- 2 days ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Narito ang mga balitang ating sinaksihan ngayong Miyerkules Feb. 18, 2026.
- Dating Pangulong Rodrigo Duterte, sumulat sa ICC para sabihing hindi na siya dadalo sa confirmation of charges hearing
- Negosyanteng dinukot at ipina-ransom sa halagang P4M, sinagip; 3 suspek, arestado
- VP Sara Duterte, inanunsyong tatakbo siyang pangulo
- Drum na pinaniniwalaang may lamang chop-chop na labi ng lalaki, hulicam na ibinababa ng isang Tsino mula sa condo
- Sara-Imee tandem para sa Eleksyon 2028, isinusulong ni Sen. Padilla
- Pulis na isinangkot sa pagpatay sa kapwa-pulis na natagpuan sa septic tank, na-frame up umano, ayon sa misis nito
- Dating House Speaker Jose De Venecia Jr., nailibing na.
- Alex Eala, tinalo ang world no. 8; aabante sa Round of 16 ng Dubai Tennis Championships
- Lalaking tumakbo palabas ng nasusunog na tindahan, iniimbestigahan; cash register, nawawala
- Asong nakatali sa isang tricab, nakaladkad
- Sunrise at sunset view, inaabangan sa Mt. Olis Viewpoint
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Dating Pangulong Rodrigo Duterte, sumulat sa ICC para sabihing hindi na siya dadalo sa confirmation of charges hearing
- Negosyanteng dinukot at ipina-ransom sa halagang P4M, sinagip; 3 suspek, arestado
- VP Sara Duterte, inanunsyong tatakbo siyang pangulo
- Drum na pinaniniwalaang may lamang chop-chop na labi ng lalaki, hulicam na ibinababa ng isang Tsino mula sa condo
- Sara-Imee tandem para sa Eleksyon 2028, isinusulong ni Sen. Padilla
- Pulis na isinangkot sa pagpatay sa kapwa-pulis na natagpuan sa septic tank, na-frame up umano, ayon sa misis nito
- Dating House Speaker Jose De Venecia Jr., nailibing na.
- Alex Eala, tinalo ang world no. 8; aabante sa Round of 16 ng Dubai Tennis Championships
- Lalaking tumakbo palabas ng nasusunog na tindahan, iniimbestigahan; cash register, nawawala
- Asong nakatali sa isang tricab, nakaladkad
- Sunrise at sunset view, inaabangan sa Mt. Olis Viewpoint
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00To be continued...
00:30In a wave, ang kanyang karapatan na dumalo sa pagdinig at naiintindihan niya ang posibleng maging epekto nito.
00:37Ipinauubay raw niya sa kanyang abogado at sa team nito ang pagsala sa mga ebidensya ng prosekusyon.
00:42Ayan sa dating Pangulo, hini niya gustong dumalo dahil hiniya kinikilala ang horisdiksyon ng International Criminal Court.
00:50Pinabulanan din ni Duterte na pinaksiwaan niya ang extrajudicial killings.
00:56Ginagamit lang daw ito ng kanyang mga kalaban sa politika laban sa kanya.
01:00Dagdag pa ni Duterte, ayaw niyang dumalo sa mga paglilitis na malilimutan din niya.
01:06Matanda, pagod at mahina na raw siya.
01:08At tumaasa raw siyang irerespeto ng korte ang kanyang kapayapaan sa loob ng kulungan kung saan siya nakapiit.
01:15Nakadetine si Duterte sa Rehaig, Netherlands para sa kinakaharap na kaso ng Crimes Against Humanity sa ICC.
01:23Nasagip ng PNP Anti-Kidnapping Group ang negosyante dinukot sa Mandaluyong City.
01:28Nakakuha ng tiyempo ang mga operatiba matapos maibigay ang 4 milyong pisong ransom sa mga suspect.
01:34Aaktual na pagsagip at pag-aresto sa mga suspect sa pagsaksi.
01:37May Chino Gaston.
01:42Pinadna pa sa kalsada ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group ang tatlong sospek na ito.
01:47Nasangkot sa pagdukot ng isang negosyante sa Mandaluyong City.
01:51Kuha ito noong February 16, araw din nang nagbayad ang pamilya ng ransom sa mga kidnapper.
