pagputok, nakapagtala ng ashfall sa ilang bahagi ng barangay maaw sa Bagong Negros Occidental kung saan nagpulay-abo
01:49ang ilang halaman.
01:51Nananatili sa alert level 2 ang vulkan Kalnaor at patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger
01:58zone.
02:03Sa ngayon, Pia, nagpapatuloy ang assessment ng Negros Occidental PD, RRMO sa mga lugar na apektado ng pagulan ng abo.
02:11May ilang bahagi rin ng La Carlota City ang nakapagtala ng ashfall.
02:15Pia?
02:17Aileen, kamusta naman yung pagmamonitor sa mga lugar, sa kalapit ng vulkano, patuloy po ba ang pag-iikot ng mga
02:25otoridad?
02:30Pia, nagpapatuloy ang mahigpit na monitoring ng Negros Occidental PD, RRMO, lalo na sa mga lugar na malapit sa vulkan
02:39Kalnaor.
02:40At sa ngayon, Pia, mahigit 27 na barangay sa Negros Occidental ang apektado ng ashfall.
02:49At Aileen, sa ngayon, wala namang kumbaga yung mga tumatanggin na lumikas kung sila'y pinapalikas na?
03:00Sa ngayon, Pia, karamihan sa mga evacuees of voluntary na nag-evacuate dahil na rin sa pangamba at takot na
03:08baka posibleng masundan ang pagputok ng mgaon kalnaon.
03:11Alright, maraming salamat at mag-ingat kayo Aileen Pedreso na GMA Regional TV.
03:18Hawak na po ng mga polis ang umunoy mastermind sa pagpatay sa lalaking Chinese National na chinap-chop at isinilid
03:25sa drum na tatakpuan sa Maynila.
03:27Ayon sa polisya, nadakip ang suspect pasado na una ng hapang kanina sa isang hotel-casino sa Paranaque.
03:34Nakipagtulungan umano sa kanila ang live-in partner ng suspect.
03:37Nakuna ng CCTV ang suspect na Taiwanese National habang nagtutulak ng trolley na may asul na drum sa isang kondominium
03:44sa Pasay nitong linggo.
03:46Na-recover din ang otoridad ang mga hininalang gamit ng suspect sa krimen gaya ng lagaring bakal at chopping knife.
03:55Tukoy na rin ang pagkakakilamla ng victimada sa membership shopping card nito.
04:00Nasa kustudiya na ng Pasay Police ang suspect at sinusubukan pa siyang makunan ng pahayag.
04:08Hawak na po ng tanggapan ni House Speaker Bojie D. ang ikaapat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara
04:14Duterte.
04:14Ang paghimay sa nilalaman ng ikaapat na reklamo sa pagsaksi ni Marizo Mali.
04:22Wala pang 24 oras mula nang ihain ng isang attorney Nathaniel Cabrera ang ikaapat na impeachment complaint laban kay Vice
04:30President Sara Duterte na i-transmit na ito ng House Secretary General sa tanggapan ni House Speaker Bojie D.
04:36Inendorso ito ni House Committee on Human Rights Chairman Benia Bante at Deputy Speaker Paolo Ortega V.
04:44Kabilang sa mga paratang ang culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, graft and corruption, bribery at iba
04:51pang high crimes.
04:52Para ito sa umano'y maling paggamit ng mahigit 612 million pesos na confidential funds, pagbanta umano'y ng vice
05:00na ipawapatay si Pangulong Bombong Marcos at iba pa.
05:04Ayon sa reklamo, ilang bank accounts, mga ari-arian at malalaking transaksyon ang hindi umano'y ganap na naideklara sa
05:11mga Sal N. Duterte na nagbubukas ng tanong kung tama nga ba ang naideklara niyang net worth.
05:16Binanggit din sa reklamo ang sinumpang salaysay ng umano'y bagman ni Duterte na si Ramil Madriaga na nagpwento tungkol
05:24sa paghahati daw niya ng milyong-milyong piso na nakalagay sa mga duffel bag matapos ang encashment ng confidential and
05:29intelligence funds ng Office of the Vice President at Department of Education.
05:33This might be the smoking gun because Ramil Madriaga is quite close to the former President and the Vice President.
05:42Hindi lang yan, kundi Ramil Madriaga is actually a very educated person.
05:50Ginawa siyang, hindi lamang bodyguard ni Vice President Sara, talagang ginawa siyang leader.
05:58Sa ilalim ng konstitusyon, ang Kamara ang may eksklusibong kapangyarihan na simula ng proseso ng impeachment.
