Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga balitang ating sinaksihan ngayong Miyerkules April 22, 2026.


- Dating dumpsite, nasusunog

- AMLC: P6.77b ang suspicious at covered transactions sa bank accounts ni VPSD at Atty. Mans Carpio mula 2005-2026

- 4 na grounds ng apela ng kampo ni Ex-Pres. Duterte na kinukuwestiyon ang hurisdiksyon ng ICC, ibinasura ng ICC Appeals Chamber

- Pagbasura ng ICC Appeals chamber sa apela ng Duterte camp, 'di ikinagulat ng lead defense counsel

- Kotse, sumalpok sa MPV at E-bike; driver ng kotse, kinabahan umano nang parahin ng LTO

- Trillanes: VP Duterte at ilang miyembro ng kanyang pamilya, tumanggap ng mahigit P181M mula sa drug lord na si Sammy Uy

- PBBM, pinagkokomento ng SC sa petisyong humihiling na sumailalim siya sa physical at mental examination

- Flight fuel surcharge, itinaas sa level 19 na pinakamataas sa kasaysayan sa gitna ng epekto ng giyera sa Gitnang Silangan

- PAGASA, naglabas ng El Niño alert

- Pag-alala kay Pope Francis, idinaan sa rave sa pangunguna ni DJ Padre Guilherme

Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:

GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
02:04Matapos malinawa ng BIR na hindi in aid of legislation ng impeachment hearing, nagbanta pa ang ehensya na pabawiin na
02:12lang ang mga dokumento.
02:13If the committee says that this is not in aid of legislation, then Section 20A will not apply.
02:23And therefore, what we will do, Madam Chair, is to withdraw our submission.
02:30Madam Chair, this has been submitted already.
02:35I'd rather keep this.
02:37Sa huli, hindi binuksan ang kahon, pero maiiwan ito sa camera.
02:42You are so near yet, you're so far.
02:46Madam Chair.
02:47The BIR apparently complied with the subpoena by bringing to us the sealed box.
02:54But because of that issue of confidentiality, we cannot open the box.
02:59Pag-uusapan na lang daw ito sa mga susunod na pagdinih.
03:03Sumalang din ang Anti-Money Laundering Council o AMLAC sa House Committee on Justice.
03:08Yes, there are suspicious transactions and covered transactions found in our system, database, or record.
03:15Covered transactions ang tawag sa mga transaksyong aabot ng mahigit 500,000 pesos.
03:22Suspicious transactions naman ang anumang halaga ng transaksyon na may dahilan para pagdudahan.
03:28Ayon sa AMLAC, may mahigit 600 suspicious at covered transactions sa bank accounts ng Bise at kanyang asawa mula 2005
03:38hanggang 2026.
03:40Umaabot ito sa 6.77 billion pesos.
03:44Mahigit 3.7 billion pesos na halaga ng transaksyon ang dumaan sa mga account ni Duterte.
03:51Halos 3 billion piso naman sa account ni Carpio.
03:54So, attorney, to be clear, did you only initiate these reports because of this impeachment?
04:03No, madam chair.
04:05We have, and AMLAC has always been in constant monitoring of all the transactions.
04:11And while we have generated a latest one, all the data have been as far as back as early years.
04:19Hindi po kami namimili ng personality. Ang tinitignan po namin dito ay yung data at yung numbers.
04:25Sabi pa ng AMLAC, milyong-milyong piso ang halaga ng halos lahat ng transaksyong inireport sa kanila.
04:32Puna ng isang miyembro ng kumite, hindi tugma sa Sal Eny Duterte ang mga transaksyong dumaan sa kanyang bank accounts.
04:40Halimbawa, noong 2009, kung kailan vice mayor pa siya ng Davao, nagdeklara noon ang mahigit 18 milyon pesos na net
04:49worth si Duterte.
04:50Pero ang flag transactions na dumaan sa kanyang bank accounts umabot ng halos 705 milyon pesos.
04:57Base pa sa AMLAC report, sa mga flag transaction na dumaan sa account ni Carpio, pinakamalaking halaga ang naitala noong
05:062024 na umabot sa mahigit 1.8 milyon pesos.
05:11Nakasaad din sa AMLAC report, mula August 2024 hanggang January 2026,
05:17naging subject si Duterte ng 27 confidential reports na nagsasaad ng kadudadudang aktibidad kabilang ang drug trafficking,
05:27graft and corrupt practices, at malversation of public funds.
05:32Kung na yan sa mga lumabas sa House Quad Committee hearings at sa impeachment complaints na inihain laban sa vice.
05:39Puna pa ng ilang miyembro ng kumite sa mga Sal Eny Duterte.
05:43Mula ang 2019 hanggang 2024, walang iniulat si Vice President Sara Duterte na cash on hand and in banks sa
05:51kanyang Sal Eny.
05:52Pero may iniulat sa AMLAC o Anti-Money Laundering Council na covered at suspicious transactions sa mga bank account ng
06:00bise sa mga taong iyon.
06:02At noong 2019 at 2024, kahit na singko po, wala po siyang diniklara na cash at saka cash on hand.
06:10Tama po ba?
06:11Based on the submitted Sal and Your Honor, wala pong nakalagay na cash on hand or bank deposits.
06:17Kahit singko po?
06:22Wala pong nakalagay, Your Honor.
06:25E di wow.
06:26Ang biglaan at tuloy-tuloy na pagkawala ng deklarasyon ng liquid assets because cash on hand and cash in bank
06:36are liquid assets.
06:37Sa kabila ng dati meron naman na mga halaga ng mga cash on hand, cash in bank, ay nagdudulot ng
06:45pagdududa sa kawastuhan at kabuuan ng subsequent sal ends ni VP Sara.
06:51Taliwas po sa kanilang patuloy na pagtanggi, lumabas na active pa ang account. Nakapag-deposit po tayo ng P448 pesos
07:00doon sa isang account na ito.
07:04Si Congressman Paolo Marcoleta, kinwestyo ng pagpapasabpina sa mga naturang sal ends.
07:10Let me state on record that the sal ends discussed were not attached in the original complaints. Hindi po sila
07:18kasama sa original complaints.
07:20And using the sal ends as a starting point without necessary predicate evidence supports the position that the investigation of
07:31the House of Representatives Committee on Justice is a fishing expedition.
07:36Paano niya nasabi yun? Sasama eh. Ito, nabasahin ko.
07:41Vice President Sara Duterte committed culpable violation of the Constitution and betrayed the public trust in amassing unexplained wealth and