01:56Nakuha sa kanila ang 4 na milyong piso na binayad ng pamilya ng kanilang biktima.
02:01Dito na rin alaman na mga pulis ang kinaruroonan ng kidnap victim na agad natunto nila ang biktima sa single
02:09bedroom na bahay na ito.
02:11Kita pa sa video ng PNP ang kutsyon kung saan pinahiga ang biktima habang hawak siya ng mga sospek.
02:18Dito rin di pa iyo, nagkaroon po ng tsansa ang ating mga operatiba na malukate ang kinaruroonan ng biktima at
02:32nang makuha ng ating mga operatiba at masigurado na maligtas na ito ay nagsagawa na po na itong pang-aaresto.
02:43Sinimulan tik-tikan ng PNP AKG ang grupo matapos magsumbong ang pamilya sa PNP na hindi na nakauwi ang biktima
02:51noong adose ng Pebrero mula sa pag-iikot nito sa kanyang mga negosyo.
02:56Ilang beses nakatanggap ng ransom demand ng pamilya na nagsimula sa 50 million pesos hanggang napababa sa 4 million pesos.
03:04Nagbayad din ang pamilya ng biktima ng 250,000 pesos sa mga sospek gamit ang mga e-wallet payment.
03:10Kilala na rin daw ng PNP AKG ang mastermind ng grupo na tinutugis na ngayon.
03:16Nahaharap pa mga nahuling sospek pati na mga kasambot nila sa reklamong kidnapping for ransom.
03:22Para sa GMA Integrated News, sino gasto ng inyong saksi?
03:27Kasabay ng pag-anunsyong tatakbo siyang Pangulo, humingi ng tawad si Vice President Sara Duterte sa kanyang umanong ambag
03:33sa pagkapanalo ni Pangulong Bongbong Marcos noong 2022.
03:36At ayon naman sa Malacayang, may mga bagay na mas dapat ihingi ng tawad ng Vice Presidente.
03:42Kanyang araw din, inihayin sa kamara ang ika-apat na impeachment complaint laban kay Vice President Duterte.
03:47Saksisiyan crew!
03:52Baigit dalawang taon pa bagong eleksyon 2028.
03:55Ako si Sara Duterte, tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas.
04:03Nagdeklara na si Vice President Sara Duterte na tatakbo siya sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
04:10I offer my life, my strength, and my future in the service of our nation.
04:22Mga kababayan, ibalik natin ang tapang at malasakit para sa Diyos, sa bayan, at para sa bawat pamilyang Pilipino.
04:37Kasabay niyan, humingi siya ng pamanhin sa mga Pilipino sa naging ambag niya sa pagkapanalo ni Pangulong Bongbong Marcos.
04:45Tumakbo sila bilang magkatandem noong 2022.
04:48Mga kababayan, humihingi ako ng paumanhin patawad kung tinulungan ko mahalal si BBM bilang Pangulo ng ating bansa.
05:09Sa kanyang talumpati kanina, ipinaliwanag ng Vice ang umanimitsa ng lamat sa pagitan niya at ng dating katandem sa Uniteam.
05:17Sa unang mga buwan ng aming mga termino, nakita ko na ang kawalan ng katapatan ni Bongbong Marcos Jr.
05:30sa mga pangakong binitawan noong kampanya, pati na sa kanyang sinumpaang tungkulin para sa bayan.
05:44Dahil hindi ko kinaya na maging bahagi ng 2025 national budget na tad-tad ng katiwalian.
05:58Pinili kong umalis sa kabinete kahit alam ko na mula pa noong 2023 na ang magiging kapalit ay ang aking
06:16impeachment.
06:18Patawad, kung hanggang ngayon ay marami pa rin Pilipino ang nalulunod sa baha ng dahil sa malawakang korupsyon.
06:34Matapos ang anunsyo, hindi na muna pinaunlakan ang mga gustong magtanong sa vice.
06:53Ang anunsyo ng vice na tatakbo siya sa pagkapangulo, ikinatuwa ng ilang taga Davao.
06:58Of course, gusto gina ko si Bipigil ang atong precedent.
07:03Ay, mahilak yung kuginist.
07:04Actually, deserve you kayo kay, actually, Dirisa Davao.