06:05Kung makakakuha na sapat na boto na one-third ng mga kongresista, may papasa ito sa Senado na uupong impeachment
06:12court.
06:12Sa kasalukuyan, ang apat na complaints ay nakabimbim pa sa Office of the Speaker.
06:18May isampung session days ang opisina ni Speaker D para isama ang mga reklamo sa Order of Business ng Plenario.
06:24Ire-refer ang mga ito sa House Committee on Justice.
06:26Kapag pareha sufficient informant substance, bibigyan na natin ang notice si respondent for her to file an answer within the
06:35period of 10 session days, 10 calendar days.
06:40And then from there, ay magpwede pang sumagot ang complainant by way of reply and then the respondent may answer
06:50also by way of rejoinder.
06:53Hinihinga namin ang pahayag si Vice President Duterte kaugnay ng mga reklamo laban sa kanya.
06:57Tila nagpaalala naman ang palasyo sa mga kongresista na posibleng mabago ang paninindigan sa impeachment kasunod na anunsyo ng vice
07:04na tatakbo siya sa pagkapangulo.
07:07Hindi naman po siguro sila ganun kaduwag para lang matakot dahil nagdeklala lang ang isang tao na siya tatakbo sa
07:12pagkapresidente.
07:13Para sa GMA Integrated News, ako si Maris Umali, ang inyo. Saksi!
07:20Nasa mga hukom pa rin ng ICC ang desisyon raw kung pagbibigyan ang kagustuhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
07:27na hindi na dumalo sa kanyang confirmation of charges hearing para sa kasong Crimes Against Humanity.
07:33Ang tingin naman na ilang kritiko ng dating Pangulo, strategiya lang umano ito.
07:37Saksi! Si Marisol Abduraman.
07:42Nakasalalay sa mga hukom ng International Criminal Court
07:46ang pagpapasya sa hiling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
07:49ayon sa ICC na nanantiling request mula sa depensa
07:53ang surat ng dating Pangulo na i-waive ang kanyang karapatang humarap sa confirmation of charges hearing
07:58kaugnay sa kasong Crimes Against Humanity mula February 23 hanggang 27.
08:04Di raw niya kinikilala ang horosliksyon ng Korte sa kanyang pagkatao.
08:07Tinawag niyang kidnapping ang pagbadala sa kanya sa dehig na anya'y pinangasiwaan ni Pangulong Bongbong Marcos.
08:14Dagdag ni Duterte, outrageous o di ka panipaniwalang kasinungalingan ang akusasyong siyang pasimuno ng EJK sa bansa.
08:23Ayon rin niyang dumalo sa legal proceedings na makakalimutan niya sa loob lang ng ilang minuto.
08:27Matanda, pagod at mahina na raw siya.
08:30Permado ng dating Pangulong Sulat na may pechang February 17.
08:33Para kay ML Partylist Rep. Laila Delima, ang mga deklarasyong ito ni Duterte ay patunay na maayos ang pag-iisip
08:41niya.
08:42Propaganda at legal strategy umano ni Duterte ang di pagdalo.
08:45Pero sabi ng depensas sa kanilang isinumitin sa ICC, idinikta ito ng dating Pangulo sa kanyang legal team noong February
08:5116.
08:53Kinabukasan, binasa para kay Duterte ang sulat, pinaprobahan at pinirmahan.
08:58Kahit nakalimutan na ni Duterte ang idinikta niya noong araw na yun.
09:01Ang Malacanang, iginiit na naayon sa batas ang pagpapadala sa deheg ni Duterte.
09:07Ginampanan lang din daw ng gobyerno ang responsibilidad nito sa mga nagreklamong biktima.
09:12Kung taxpayer po ang giramit ito, ito lang po ay daaayon sa batas.
09:17Dahil gumaganap lang po ang gobyerno ito sa kanyang katungkulan.
09:21Maliban po sa sinabi nating pag-cooperate with the Interpol,
09:27pagpapatupad ng batas na RA 9851, meron din pong residual obligation.
09:31Ang administrasyon na ito upang ipatupad ang dating napagkasunduan na
09:38noong tayo pa ay miyembro ng ICC o ng Rome Statute.
09:42Sa lunes, February 23, nakatakda ang unang araw ng pagdinig
09:46sa confirmation of charges sa dating Pangulo sa ICC sa Deheing, Netherlands.
