- 38 minutes ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Narito ang mga balitang ating sinaksihan ngayong Biyernes April 10, 2026.
- Magpinsan na 4-anyos, patay matapos ma-trap sa abandonadong kotse
- Hanggang P6.50/L bawas-presyo sa diesel, posible sa susunod na linggo, ayon sa oil industry sources
- Babae, sugatan matapos mabagsakan ng bakal sa ulo
- 2 puganteng Hapon na sangkot umano sa sindikato ng int'l online scam, arestado
- 3 PNPA Cadets na sangkot umano sa hazing ng underclassmen, nahaharap sa reklamong kriminal at administratibo
- Grupong nagpanggap na may dalang birthday cake mula sa LGU, nagnakaw ng P1-M halaga ng gamit mula sa senior citizen at mga apo niya
- Dita Angara-Mathay, itinalagang bagong Tourism secretary
- Malacañang, tinawag na 'fake news' ang alegasyong inulit na video lang ang pagpunta ni PBBM sa 'Araw ng Kagitingan' event kahapon sa Bataan
- US VP JD Vance, biyaheng Pakistan para sa peace talks kasama ang Iran
- "Hope envelopes", pina-subpoena kaugnay sa impeachment proceedings vs. VP Duterte
- Truck, sinalpok ng motorsiklo; rider, kritikal sa ospital
- Bahagi ng mall, nasunog; halos P45-M ang halaga ng pinsala
- 4-anyos na magpinsang namatay matapos ma-trap sa abandonadong kotse, nakaburol na
- Mainit at maalinsangang panahon, asahan sa weekend
- Motorsiklo, nagliyab sa tabi ng kalsada
- Grupo ng mga senior citizen sa Singapore, sumabak sa parkour
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Magpinsan na 4-anyos, patay matapos ma-trap sa abandonadong kotse
- Hanggang P6.50/L bawas-presyo sa diesel, posible sa susunod na linggo, ayon sa oil industry sources
- Babae, sugatan matapos mabagsakan ng bakal sa ulo
- 2 puganteng Hapon na sangkot umano sa sindikato ng int'l online scam, arestado
- 3 PNPA Cadets na sangkot umano sa hazing ng underclassmen, nahaharap sa reklamong kriminal at administratibo
- Grupong nagpanggap na may dalang birthday cake mula sa LGU, nagnakaw ng P1-M halaga ng gamit mula sa senior citizen at mga apo niya
- Dita Angara-Mathay, itinalagang bagong Tourism secretary
- Malacañang, tinawag na 'fake news' ang alegasyong inulit na video lang ang pagpunta ni PBBM sa 'Araw ng Kagitingan' event kahapon sa Bataan
- US VP JD Vance, biyaheng Pakistan para sa peace talks kasama ang Iran
- "Hope envelopes", pina-subpoena kaugnay sa impeachment proceedings vs. VP Duterte
- Truck, sinalpok ng motorsiklo; rider, kritikal sa ospital
- Bahagi ng mall, nasunog; halos P45-M ang halaga ng pinsala
- 4-anyos na magpinsang namatay matapos ma-trap sa abandonadong kotse, nakaburol na
- Mainit at maalinsangang panahon, asahan sa weekend
- Motorsiklo, nagliyab sa tabi ng kalsada
- Grupo ng mga senior citizen sa Singapore, sumabak sa parkour
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:33Sa kuha ng CCTV sa bakanteng lote sa barangay Barreto o Longapo City, kita ang magpingsang batang lalaking lumapit sa
00:41nakaparadang kotse.
00:43Pasado alas 11 ng umaga noong miyerkulis, pumunta sila sa kaliwang bahagi nito at tila naglaro ng ilang saglit hanggang
00:51sa nabuksan nila ang pinto at saka pumasok sa loob.
00:54Bandang alas 2 po ng hapon, mayroong pong tapawag po sa barangay na kung saan, mayroong pong dalawang bata na
01:04natagpuan na wala ng malay doon po sa abandonadong kotse.
01:10Ayon sa pulisya, nasa 30 metro lang ang layo ng lugar sa bahay ng mga bata.
01:16Nasa trabaho raw ang kanilang mga magulang at ibinilin lang sa mga nakatatandang kapatid at pinsan.
01:22Pero hindi nila napansin na lumabas ang mga bata.