07:07Atua naman yung patunayan na naajun siya ay na-achieve and then maayun po siya na-muno.
07:14Tugo naman ang palasyo sa plano ng vice.
07:17Good luck!
07:18Yan din daw mismo ang sabi ng Pangulo.
07:21Can you describe to us how he said that ito po ba ay may good luck po kasi na sincere,
07:26may good luck na sarcastic?
07:28Kapag po kasi nagsasabi si Pangulo ng good luck, nakangiti naman siya eh.
07:34So, kung sarcastic to o hindi, hindi ko masasabi.
07:39Nagbigay rin ang komento ang Malacanang sa paghingi ng paumanhin ni Vice President Duterte sa pagkakahalal sa Pangulo.
07:47Ang taong bayan ang naghalal kay Pangulo Marcos Jr.
07:51Kung ano man po ang natulong niya, pareho naman po sila nagtulungan dahil ito ay unit team.
07:56Kaya huwag niya pong solohin ang kredit kung nanalo man ang Pangulo.
08:00Kasunod nito, ang mahabang listahan ng mga mas dapat daw ihingi ng tawad ng Vice Presidente.
08:07Pinag-uusapan po ba ang korupsyon, ang katiwalian?
08:11Siguro po dapat mauna muna na ihingi niya ng tawad kung ano man ang mga isyo ng korupsyon at katiwalian.
08:20At di o man ang paglulustay ng confidential funds ng kanyang dalawang opisina at the time, OVP at ng DepEd.
08:29Dapat hindi daw humingi ng tawad ng Vice para sa extrajudicial killings sa pagwabanta sa buhay ng Pangulo sa pagpapakalat
08:37ng fake news,
08:38sa palpak daw na pamamalakad sa DepEd at ang paninira raw sa administrasyon.
08:43Sinagot din ang palasyo ang mga banat ng Vice na lubog sa bahaang bansa.
08:48Bagay na nangyari rin naman daw noong panahon ng kanyang ama.
08:52Inanunsyo ng Vice ang desisyon nitong tumakbo sa pagkapangulo sa gitna ng kinakaharap na impeachment complaints
08:58at halos isang linggo bago ang confirmation of charges hearing sa kaso ng amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa
09:06International Criminal Court.
09:08Para sa makabayan block, taktika raw ito para mapigilan ang pag-usad ng impeachment case laban sa kanya.
09:15Malinaw na kalkulado yung timing ng announcement bago isa lang at lumarga yung impeachment complaint laban sa kanya sa kongreso.
09:26Siguro tingin niya matatakot niya, masisindak niya ang mga kongresista dahil patakbo siyang presidente.
09:35Pero makikita natin na dahil napakatibay ng batayan sa kanyang impeachment,
09:45hindi obra yung ganyang mga gimmick at malalantad muli ang kabulukan sa ginawa niya sa confidential funds.
09:56Ito yung attack nila para i-reframe yung narrative na lahat na nangyayari ay dahil natakbo siyang presidente.
10:01Hirit naman ni Senior Deputy Minority Leader Representative Edgar Erice.
10:06Kapag kinunbik si BP Sara, magagalit yung kanyang supporters, which is about 30 plus percent ngayon,
10:17baka mag-gather pa ng public sympathy, baka kahit sinong Duterte ang lumaban manalo.
10:23Tatlong impeachment complaint ang hawak ngayon ng tanggapan ni House Speaker Bo GD
10:28at hinihintay ng ma-refer sa House Justice Committee.
10:33Kabilang sa reklamo ang isyo ng mga anomalya umanong paggamit ng confidential funds ng OVP at DepEd,
10:38umanoy panunuhol sa mga opisyal ng DepEd,
10:41pagkontrata sa isang gunman para umanong ipapatay ang Pangulo, First Lady at dating House Speaker,
10:47hindi pagdeklara ng lahat ng kanyang maaari-arian sa kanyang salen
10:51at pagsusulong ng political destabilisasyon at sedisyon.
10:56Kabilang din ang mga yan sa inilatag ng mga basihan sa ikaapat na impeachment complaint laban sa BISE
11:02na inihain kanina sa Office of the House Secretary General.
11:07Inihain ito ng isang attorney na Daniel Cabrera
11:10at inendorso ni na Manila 6th District Representative Benny Abante
11:14at House Deputy Speaker at La Union 1st District Representative Paulo Ortega.