09:51Sinabi ng ICC na bantay sa assessment ng independent medical experts na pinadala kay Duterte,
09:58fit ang dating Pangulo na humarap sa hearing.
10:01Katunayan, ang inilatag ng schedule ng ICC ay bilang konsiderasyon kay Duterte.
10:06Tatlong oras lang ang hearing sa February 23, 24, 26 at 27.
10:12At kahit isang oras ng hearing ay may break para raw makapagpahinga ang dating Pangulo
10:16para sa GMA Integrated News.
10:19Ako si Marisol Abduraman, ang inyong saksi.
10:25Halos 23 milyong pisong halaga ng Shabu ang nasabat sa Naiya.
10:30At ayon sa Bureau of Customs, nadiskubre ang mga ito sa dalawang abandonadong package na CCTV kits
10:35ang nakadeklarang laman.
10:38Mula pong Malawi sa Afrika at Johannesburg, South Africa,
10:42ang mga nasabat na kontrabando at nai-turnover na mga iligal na droga sa PIDEA.
10:48Itinanggi po ng Malacanang na may nabubuo ng alyansa sa pagitan ni na Pangulong Bombo Marcos
10:53at dating Vice President Lenny Robredo.
10:55Sa gitna po yan ang nalalapit na pagkikita ng dalawa sa Nagas City
10:59na nataon namang mangyayari kasano ng pag-anunsyo ni Vice President Sara Duterte
11:05na tatakbo siyang Pangulo sa 2028.
11:08Saksi si Ian Cruz.
11:14Ako si Sara Duterte.
11:17Tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas.
11:21Sa maagang deklarasyon ni Vice President Sara Duterte para tumakbong presidente,
11:27nabuo ang iba't ibang senaryo na posibleng mga kandidato at tambalan sa eleksyon 2028
11:33at lumutang na ngayon ang pangalan ni dating Vice President Lenny Robredo.
11:38Ako, as far as I'm concerned, the strongest candidate na may chance to be Vice President Sara
11:45is Vice President Lenny.
11:47Ano ito sir, you meant on pursuing her or convincing her talaga?
11:52Yeah, yeah, of course.
11:53She's the strongest for the country.
11:57Ayon kay House Deputy Minority Leader Representative Egay Arise,
12:02wala raw kasing bahid ng korupsyon si Robredo.
12:05Si Robredo rin ang binanggit ni Sen. Erwin Tulfo na pantapat kay Duterte sa eleksyon.
12:12Dapat Lenny Robredo siguro at saka yung mga kasama niyo sa liberal.
12:16Ngayong araw din, sinabi ng Malacanang na Tsempong magkikita sa Sabado
12:21si na Pangulong Marcos at Robredo na ngayon ay Mayor ng Nagas City,
12:25kognay ng Oplan kontrabaha roon.
12:28Nag-post din si Robredo na ininspeksyon na niya
12:31ang pupuntahang lugar ng Pangulo para bisitahin ng flood control efforts ng gobyerno.
12:36Tanong kay Palace Press Officer Claire Castro,
12:39may pag-uusapan pa bang iba ang Pangulo at si Robredo?
12:43Yan ang abangan niyo.
12:45Yun lang po ang ating,
12:48yun lang po ang binigay na impormasyon
12:50dahil nga po ang pinasisimulan nga po ng Pangulo
12:53itong Oplan kontrabaha
12:54at isa sa mga lugar na kanyang pinatutukan ay ang Nagas City.
12:59So, yun lang po.
13:01Kung ano pa ang pag-uusapan nila,
13:03abangan na lang po natin.
13:04Napuna rin na nakasuot si Castro kanina
13:07ng pink ang kulay ng kampanya ni Robredo noon.
13:11That signals na nililigawan talaga ng
13:15administration si Vice President,
13:18dating Vice President Lenny Robredo.
13:20Ikaw naman, nagsuot lang ako ng pink pero naagad mali siya.
13:24Wala po!
13:24Matatandaang noong Oktubre 2024,
13:27nagkaharap na rin si na Marcos at Robredo
13:30sa inaugurasyon ng Sorsogon Sports Arena.
13:34Tinawag pa ito ni Pangulong Marcos na political reconciliation
13:37matapos maging magkatunggali noong election 2022
13:41sa mga nag-iisip kung may nabubuubang alyansa,
13:44sabi ni Castro.
13:46Wala po kasi talaga na pag-uusapan tungkol sa
13:52pangangampanya o kung sino man ang magiging kandidato sa 2020.
13:56Hindi pa po kasi panahon ngayon, napakaaga po pa kasi.