01:43Patuloy ang investigasyon ng pulisya, kabilang na kung may dapat managot sa insidente.
01:48Nang makausap raw nila ang may-ari ng kotse,
02:04Nagtungo na rin daw ang may-ari ng kotse sa lamay ng mga biktima at nagsabing handa silang tumulong sa
02:10mga naulina.
02:10Sa ngayon po, kausap namin yung mga magulang ng mga bata ay wala naman na silang intensyon na maghabol pa
02:19doon sa may-ari ng kotse.
02:21Hiniling lang umano ng mga magulang ng mga biktima na maaalis ang kotse sa lugar.
02:26At matulungan sila sa burol at pagpapalibig sa mga bata.
02:30Paalala ng mga otoridad sa mga magulang.
02:33Maaari po bantayan natin ang ating mga anak para sa ganun ay mapanatili natin na sila ay ligtas.
02:39Ako, si Jamie Santos, ang inyong saksi.
02:43Hanggang magitan na piso kada litro ang posibleng bawas presyo sa diesel sa susunod na linggo.
02:49Ayon po yan sa ilang oil industry sources.
02:51At sinagot naman ang Department of Transportation ng mga agam-agam
02:54na baka maantala ang bayad sa machiper at operator sa service contracting program.
03:00Saksi, si Salim Arefran.
03:05Pepreno ang sunod-sunod ng mega oil price high.
03:08Dahil sa susunod na linggo, sigurado na ang rollback.
03:11Ayon sa Department of Energy.
03:13Sa kwenta ng oil industry sources,
03:15base sa apat na araw na trading ng langis sa world market,
03:19posibleng bumaba ng 5 pesos and 50 centavos.
03:22Hanggang 6 pesos and 50 centavos ang presyo ng kada litro ng diesel.
03:27Hanggang piso naman sa kada litro ng gasolina.
03:30Pero maaari pa yung magbago.
03:32Depende sa trading ngayong araw.
03:34Hopefully, mas steady lang siya na huwag na muna umakyat.
03:37Pagdasal natin na walang bomba na naman mangyari muna ngayon.
03:41Tinatayang 15 milyong commuter naman ang makikinabang sa service contracting program
03:45na inanunsyo ng Pangulo kahapon.
03:47Ilalatala pa lang na Department of Transportation
03:49at ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board
03:53ang mga panuntunan para rito.
03:55Pero tinatayang 50,000 pampublikong sasakyan ang lalahok sa 823 na ruta.
04:0220% ang discount sa pamasahe ng mga pasaherong sasakay
04:05sa mga jeepney, UV Express at bus na kalahok sa programa.
04:10Bugot pa yan sa 20% na diskwento
04:12para sa mga estudyante, PWD at senior citizens.
04:17Mas okay po kasi mas dagaan po yung para po sa budget ng transport.
04:20Pakatipid. Pagka nagbigay lang 40% ba yun?
04:26E di pabor sa amin yun mga senior.
04:28Sa mga chuper namang sasali sa programa,
04:30babayaran sila ng 30 hanggang 100 pesos kada kilometrong biyahe.
04:35May kapyan na 100 kilometers kada araw.
04:38Kapag sumubra, hindi na babayaran ang gobyerno.
04:42Para mamonitor, gagamitin ang GPS o Global Positioning System ayon sa DOTR.
04:48Kailangan may gadget para matukoy ang real-time monitoring sa lokasyon ng mga PUV.
04:53Pero pwede rin ang manual na monitoring ng LTFRB, LTO, PCG at MMDA.
05:00Ipag-usap na rin po ang LTFRB to with I think 22 GPS providers.
05:06500 pesos na lang po yung kanilang renta ng GPS monthly.
05:12Inalmahan niya ng ilang grupo.
05:14May mga service provider po ng GPS na lumapit sa LTFRB.
05:21Mas maukuna naman po ulit kikita sa amin yun.
05:23Kasi kailangan namin bumili ng GPS para mamonitor po yung ilang kilometro po yung kinakubo namin.
05:30Sa kwenta ng DOTR,
05:32kung makakolekta ng limang limang pisong pamasahe sa isang araw ang chuper na kalahok,
05:37di ba baba sa isang limang piso may uuwi niya sa programa.
05:41Nakabawas na rito ang discount sa pasahe, diesel at boundary ng jeep.