11:20Sa isang pahayag, sinabi ng defense team ng BISE na ang sunod-sunod na paghahain ng reklamo
11:26ay hindi nangangahulugan na totoo ang mga aligasyon.
11:30Gaya raw na mga nakaraang reklamo ay tutugon sila dito sa tamang panahon alinsunod sa konstitusyon.
11:37Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
11:43Patuloy pang pagtugis sa Chinese National na nakuna ng CCTV na nagbaba ng drum
11:48na naglalaman umano ng chop-chop victim mula sa isang kondominium sa Pasay.
11:52Arestado ang kanyang kasamahan na kumantrata umano sa van kung saan isinakay ang drum.
11:58Saksi si Chino Gaston.
12:03Gabi ng February 15 ng madiskubre sa Maynila,
12:06ang isang drum na may lamang putol-putol na labi ng isang tao na hinaluan pa ng sauce na kimchi.
12:12Sabi ng isang mga ngalakal,
12:14ibinenta raw sa kanya ang drum ng isang lalaking sakay ng van.
12:17Ang drum, pinaniniwalaan ng pulisya na ang drum din na nakuna ng CCTV
12:22na itinutulak ng isang lalaki gamit ang trolley sa isang kondominium sa Pasay City.
12:28Parehong silyado ng plastic ang ibabaw ng drum at pareho rin may puting marking.
12:32Tila mabigat ang drum kaya nagpatulong pa ang lalaki sa security guard ng kondo para isakay ito sa elevator.
12:39Sa loob ng elevator,
12:41kitang nagpupunas pa ng pawis ang lalaking kinilala na pulisya bilang isang Chinese National.
12:46Sa ibaba ng kondo, isang puting van ang nakuha ng nagbama ni Obra.
12:50Sa pagkakataong yun, ang lalaking may kasama ng isa pang lalaki na nakapandalon.
12:55Ayon sa pulisya, natunto nila ang kondominium
12:58nang magsumbong sa kanila ang driver at ang may-ari ng puting van.
13:01Inupahan lang daw sila noong araw na yun.
13:04Nang mapanood nila ang ulat tungkol sa drum na may lamang chinap-chop na tao,
13:09doon na sila dumulog sa pulisya.
13:10Yung driver at saka yung may-ari ng van,
13:15napanood nila sa TV.
13:16So nag-report sila sa isang kaibigan,
13:20nagpatulong sila mag-report sa napulpum.
13:23So yung tingnapulpum po naman,
13:26tumawag dito sa HPG.
13:27Kwento raw ng driver ng puting van sa pulisya,
13:30hindi siya naghinala sa laman ng drum
13:32dahil lipat-bahay lang ang paliwanag ng mga sospek.
13:35Itinuro rin niya kung saan niya pinikap ang drum.
13:38Napasok na ng pulisya ang kondo unit ng mga sospek
13:40at doon nakita ang mga bakas ng dugo at iba pang ebidensya.
13:44Andun pa yung blood stain, yung unan, ang daming dugo,
13:50tapos meron pa yung mga parang karkasis ng katawan.
13:55At saka yung map, yung map meron pang dugo na talagang nilinis na rin talaga,
13:59pero meron pa rin talaga mga dugo na naiwan.
14:01Doon sa master's bedroom.
14:04Arestado ang lalaking nakapantalon sa CCTV,
14:07na ayod sa pulisya, ayang siyang kumontrata sa van.
14:10Pero hindi raw ito nagsasalita.
14:12So in-invite po nila dito sa ***
14:17para tignan po talaga kung yung nangyari,
14:20ikasama siya talaga doon.
14:22So nung mabacktrack namin doon sa CCTV,
14:25it found off na talagang kasama po siya.
14:27So at that time, alas dos ng madaling araw,
14:30inaristo na namin itong POI nagdala ng HPG.
14:34Tinutugis pa ang lalaking nakunang nagtulak sa drum.
14:37Bumuo na ng composite team ang Pasay, Manila Police at PNP Highway Patrol Group.
14:43Inaalam pa rin ang pagkakilanlan ng biktima at mga sospek.