14:00Sinisika pa ng GMA Integrated News
14:03na makuha ang reaksyon ni Robredo sa mga usaping ito.
14:07Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz ang inyong saksi.
14:12Dating Cabinet Sekretary ng Duterte Administration
14:16itinalagang bagong hepe ng NBI.
14:19Inanunsyo ni Palace Press Officer Claire Castro
14:22na magsisilbing bagong NBI Director si Atty. Melvin Matibag.
14:27Ayon sa Palacio, mapagkakatiwalaan at may kakayahan si Matibag
14:31na naging Secretary General ng PDP laban mula 2021
14:35hanggang nagbiti yung noong 2023.
14:38Nitong 2024,
14:41naghain si Matibag ng disbarment case sa Korte Suprema
14:44laban kay dating Presidential Spokesperson
14:46Atty. Harry Roque.
14:48Dahil yan sa mga mapanira o manong social media posts.
14:52Kabilang ang binansagang pulveran video
14:54na kalaunay na patunayang deepfake ayon sa NBI.
14:59Bago ang anunsyo,
15:00isa rin si Matibag sa mga pinagpiliang kumalit
15:03ng magretiro si Ombudsman Samuel Martires.
15:08Pasig City Mayor Vico Soto
15:10nagsampan ang reklamo laban kay Sara Diskaya sa Comelec.
15:14Kaugnay yan sa labis umanong paggasto sa kampanya
15:17noong Eleksyon 2025
15:18na paglabag sa Omnibus Election Code
15:21at perjury para sa pagsisunungaling umano
15:24sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures o SOSEC.
15:28Ayon sa abogado ni Soto,
15:301.39 million pesos lang dapat
15:32ang nagastos ni Diskaya
15:34batay sa bilang ng butante ng Pasig City.
15:37Nung naglaban sila ni Soto
15:39sa pagkaalkalde ng Lunsod,
15:41inilakip sa reklamo ang mga umunay
15:43gastos ni Diskaya sa patalastas pa lang.
15:47Bukod pa sa malalaking billboard
15:49na hindi umuno idiniktara sa kanyang SOSEC.
15:51Pag binasa niyo po yung SOSEC niya,
15:54nasa humigit kumulang 800,000 pesos lang
15:57ang kanyang declared expenditures.
16:01Nakita niyo naman lahat kung ano yung ginawa nila
16:04noong campaign,
16:05kayo na po ang maghusga
16:06kung yun lang talaga ang ginastos nila.
16:10Nakakulong sa Cebu si Diskaya
16:12dahil sa mga kaso kaugnay sa umunay
16:13ghost flood control projects sa Davao Occidental.
16:16Ayon naman sa tagapagsalita ni Diskaya
16:19na si Atty. Cornelio Samaniego,
16:21ang dahilan ng paghahain na reklamo
16:23ng alkalde ay para pagtakpan
16:26ang umunay election offense
16:28na kinakaharap niya sa Comelec office sa Pasig.
16:31Sabi naman ni Soto,
16:33hindi umanong politika ang dahilan
16:35ng pagkofile niya ng kaso,
16:37kundi pagbibigay ng mensaheng
16:39hindi dapat nilalabag ang batas.
16:41Para sa GMA Integrated News,
16:44ako si Sandra Aguinaldo,
16:45ang inyong saksi.
16:48Dalawang patroma nang tinanggal sa pwesto
16:51dahil sa viral video
16:52ng isang polismobil
16:53na siningitan umano
16:54ang isang sasakyan
16:55at humarang pa sa stoplight sa Maynila.
16:58Inaasahan po maaharap sila
17:00sa kasong administratibo
17:01at pinag-aaralan po ng napukom
17:03na kasuhan sila ng perjury.
17:05Ang paliwanag ng mga polis
17:07sa pagsaksi ni Mark Salazar.
17:13Sa road incident na ito
17:14sa Ermita, Maynila kahapon,
17:16sabi ng motorista na may kuha ng video
17:19nagkainisan lang daw sila
17:20sa kalsada ng isang polismobil.
17:31Ang nangyari naman,
17:33binarahan ng motorista
17:34sa stoplight.
17:51Ang video na ito
17:52na ipinadala sa transport vlogger
17:54na si James Dikin.
17:56Nag-viral ito dahil
17:57ang punto ng kwento,
17:59bagitong mga polis pa lang,
18:01arrogante na.
18:02Nang kuna ng paliwanag,
18:03sinabi raw ng mga polis
18:05na nasiraan sila
18:06ng sasakyan noon.