05:45Hindi pa kasamang inihahandang 10 pisong kada litrong subsidian ng gobyerno.
05:50Yung 30 liters a day sa 10 piso, bawat litro, that's around the 300 that can start them off to
05:57roll in para makapagkolektan mo sila.
05:59Kada unit ay may maximum allocation na 150 liters kada linggo sa loob ng tatlong buwan.
06:06Magsisimula ang rollout ng fuel subsidy sa NCR at mauuna sa Commonwealth.
06:12Palalawakin din ito sa mga susunod na araw sa Quezon Avenue, España, Zapote, Ebonifacio, Rizan at Marcos Highway hanggang sa
06:22mapatupad ito sa buong bansa.
06:23Si Roberto Corpi, na tatlong dekada ng GP driver, umaasang makatutulong ang service contracting program.
06:31Pero napaso na raw dati nang lumahok dito noong pandemia.
06:35Inabot daw ng buwan bago nila nakuha ang bayad.
06:39Sabi ng kasi araw-araw ang pera, kailangan namin.
06:42Kasi pandisil eh. Hindi naman kasi pwede utang sa kasulinan eh.
06:45Sabi ng operator na si Basilio Genioso, sana raw ngayon, diretso na sa driver at operator ang kita.
06:52Yun na nga, dumadaan pa sa ibang tao, hindi naibigay lahat para sa driver, kayo nababawasan pa.
07:02Tiniyak ng DOTR na ididiretsyo sa bank accounts o e-wallets ang bayad sa mga tsuperan operator.
07:09Nagutos tayo sa LTFRP, ang payment nito must be 3 to 5 days.
07:15Hindi na po tulad dati na haabot ng isang buwan kasi it defeats the purpose, it defeats the program.
07:21Nagbabala rin sila sa mga nais magsamantala.
07:24Mga kahasa kayo na mapipilitan po talaga kami ng reform, isuspet ang iyong prangkesa at hindi lang po kayo tatanggalin
07:32sa programang ito.
07:34Ako, si Salima Refra, ng inyong saksi.
07:38Sugatan na isang babae matapos mabagsakan ang bakal sa ulo sa Binondo, Maynila.
07:43Saksi, si Jamie Santos.
07:47Naglalakad ang isang babae sa bahagi ng Quintin Paredes, canto ng Carvajal Street sa Binondo, Maynila kaninang hapon ng mahulugan
07:55ng bakal sa ulo.
07:56Ang bakal mula sa 32nd floor ng ginagawang high-rise building.
08:01Ayon sa kagawad ng barangay, naglalakad ang babae kasamang isa pang babae malapit sa ginagawang gusali nang bumagsak ang bakal.
08:09Kita sa CCTV kung gaano kahaba ang bakal na bumagsak mula sa itaas.
08:15Maya-maya, makikita ng nakahandusay na ang babae.
08:18Dumating naman ang mga taga-BFP at rescue at binala ang babae sa ospital.
08:23Nakipag-ugnayan din ang safety officer ng ginagawang gusali sa barangay.
08:28Pinatawag ko kaagad yung safety, yung management.
08:32Sabi ko, tulungan niyo yung pasyente nasa metro ngayon.
08:36Hindi rin daw muna pahihintunutan ng barangay ang pagpapatuloy ng operasyon ng construction
08:41hanggang hindi na ayos at hindi na daragdagan ang kanilang mga safety measures para hindi na maulit ang insidente.
08:49Ang kanopin nila, pinapatapos ko muna sa nangyari talagang.
08:53Hindi po natin pwedeng pabayaan na may maulit na naman pong ganong pangyayari.
08:57Ako, si Jamie Santos, ang inyong saksi.
09:01Timbog sa Batangas ang dalawang puganting Japon na sangkot umano sa malaking sindikato ng mga panloloko.
09:08Saksi si John Consulta, exclusive.
09:12Aakalain mong ordinaryong turista ang dalawang Japanese national na ito
09:16na nagpapaaraw at kumakain ng ice cream sa beach resort sa Lian, Batangas.
09:21Namili rin sila ng supplies sa isang grocery.
09:24Pero ang mga dayuhan, high profile na pugante pala na minaman manan ng mga otoridad.
09:29Pagkuhan ng hujat.
09:30Hey, hey, hey!