14:47Para sa GMA Integrated News, ako si Chino Gaston, ang inyong saksi.
14:53Maaga pa rao para pag-usapan ng Eleksyon 2028.
14:56Yan pong iginiit ng ilang partido matapos ang anunsyong pagtagbo
14:59ni Vice President Sara Duterte sa pagkapangulo.
15:03I-tinutulak naman ng kaalyado niya at PDP Laban President
15:06na si Sen. Robin Padilla,
15:08ang tambalang Sara Aimee sa 2028.
15:12Saksi si Mav Gonzalez.
15:17Kung malino na ang plano ni Vice President Sara Duterte,
15:21natatakbo siya sa pagkapangulo sa Eleksyon 2028,
15:24ang tinatawag ni Sen. Arisa Hontiveros na oposisyon,
15:28posibleng sa katapusan pa ng taon,
15:30ang pinakamaagang makapagpa siya kung sino ang magiging pambato.
15:33Sa ngayon, 2026, nakatutok ang mga reform-minded at opposition forces
15:41sa pagbubuo ng mas mahigpit pang pagkakaisa
15:45para pumili ng aming mga kandidato
15:50whether by the end of the year or first quarter of next year.
15:54Sa mismong pag-uusap pa lang sa kanilang hanay,
15:57wala pa na yung mga pangalang lumulutang,
15:59pero katangian pa lang na hinahanap sa pambato.
16:02Yung common values na nahanap namin sa aming hanay,
16:06yung pagnanais para sa anti-corruption and good governance,
16:11yung pag-grow at pag-share ng bunga ng ating mas malakas na ekonomiya,
16:18isang tunay na pagkakaisa.
16:21Ang magiging manok naman ng administrasyon
16:23at posibleng alianza sa ibang mga partido para lumabang kay PP Sara,
16:27hindi pa rin napag-uusapan ngayon sa palasyo.
16:30Wala pa rin paghahanda para sa 2028 elections
16:33ang Nationalist People's Coalition o NPC,
16:36ayon sa chairman nitong si Sen. President Tito Soto.
16:39Maaga pa rin aniya ayon sa Partido Federal ng Pilipinas
16:43na partido ni Pangulong Bongbong Marcos,
16:45pero tiniyak niya huwag papatakbo pa rin sila
16:47ng kandidato sa pagkabangulo sa 2028.
16:50Ang kilalang kaibigan naman ay Vice President Duterte
16:54na si Sen. Aimee Marcos.
16:55Tinanong din ang media kung ano ang plano
16:57kasunod ng anunsyo ng Vice.
16:59Talaga naman forever running mate ko naman talaga yan.
17:04Takbo, gapang, luhod, patayo, paupo.
17:08Hindi ko naman siya malaman kiliwanan.
17:11So open ma'am?
17:12Ha?
17:12Open to be.
17:13Open to be.
17:14Hindi siya nag-announce.
17:15Sayahan muna siya.
17:16Kayo talaga.
17:17Ang presidente ng PDP laban,
17:19si Sen. Robin Padilla,
17:21itinutulak ang tambalang Sarah Aimee sa 2028.
17:24Panahon na para maramdaman na mga tunoy ang girl power.
17:29Pagka umiikot ako sa ibang bansa,
17:31yung lagi sinasabi ko,
17:32gusto ko talaga Sarah Aimee.
17:34Reconciliation na ako.
17:36Pero ang 2028,
17:38ayaw pang pag-usapan ng ibang senador.
17:40Huwag muna natin pag-usapan yung politika po sa ngayon.
17:44Trabaho muna tayo.
17:45Ako wala pa.
17:46Trabaho muna ako ngayon.
17:48Two years pa.
17:54Para sa GMA Integrated News,
17:57ako si Mav Gonzalez,
17:58ang inyong saksi.
17:59Iginit na asawa na isang suspect sa pagpatay sa polis
18:02na natagpuan sa septic tank
18:04na na-frame up lang umano ang mister.
18:07Kasi nungulingan umano ang pagsangkot
18:09ng dinakit na gunman
18:10kay Police Corporal Divencio Abalos
18:12ayon sa misis nitong si Mikey Camille Abalos.
18:16Bahagi raw ng cover-up
18:17ang pagdawid sa kanyang asawa
18:19para pagtakpan ang mga polis
18:20na sangkot sa droga.