18:07They are claiming
18:08na nagkaroon ng mechanical trouble
18:11yung kanilang patrol vehicle.
18:13And they are stating
18:15ongoing pa naman
18:16ng ating investigation
18:17at validation
18:20doon sa mga CCTV footage.
18:22Actually, the vehicle
18:23is undergoing repair today.
18:26Yes, ma'am.
18:28Because of that incident.
18:30Kailangan magkaroon tayo
18:31ng patas na pag-iimbestiga.
18:32At katulad ng nabanggit natin,
18:34kung gano'n yung talagang
18:35ginawa ng mga polis natin,
18:37mananagot sila.
18:38Hanggang sa inamin na rin
18:40ng mga sangkot na polis
18:41ang inasal sa viral video
18:43at ikinwento
18:44ang ugat ng road incident.
18:45Sinubo na po namin
18:47mag-overtake po doon
18:48sa nasa unang po namin.
18:50Kasi yung mga pangigay na po
18:52ng polis assistance.
18:54And ito pong si Vios,
18:58akala niya po
18:58kinat daw po namin siya.
19:01And yun po,
19:04pagkakliko po namin,
19:05sakto pong nandun po siya,
19:08pumusin na po siya
19:09ng matagal.
19:10Yun po, so on, so on.
19:13Sinuspindi na
19:14ng Land Transportation Office
19:15ng siyam na pong araw
19:16ang lisensya
19:17ng sangkot na mga polis
19:18dahil sa pagbara
19:19ng traffic flow
19:21at beating the red light.
19:23Aanda rin ang proseso
19:24ng administrative cases
19:25laban sa dalawang polis.
19:27Mingi po ko ng public apology
19:29sa mga
19:33naka
19:35kapanood ng video
19:36sa mga kapo ako na
19:41yun po ang personnel
19:43na po kamingin po
19:44ng apologies
19:46sa anong nangyari po.
19:47Lalong-lalo na po sa
19:49kay Sir Kalinisan po,
19:51sa Station Commander
19:52at sa PCP Commander po
19:53at sa taong bayan din po
19:55at sa mga kapo ako po polis
19:57na
19:58naging masama po
19:59ang tingin sa amin.
20:00Hamingin po ako ng pasensya po.
20:02Pero pag-iisipan pa rin
20:03ni Napolcom Commissioner
20:04Rafael Kalinisan
20:06kung kakasuhan sila
20:07ng perjury
20:08na may kasamang kulong.
20:09I was extremely
20:11offended
20:13with that statement.
20:19That was a complete lie.
20:21And I will not take it
20:23from a policeman,
20:24the lowest ranking man,
20:26mamal,
20:26the patrolman,
20:27lying to the
20:29commissioner of the
20:30National Police Commission.
20:31Klarong-klaro naman yung video.
20:33Kahit naman siguro grade 1
20:34alam na yung nangyayari
20:35dun sa video na yun.
20:36Para sa GMA Integrated News,
20:38ako,
20:39si Mark Salazar,
20:40ang inyong saksi.
20:43Aabante sa quarterfinals
20:45ng Dubai Tennis Championships
20:46sa Filipino Tennis Ace
20:48at World No. 47,
20:49Alex Ayala.
20:51Binalo niya sa round of 16
20:52ang pambato ng Romania
20:53sa score na 7-5-6-4.
20:57Ang ka Ayala,
20:58pagiging kalmado
20:59at pagtitiwala
20:59sa kanyang mga atake,
21:01ang susi sa kanyang panalo.
21:03Sunod niya makakarap
21:04si World No. 4,
21:05Coco Goh,
21:06nandati niyang teammates
21:07sa doubles event
21:08sa Italian Open
21:09noong 2025,
21:10kung saan umabot sila
21:11sa quarterfinals.
21:15Binawasan ang requirement
21:17para makapag-apply
21:18ng visa
21:18sa South Korea.
21:19Ay po sa Korea
21:20Visa Application Center,
21:22hindi na kailangan
21:23magpasa
21:23ng tatlong buwang
21:24bank statement.
21:25At para sa mga estudyante,
21:27mamimili na lang
21:28kung magpapasa
21:29ng orihinal na
21:30school certificate
21:31o kopya
21:32ng student ID
21:33sa halip na pareho.
21:35At para sa multiple applicants
21:36na may magkakaparehong dokumento,
21:39isang kopya na lang
21:40ang kailangan ipasa.