09:41Inaresto sila ng Bureau of Immigration, Fisitive Search Unit at PNP Regional Intelligence Division 4A.
09:47Ayon sa mga otoridad, malapalos ang dalawang pugante na may kakaibang diskarte para di mahuli.
09:53Nag-iiba-iba sila ng lugar na pinupuntahan.
09:56Inipili nilang magbilad mula umaga hanggang hapon para umitim talaga sila para makablend sila sa community.
10:05Para hindi sila mapansin yung mga tattoo nila na nasa katawan nila.
10:12Ang mga naaresto, bahagi rin umano ng isang malaking sindikato ng international online scam na nag-ooperate sa Pilipinas.
10:19Isa nga ito sa mga tinutukan na kaso ng Japan Police sa ating bansa sa dahil sa dami ng mga
10:26biktima nila sa Japan.
10:28Sinasabing nung uminit yung operasyon nila sa Cambodia ay dito na sila sa atin nagtago noong 2024.
10:35Agad naman natin nahuli yung palahati sa kanilang grupo.
10:39Nakakulong na sa BI detention facility sa Bikutan ang mga naarestong pugante.
10:43Wala pa silang pahayag. Ayon sa BI, may ibang membro na rin ang naturong sindikato na napadeport na sa Japan.
10:50Itong dalawang ito ay alamin pa natin kung may mga kinasasangkutan silang ibang krimen dito bago natin sila napadeport sa
10:59kanilang bansa.
11:01Ako, si John Consulta, ang inyong saksi!
11:05Nahaharap sa reklamang kriminal at administratibo ang tatlong gadete ng Philippine National Police Academy.
11:11Itinuturo siya ang nasa likod umano ng initiation rights ng dalawangpong underclassmen nila sa PNPA.
11:17Saksi si John Consulta.
11:22Sa litratong ito na binigay sa GMA News, makikita ang napakaraming paso ng sigarilyo at sugat sa kanilang mga katawan
11:30sa dalawangpong fourth class cadets ng Philippine National Police Academy.
11:34Ayon sa PNP, sumailalim sila sa hazing rights noong Viernes Santo sa loob mismo ng PNPA sa Silang Cavite.
11:42Ayon sa PNP, ang mga paso dahil sa pinaghalong drain cleaner at muriatic acid.
11:48Binigyan ng atensyong medikal at psychological support ang mga sugatang kadete.
11:53Inaresto ang tatlo nilang upperclassmen at sinampanang reklamang paglibag sa RA-11053 o Anti-Hazing Act.
12:00Wala pang pahayag ang tatlo na ayon sa PNP ay samailalim na sa inquest, sabi ng PNPA.
12:07Sinampan din ang mga suspect na mga karampatang kasong administratibo, sabi ng PNP sa isang pahayag.
12:13Iniimbisigan din nila ang pitong ibang hindi patukoy na individual.
12:17Batay sa kanilang investigasyon, nagsimula ang hazing matapos umanong masisi ang mga plebo
12:22sa isyong kinasangkutan ng isang kadete na nagtangka umanong mag-resign kaya naparosahan nila ang grupo.
12:29Maaari umanong matanggal sa PNPA ang mga inaakosahan.
12:33Ayon sa PNP, pansamantalang inalis sa pwesto ang tactical officer noong araw na yun
12:38dahil sa command responsibility.
12:40Sabi ni PNP Chief General Jose Melenzo Nartates sa isang pahayag,
12:44hindi kinukonsente ng PNP ang anumang uri ng pangaabuso o hazing na paglabag sa batas.
12:50Ang National Police Commission, bubuo ng task force para magsagawa ng masusing investigasyon.
12:56Inaasang sa lunes, isasagawa ang isang press conference sa Camp Krami
12:59para magbigay ng update sa naganap na hazing sa loob ng PNPA.
13:04Ako, si John Consulta, ang inyong saksi.
13:09Natangayang nasa isang milyong pisong halaga ng gamit kabilang ang mga motosikla at kotse
13:13mula sa isang senior citizen at kanyang mga apos sa Quezon City.
13:17Nakikain at tumambay pa sa bahay ang mga suspect na nagpanggap umanong may dalang birthday cake mula sa LGU.
13:23Saksi si Bea Pinla.
13:29Sakuhan ng CCTV sa Quezon City noong Martes,
13:33minanmanan ng mga pulis ang isang MPV na may kasunod na dalawang motosiklo.