18:22Naniniwala sa Gina Abalos na droga
18:24ang pinag-ugatan ng pagpatay
18:26kay Police Staff Sergeant Renato Casaway Jr.
18:30Natagpo ang patay si Casaway
18:32sa septic tank sa Malolo City, Bulacan
18:34noong January 31.
18:38Napolcom, DILG,
18:39lahat po nang may hawak po sa PNP.
18:42Suriin po nila lahat ng polis.
18:45Kung sino po talaga yung involvement po diyan.
18:49Yung totoong ma-involve,
18:50may totoong connection po diyan
18:52sa kasong po niyan.
18:55Dating House Speaker Jose De Venecia Jr.
18:57na ilibing na.
18:58Bago ang libing,
19:00nagsagawa muna ng funeral mass
19:02sa Heritage Memorial Park sa Taguig.
19:04Sunod na inihatid ang kanyang labi
19:06sa dignitary section ng libingan
19:08ng mga bayani.
19:09Ginawaran siya ng full military honors
19:12at 21 guns sa loot ng AFP.
19:14Kabilang sa matataas na opisyal
19:16na nakiramay,
19:17sina Defense Secretary Gilbert Yudoro
19:19at dating Pangulo
19:21at ngayong Pampanga
19:222nd District Representative
19:23Gloria Macapagal-Arroyo.
19:26Sa gitna ng kabi-kabilang
19:28panguhuli ng United States
19:29Immigration and Customs Enforcement
19:31o ICE agents,
19:33nagbigay ng payo
19:34ang isang U.S. immigration lawyer
19:36para maprotektahan
19:37ng mga Pilipino
19:38ang kanila mga karapatan.
19:39Ayon kay Atty. Michael Garfinkel,
19:42hindi basta-basta
19:43nakakapasok sa mga bahay
19:45ang mga tauhan ng ICE
19:46na walang dalang warrant
19:47na pirmado ng isang judge.
19:49Huwag daw sila agad
19:50pagbuksan ng pinto.
19:51Sakaling masilbihan
19:52ng judicial warrant
19:53o maaresto,
19:55ipagbigay alam ito
19:56agad sa inyong abogado.
19:58Maigi raw na huwag tumakas.
19:59Sumunod muna
20:00sa mga utos ng ICE agents
20:02at ipaglaban
20:03ang inyong mga karapatan
20:04sa korte.
20:05Bilang paghahanda,
20:06sakaling makasalubong
20:07ang mga tauhan ng ICE,
20:08sabi ni Garfinkel,
20:10laging dalhin
20:11ang inyong passport at visa
20:12at mga dokumentong
20:14nagpapatunay
20:14sa tagal ng pananatili
20:16sa Amerika.
20:17Sa U.S. Senate hearing
20:18kamakailan,
20:19napagalaman na planong
20:20gumastos ng gobyerno
20:21ng Amerika
20:22ng 38.3 billion dollars
20:24hanggang sa katapusan
20:26ng taon
20:26para sa detention center
20:28ng mga inarestong
20:29imigrant
20:29at nakatakdang ipadeport.
20:31Para sa GMA Integrated News,
20:33ako, si Jamie Santos,
20:35ang inyong saksi.
20:38Aabante sa round of 16
20:40sa Dubai Tennis Championships
20:41ang Pinay Tennis player
20:43na si Alex Ayala.
20:44Kasunod po yan
20:45ang pagkapanalo niya
20:46konta sa world number 8
20:47na si Jasmine Paulini
20:49ng Italy
20:50sa round of 32.
20:53Nagpakitanggila si Ayala
20:54sa unang set pa lang
20:55na natapos sa score
20:56na 6-1.
20:57Hindi kitang laban
20:58sa panglawang set
20:59at humantong pa sa tiebreak
21:00pero pumabor pa rin ito
21:02kay Ayala
21:03sa score na 7-6.
21:05Sunod na makakalaban
21:06ni Ayala
21:07ang pambato ng Rumen.
21:12Nagliyap
21:13ang bahagi
21:13ng isang convenience store
21:14sa New South Wales
21:15sa Australia
21:16at maya-maya
21:17isang lalaki
21:18ang tumakbo palabas
21:19hamang nasusulog
21:20ang kanyang damit.