21:41At para naman dun
21:42sa mga walang landline
21:43number sa trabaho,
21:44hindi na kailangan
21:45magpasa ng explanation letter
21:47basta't may iba pang paraan
21:48para mag-contact
21:49ang kumpanyang
21:51pinagtatrabahuhan.
21:52Epektibo ang mga
21:53pagbabago
21:54simula po bukas.
21:57Sinaksihan ni Pangulong
21:58Bongbong Marcos
21:59ang panunumpan
22:00ng mga bagong
22:00promote na guro
22:01mula Bulacan
22:02at Pampanga.
22:03Yan ay matapos
22:04may sabataas
22:05ang Career Progression Program
22:06na layong ipromote
22:07ang mga gurong
22:08ilang dekada
22:09nasa servisyo
22:10pero hindi pa nakaranas
22:11ng promosyon.
22:13Naroon din sa seremonya
22:14si Education Secretary
22:15Sonny Angara
22:16at mga lokal na opisyal
22:17ng Pampanga
22:18at Bulacan.
22:22Sila,
22:23para sa akin,
22:25ang guro,
22:26ang pinaka
22:27hardworking
22:29public servant
22:30ng atin
22:31sa buong pamahalaan.
22:32Hindi ako papayan
22:34na hindi masuklihan
22:35ang inyong
22:36sakripisyo.
22:37Walang
22:38sino man
22:39na teacher
22:39ang magre-retire
22:40na Teacher Wang.
22:49Inamin ni Rian Ramos
22:51na hininaging madali
22:52ang mga nagdaang linggo
22:53sa gitna
22:54ng kinakaharap
22:55na kontrobersya.
22:56Sa eksklusibong
22:57panayam
22:58ng GMA Integrated News,
22:59sinabi ni Rian
23:00na tiwala siyang
23:01lalabas din
23:02ang katotohanan.
23:05Well,
23:06honestly,
23:07siyempre,
23:07sino ba naman
23:08matutuwa?
23:09And I can say,
23:11yes,
23:12it's in a way
23:13stressful,
23:14pero
23:16I'm
23:17also
23:18quite
23:19confident
23:19na
23:20the truth
23:21will
23:23set us free.
23:24I just can't
23:25give so much
23:26details
23:27about everything
23:28because
23:28we
23:30might be
23:31waiting for
23:32a possible
23:33case
23:33or whatever.
23:34So,
23:35can't give too
23:36many details.
23:37But yeah,
23:37in the end,
23:38the truth
23:38will set us free.
23:40Sa kabila ng pinagdaanan,
23:42lubos ang pasasalamat
23:43ni Rian
23:44sa pagkakatanghas
23:45kanya bilang
23:45TV Actress of the Year
23:47sa 2026
23:48Platinum Stallion
23:49National Media Awards
23:51ng Trinity
23:52University of Asia.
24:01Flip it till you
24:02make it.
24:03Yan po ang
24:04naging labanan
24:04sa kakaibang
24:05relay game
24:06na ginawa
24:06sa London
24:07sa England.
24:08At ang
24:08siste,
24:10magpapanuahan
24:10silang
24:11makatakbo
24:12ng 25
24:13metro.
24:15Pero
24:15ang twist,
24:16kailangan
24:17binabalik na nila
24:18ang pancakes
24:18sa isang
24:19skillet
24:19o kawali
24:20nang hindi
24:21ito
24:21nahuhulog.
24:22Ayon sa
24:23veterano ng
24:23karera
24:24at announcer
24:24na si
24:25Charlie Carter,
24:26nakasalalay
24:27ang tagumpay
24:27sa flipping
24:28technique
24:29at tamang
24:30timing
24:30habang
24:31tumatakbo.
24:35Mga kapos
24:36sa salamat
24:36po sa inyong
24:37pagsaksi.
24:38Ako po si
24:38Pia Arcangel
24:39para sa
24:40mas malaki
24:40misyon
24:41at sa mas
24:41malawak
24:42na paglingkod
24:43sa bayan.
24:44Mula sa
24:44GMA Integrated
24:45News,
24:46ang News
24:46Authority
24:47ng
24:47Filipino.
24:48Hanggang
24:48bukas,
24:49sama-sama
24:50po tayong
24:50magiging
24:51saksi.
24:56Mga kapuso,
24:58maging una
24:58sa saksi.
24:59Mag-subscribe
25:00sa GMA Integrated
25:01News sa YouTube
25:01para sa
25:02ibat-ibang
25:03balita.
Comments