13:38Sinundan din ang mga dinaanan ng pulang kotse na ito.
13:41Ang mga motosiklo at pulang kotse kasi,
13:44tinangay umano ng anim na suspect mula sa isang bahay sa San Bartolome, sa Novaliches.
13:49Ang modos po ng mga suspect po natin ay kakatok sila doon sa gate and may ibibigay daw na birthday
13:59cake si Mayor doon sa isang senior citizen po natin.
14:03Kinuha raw ng mga suspect ang loob ng 69-anyos na biktima para papasukin sila sa bahay.
14:09Mahuuna yung mga suspect natin ng babae, then after makapasok doon na susunod yung mga suspect natin ng mga lalaki.
14:20Pagpasok, doon na umanot tinutukan ng baril at ginapos ang senior citizen, pati ang dalawa niyang apo na nasa bahay,
14:28bago pagnakawan.
14:30Yung mga suspect po natin, tumagal po ng almost 2 hours sa loob ng bahay.
14:37So nagawa pa nilang kumain sa loob ng bahay.
14:43Nakuha yung sasakyan, dalawang motor, laptop and iba't ibang kasi ng mga alahas.
14:50Di bababa sa isang milyong piso ang halaga ng mga natangay ng mga suspect, kabilang na ang dalawang motorsiklo at
14:58ang pulang kotse na ginamit din para tumakas.
15:01Ang puting MPV naman na gamit ng mga suspect, natuntun at napagalamang car rental lang pala.
15:09Nalaman din natin na pag-arating na pag-arating, nagpalit ka agad ng sasakyan.
15:15Pagkatapos ng kremen na ginawa nila, sinabi nila na kumonte ang sumama doon sa swimming.
15:22So kailangan namin magpalit na mas maliit na sasakyan.
15:26Dahil may GPS ang nirentahang kotse, natuntun ito ng mga otoridad.
15:31Doon natin nakita yung mga ninakaw na mga gamit.
15:36Yung laptop, alahas, mga ID's pitaka, hindi na po lahat na recover mom.
15:43Kinabukasan, naaresto sa barangay Commonwealth ang isa sa mga suspect na itinuturong nanutok ng baril sa senior citizen.
15:50Itinanggi ng naaresto ang paratang.
15:53Pero aniya, totoong may dala silang cake.
15:56Siya raw ang nagmaneho ng MPV, pero di raw siya bumaba ng sasakyan noon.
16:01Dapat magsiswimming kami, yun ang pagkakaalam ko.
16:05Ikot-ikot po kami mami. Ikot, pumunta Manila, ganoon po, tapos mga bandang tangali.
16:13Yun na po, nayaya po ako na maniwin ulit yung sasakyan na pupunta doon sa isang lugar.
16:21Hindi ko po alam na may ganoon na modus na gagawin nila.
16:26Patuloy ang paghahanap sa mga tinangay na sasakyan, kinutugis pa rin ang lima pang suspect.
16:33Mahaharap sila sa reklamong robbery, car napping at illegal possession of firearms.
16:38Ako si Bea Pinlak, ang inyong saksi.
16:42Itinilaga ni Pangulong Bobo Marcos si Dita Angara Mathay bilang bagong kalihim ng Department of Tourism.
16:48Ang isa palasyo, ilang dekada na ang karanasan ni Angara Mathay sa larangan ng kalakalan at pamumuhunan.
16:55Bago maitalaga sa gabinete, nagsilbing commercial counselor si Angara Mathay sa Philippine Trade and Investment Center sa Tokyo, Japan.
17:02Pinalitan niya si dating Tourism Secretary Cristina Frasco na ngayon ay Presidential Advisor for Sustainable and Resilient Communities.
17:13Gagawa po ang Presidential Communications Office ng website kung saan pwede isumbong ang mga nagpapakalat ng fake news.
17:20Kasunod po yan ang mga kumalat na disinformation sa social media tungkol sa kalusugan ni Pangulong Bobo Marcos.
17:27Saksi, si Ivan Mayrina.
17:31Tinangunahan kahapon ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagunita na ikawalumput-apat na anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Bataan.
17:38Nagcover ang media, kabilang ang GMA News.
17:41Sa kabila nito, may mga kumalat na pagdududa online na wala daw pagtitipon sa Bataan kahapon.