21:21Napula naman na apoy
21:22pero ayon sa mga polis
21:24nawawala ang kahan
21:25ng pera
21:26ng nasunog na tindahan.
21:28Pinaghahanap din
21:29ang lalaking nakunan
21:30ng video
21:31at ang isa pa niyang kasama.
21:35Nakaladkad
21:36ang asong nakatali
21:37sa isang tri-cab
21:37sa Villanueva,
21:38Misamis Oriental
21:39at ayon sa polisya
21:40kamag-anak
21:41na may-ari ng aso
21:42ang driver
21:43ng naturang tri-cab.
21:45Hindi umuno niya
21:46ng malayan
21:46na nakatali pang aso
21:48sa sasakya
21:48ng paanda rin ito.
21:50Itinatali raong aso
21:51sa tri-cab
21:52tuwing gabi
21:53bilang bantay nito.
21:54At agad naman daw
21:55tumigil ang driver
21:56ng tri-cab
21:56nang sabihin
21:57ng ibang motorista
21:58tungkol sa aso.
22:00Nasa maayos na lagay
22:01ng aso
22:01at naibalik na rin
22:02sa amo nito.
22:10Perfect sa pag-ninilay-nilay
22:12ang mga nakakamanghang view
22:14sa ilang pasyalan
22:15sa norte.
22:16Tara at makibiyahing
22:17sa sea
22:17kay Sandy Salvasho
22:19ng GMA Regional Team.
22:25MAPA Sunrise o Sunset
22:27Perfect destination
22:28ang Mount Olis
22:29Viewpoint
22:30sa Atok Pingge.
22:35Malapainting
22:35sa ganda ang view.
22:37Samahan mo pa
22:37ng malamig na panahon.
22:39Tanaw din sa taas
22:40ang Cordillera Mountains.
22:44Baka may mag-relapse
22:45dyan ha?
22:51Tara naman
22:52at maki nature trip
22:53sa Claveria, Cagayan.
22:54Relaxing ang view
22:55ng Baboyan Channel
22:56at Luzon Street
22:57mula sa Bantay, Kalbo.
22:59Yan ang tinawag dyan
23:00dahil sa itsuro
23:01nitong Bald Hill.
23:02Lakas makasoul searching
23:04ng atake ng pamamasyal
23:05dahil sa simoy
23:06ng hangin
23:07at peaceful vibes.
23:08Sa gitna ng pagtitrek,
23:10mayroon ding
23:11madaraanang falls o talon.
23:16Nakamamangharin
23:16ang view deck
23:17sa San Jose Tarlac.
23:18Ang baag view deck
23:19suwak para sa solo
23:21o group traveler.
23:22Makukuha kasi
23:23ang atensyon mo
23:23sa napakalawak na landscape
23:25at scenic view
23:26ng lugar.
23:30Makulay na pasyalan
23:31naman ang makikita
23:32sa Gapa Nueve Ecija.
23:34Bida sa isang farm
23:35ang kanilang makukulay
23:36at namumukadkad
23:37na buganvilla.
23:38Pwede rin magpiknik dyan
23:40kasama ang family
23:41and friends.
23:42May iba namang
23:43piniling magpapicture
23:44sa apat na lang
23:45iba't ibang klase
23:46ng buganvilla sa farm.
23:47May pang coffee lovers din
23:48dahil sa kafe
23:49sa loob ng farm.
23:53Para sa GMA Integrated News,
23:55ako si Sandy Salvasio
23:57ng GMA Regional TV
23:58ang inyong saksi.
24:02At salamat po sa iyong pagsaksi.
24:04Ako pa si Pia Arcangel.
24:05Para sa mas malaki misyon
24:07at sa mas malawak
24:08na paglilingkod
24:09sa bayan.
24:10Mula po sa GMA Integrated News,
24:12ang news authority
24:13ng Filipino.
24:14Hanggang bukas,
24:16sama-sama po tayong
24:17magiging
24:18saksi!
24:23Mga kapuso,
24:24maging una sa saksi.
24:25Mag-subscribe sa GMA Integrated News
24:27sa YouTube
24:28para sa ibat-ibang balita.
24:30Muga
24:31Muga
24:33Muga
Comments