17:46At ang footage, inulit lamang na video na kuha noong nakarantaon.
17:51Bagay na binansagan ng Malacanang na fake news.
17:53Sinabi ni Paras Press Officer Undersecretary Claire Castro na walang basihan ang mga umiikot na spekulasyon.
18:00Tayo, yung mga matitino na taga mainstream media, yung mga matitino na nasa social media,
18:10kayo na po ang magpatunay kung ang nakikita nila na ginagampanan na event o pinupuntahan na Pangulo na event ay
18:20AI lamang.
18:22Nito mga nakarang araw, naglabasa ng mga posts sa mga espekulasyong may malubha o manong sakit ang Pangulo.
18:28Noong April 8, inilibas ito ng Malacanang.
18:31Kamusta po ang kalusungan?
18:33I'm struggling kasi ayaw ko tumaba ulit.
18:35So that's what I'm taking care of.
18:37Huwag niyo pong masyadong siniseryoso.
18:40Ano mo naman ang social media, palambiro ko yan eh.
18:42At wala po tayong problema.
18:46Sa isang pahayag ni Acting Secretary Dave Gomez ang Presidential Communications Office kahapon.
18:50Sinabi niyang may natukoy silang bigla at planadong disinformation effort sa social media,
18:56particular sa kalusugan ng Pangulo.
18:58Kaduda-duda raw, ang timing nito ang malinaw daw.
19:01Ang motibo nito ay para i-destabilize ang gobyerno.
19:05Sabi ni Castro na angalap sila ng ebidensya para sa inihahandang reklamang isasampa
19:09sa Department of Justice laban sa mga nagpapakalan ng fake news.
19:13Gagawa po ang PCO ng isang website o isang platform kung saan niyo po isusumbong lahat ng fake news
19:22na nagkakalat at yan po ay hindi namin tutulugan at lahat po yan ay dapat nasampahan ng kaso.
19:30At dahil wala nga raw basihan ng mga kumakalat na malita tungkol sa kalusugan ng Pangulo,
19:34hindi rin nagustuhan ng palasyo.
19:36Ang komento nito ni Vice President Sara Duterte.
19:40Good luck sa kanya.
19:42Ang nakuha rin natin sa Vice Presidente ay isang irresponsabling sagot.
19:47Good luck with a smile.
19:50At lahat na sa paligid niya ay nagtatawanan.
19:54Bilang isang Pilipino, hindi natin gawin ang mangutia, pagtawanan,
20:01ang sino mang may sakit, lalong-lalo na kung ito'y ginagawa lamang.
20:08Inagawang sakit para masira ang Pangulo.
20:13Hinihinga namin ng reaksyon dito ang Vice.
20:16Ivan Mayrina, ang inyong saksi!
20:23Balot ng takot ang 13-anyos na babaeng ito
20:26habang dumadugundo ang mga airstrikes sa Beirut, Lebanon itong Merkulis.
20:36Maging ang Central Lebanon kasama sa mga binomba ng Israel noong araw na yun.
20:41Hindi bababa sa animang patay sa pagsabog na yan.
20:44Sa kabuan, may git tatumundaan na ang patay.
20:47Sa tinaguri ang pinakamalalang pag-atake ng Israel laban sa Hezbollah ng Lebanon
20:51mula nang magsimula ang gyera sa Middle East.
20:54Ayon sa Israel, pinatamaan nila ang mga rocket launchers sa Lebanon
20:58na pinuntirya o mano ang Northern Israel.
21:01Ang Hezbollah, pinuntirya naman ang military site sa Israeli city na Haifa.
21:06Nanimindigan sa Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu
21:09hindi kasama ang Lebanon sa ceasefire na inanunsyo ni U.S. President Donald Trump at Iran.
21:14Pero kasunodan niya ng mga apila ng gobyerno ng Lebanon na pumasok sa peace negotiations.
21:20Inutusan na rao ni Netanyahu ang gabinete niya na buksan ang direktang negosyasyon sa Lebanon.
21:26Isa sa mga pakay ng Israel, disarmament o pag-atanggan ng armas ng Hezbollah.
21:31Ayon pa sa isang opisyal ng Israel,
21:34posibleng sa susunod na linggo magsimula ang usapan at gagawin ito sa Amerika.
21:38Wala pang tugot ang Lebanese government sa mga sinabi ni Netanyahu.
21:43Ang Hezbollah naman tutol sa direktang negosyasyon at iginii na kailangan muna ang ceasefire.
21:49Ayon sa Department of Migrant Workers,
21:51posibleng madagdagan pa ang mga mairepatri mula sa Lebanon sa mga susunod na araw.
21:56Ang kakaiba dito ay sa Central Beirut ang atake.
22:00Usually, nandun lang sa Southern Beirut.
22:02But having said that, wala naman napaulat na Pilipino na saktan.
22:08We hope it stays that way at nakikisa rin tayo sa bansang Lebanon sa pinagdadaanan.
22:14But we're hoping na humupang ang sitwasyon.
22:17Bukas nakatakdang magsimula sa Islamabad Pakistan ang usapang pangkapayapaan ng Amerika at Iran.
22:23At kasama sa sinabi noon ni Trump, ang kondisyon ng ceasefire ay ang pagbubukas ng Strait of Hormuz.
22:30Pero batay sa ulat ng Reuters sa unang 24 oras ng ceasefire,
22:34anim na barko lang ang nakadaan sa Strait na kadalasang mahigit isang daang barko ang dumadaan kada araw.
22:41Dahil dito, pinulaan ni Trump ang Iran.
22:44Sabay giit na hindi raw ito ang napagkasundoan nila.
22:48Binabantayan din ang DMW ang kalagayan ng mga Pilipinong tripulating sakay na mga barkong nasa Persian Gulf pa rin.
22:54At hindi pa nakakalaba sa Strait of Hormuz.
22:57Ayon sa DMW, isusumite ng gobyerno ng Pilipinas sa panig ng Iran ang listahan ng mga pangalan at detalya ng
23:03mga tripulating Pinoy.
23:05So today, we will endorse the corresponding list to the DFA para mapatupad na yung sinasabing passage out of the
23:12Strait of Hormuz
23:13ng mga barko na may dalang Pilipino.
23:16Ako si JP Soriano, ang inyong saksi.
23:21Pinasadpina ng House Committee on Justice sa mga tinatawag na Hope Envelope.
23:25Laman ko ng mga sobrang ito ang perang ipinamigay ang umano sa mga opisyal ng Department of Education
23:30noong kalihim pa ng ahensya si Vice President Sara Duterte.
23:34Saksi, si Tina Pangaliban Perez.
23:41Noong September 2024, humarap sa kamera si dating education under secretari Gloria Mercado.
23:48Since siya na yung nagsabi, i-turn over ko na yung envelope.
23:57The envelope's where the money was.
24:01So it's nine envelopes.
24:03It says hope and the amount is there.
24:06Ang tinukoy niyang hope envelopes, may laman umanong TIG 50,000 pesos mula kay Vice President at Noe Education Secretary
24:14Sara Duterte
24:15na pinamibigay umano sa mga opisyal ng DepEd.
24:18Isinumite ni Mercado ang mga envelope sa House Committee on Good Government and Public Accountability
24:25na nag-i-investiga noon sa paggamit ni Duterte ng kanyang confidential funds.
24:31Ang mga envelope, pinapasabpina ngayon ng House Committee on Justice,
24:36kaugnay ng impeachment process laban sa vice.
24:38Pati na rin ang isinumiting affidavit ni Mercado.
24:42Pinahaharap din sa pagdinig sa April 14 si Director Marivic Pareja ng House Legislative Archives and Museum Management Service.
24:52Pinasusumite rin sa kanya ang mga orihinal na transcripts at video recordings na mga pagdinig noon
24:58ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
25:02Hinihinga namin ang reaksyon si Vice President Duterte,
25:06pero dati na niyang tinawag si Mercado na isa umanong disgruntled employee.
25:11May isang grupo naman ng mga taxpayer na naghahain sa Korte Suprema
25:15ng Motion for Leave of Court to Intervene at Petition and Intervention para pigilan ang impeachment proceedings.
25:23Sinusuportahan daw nila ang mga inihahing petisyon ni Vice President Sara Duterte
25:28at ng isang grupo ng mga abogado para pigilan ang impeachment process.
25:34Ako si Tina Pangaliban Perez, ang inyong saksi.
25:38Kritikal ang isang rider sa salpukan ng motosiklo at ng isang truck sa Dawin, Negros Oriental.
25:45Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang rider at humandusay sa kalsada.
25:50Ayon sa mga polis, mabilis ang takbo ng motosiklo at hindi na umano nakapagpreno ng makasalubong ang truck.
25:58Halos 45 milyon pisong halaga ng ari-arian ang napinsala sa sunog sa isang mall sa Naval Biliran.
26:05Inabot na magigit dalawang oras bago na apula ang sunog na umabot sa ika-apat na alarma.
26:10Iniimbisagahan ang sanhin ng sunog.
26:12Apat ang sugatan at binabantayan naman ang nasunog na lugar para maiwasan ang pagnanakaw.
26:18Pinulong din ang mga apektadong tenant at negosyante para sa ibibigay na tulong ng lokal na pamahalaan
26:23kasama ang pagbibigay ng pansamantalang pwesto.
26:28Nakaburol na po ang magpinsang namatay matapos matrap sa abandonadong kotse sa Olongapos City.
26:34Labis ang pangihinayang ng mga naulilang kaanak.
26:38At mula sa Olongapos City, saksila si Jamie Santos.
26:43Jamie?
26:47Pia nagluluksa ang pamilya ng magpinsang binawian ng buhay matapos nang masofocate sa loob
26:54ng isang abandonadong sasakyan dito sa Olongapos City.
26:57Nakaburol na si Steven, isa sa batang nasawi, sa kanilang tahanan dito sa Barangay Barreto, Olongapos City.
27:04Dinatnan naming nakabantay sa tabi ng kanyang kabaong ang kanyang mga magulang.
27:08Wala na raw planong makabla ang mga magulang ni Steven sa may-ari ng sasakyan.
27:13Wala naman daw may gusto na nangyari.
27:16Hiniling na lamang ng mga magulang ng biktima na maialis ang kotse sa lugar
27:21at matulungan sila sa burol at pagpapalibig sa mga bata.
27:24Bukod kay Steven, Pia nasawi rin ang kanyang pinsa na apat na taong gulang din.
27:29Pia sa Martes, planong ihatid sa huling hantungan ang batang si Steven.
27:34Live mula rito sa Olongapos City, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
27:39Mainit at maalinsang panahon ang inaasahan sa bansa ngayong weekend, kabilang po sa Metro Manila.
27:44Umabot sa danger level ang damang init sa dumangas ilo-ilong ngayong araw.
27:50Posibleng dumangas pa rin ang makaranas niyan hanggang linggo.
27:54At binabantayin pa rin ang bagyo na may international name na SINLAC sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
28:01Patuloy ang paglapit nito at posibleng pumasok sa PAR sa susunod na linggo ayon sa pag-asa.
28:07Wala pa itong epekto sa bansa ngayon.
28:09At nakaka-epekto sa bansa ang ridge ng high-pressure area at easterlies.
28:16Nilamo na apoy ang isang motorsiklo sa Cebula, Negros Oriental.
28:20Sakit pa nito ang may-ari pero napansin ng rider na umuusok ito.
28:23Kaya bumaba siya agad at itinabi sa kalsada ang motorsiklo.
28:27Ayon sa mga bombero, isa sa mga tititignang posibilidad ay kung tumagas ang gasolina.
28:32Posible rin daw na nag-short circuit ang mga kable ng motor.
28:42Hindi po hadlang ang edad sa fitness journey ng isang grupo ng mga senior citizen sa Singapore.
28:48At ang kanilang napiling ehesisyo, parkour.
28:52Sa tinatawag na geriatric parkour, layong mapabuti ang kanilang agility, pati na ang kanilang balanse.
28:59At pati na rin ang kanilang kumpiyansa at pakikipagkaibigan.
29:04Ayon sa kanilang coach, kapag maganda ang agility, mas mabilis na makapag-react ang kanilang katawan.
29:10Pero syempre dahan-dahan pa rin at idinidisenyo ng coach ang mga stunt, batay sa kakayahan ng kanyang mga estudyante.
29:23Mga kapuso, salamat po sa inyong pagsaksi.
29:25Ako po si Pia Arcangher.
29:27Ito po ang GMA News.
29:28Walang kinikilingat.
29:30Walang pinoprotektahan.
29:32Noon at ngayon, servisyong totoo.
29:35Hanggang sa lunes, sama-sama po tayong magiging saksi!
29:45Amin!
Comments