07:54failing to disclose all her properties and interest in properties in her sal end.
08:01Nagalagay po sa complaint.
08:04Pinuna rin ng isang miyembro ng House Committee on Justice kung hindi raw ba lumalabag sa bank secrecy law ang
08:11pagtalakay ng komite sa bank transactions ng vice at kanyang asawa.
08:16I'm concerned with where we are going right now eh. We will now be discussing from the statements of the
08:24AMLOC representative bank accounts eh.
08:27And I'm worried that the discussion might lead somewhere na pinagbabawal ng bank secrecy law.
08:37For the record, the coverage of bank secrecy law and for the guidance of the members are bank officials and
08:44employees and bank records.
08:46And the chair is of the opinion that the subject matter of our subpoena is apparently not covered by the
08:57protection of the bank secrecy law.
08:59We cannot use the bank secrecy law as a shield to allow public officials to hide behind.
09:07Klarong-klaro po, ang pinag-uusapan natin sa isang impeachment case ay pananagutan at kailangan maging transparent ang lahat ng
09:16mga public officials.
09:17Tanong naman ang isang mambabatas.
09:50So it doesn't mean that it may 3.9 billion, does it mean that it may 3.9 billion sa
09:59load ng account?
10:01Hindi ko po, kung based lang po sa records, hindi ko pa po masabi.
10:06Pero maaaring ganon.
10:09Theoretically, possibly po yung sinasabi.
10:12Binusisi rin sa pagdinig ang mga kumpanyang idineklara ni Vice President Duterte sa ilan sa kanyang sal-end.
10:19Sa sampung kumpanya na nakadeklara sa Securities and Exchange Commission, marami umano sa mga ito ay lugi ang isinumiting financial
10:28records.
10:29Pero kakaiba raw ang kaso ng Gencorp Industries Inc. na binuksan para mag-operate ng restaurant.
10:36Sa 2021 Audited Financial Report, kumita ito ng 28 million.
10:41At sa mga sumunod na taon, umakyat sa 300 hanggang 394 million pesos ang kita nito.
10:49Pero ang idineklarang tubo, umaabot lang ng 1.8 million hanggang 3.3 million pesos.
10:56Tila hindi raw tugma ang kita ng mga kumpanyang idineklara ng Vice sa kanyang kita ayon sa ilang mambabatas.
11:04Maliban pa ito sa nakasaad sa batas na bawal mag-engage sa pribadong negosyo ang isang public official.
11:12Sa testimonya ng SEC, nakalista bilang stockholder at miyembro ng Board of Directors ang Vice habang siya ay nakaupo bilang
11:21pangalawang Pangulo.
11:22For the GIS 2022, the name Sarah J. Duterte appears to be stockholder of the corporation.
11:32She is also a member of the board of the corporation.
11:37Hindi ulit dumalo sa pagdinigang vice.
11:39Ayon sa kanyang defense team, minonitor nila ang impeachment proceedings ngayong araw.
11:45Pero wala pa silang opisyal na pahayag.
11:47Nagpadala rin ng mensahe ang GMA News sa Vice Presidente pero wala pa siyang tugon sa ngayon.
11:54Ako si Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi.
11:59Ibinasura ng ICC Appeals Chamber ang apelan ng Kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
12:03na kinikwestiyon ang horisdiksyon ng ICC sa kasong Crimes Against Humanity laban sa dating Pangulo.
12:09At dahil po dito wala ng balakid sa hinintay na desisyon ng Pre-Trial Chamber 1 kung itutuloy sa paglilitis
12:15ang mga akusasyon.
12:17Saksi si J.P. Suryang.
12:22The Appeal Chamber by majority, as a conclusion, has rejected all four grounds of appeal.
12:29Ibinasura ng International Criminal Court o ICC Appeals Chamber ang apat na grounds na nakasaad sa apela na inihain ng
12:37Kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
12:40Kinukwestiyon na kanyang apela ang horisdiksyon ng ICC sa kasong Crimes Against Humanity ng dating Pangulo.
12:46Lalo na't nag-withdraw ang Pilipinas sa ICC noong March 17, 2019.
12:51The defense submitted its appeal brief and requesting the Appeals Chamber to reverse the impugn decision to find that there
13:00exists no legal basis for the continuation of the International Criminal Court's proceedings against Mr. Duterte
13:08and order his immediate and unconditional release.
13:13Pero pinanigan ng Appeals Chamber ang naunang desisyon ng Pre-Trial Chamber 1 na may horisdiksyon ang ICC sa kaso.
13:21Accordingly, the Appeals Chamber finds no error in the Pre-Trial Chamber's interpretation.
13:28Sinabi dati ng Pre-Trial Chamber 1 na sakop pa rin ng ICC ang mga monoy krimen na nangyari bago
13:35ang March 16, 2019 o ang panahong kasapi pa ang Pilipinas sa Rome Statute.
13:40Dahil sa pagbabasura sa apela ng depensa, tinawag na moong ng Appeals Chamber ang hiling ng depensa na agarang pagpapalaya
13:48kay Duterte.
13:49Having rejected the entire appeal, the Appeals Chamber considers that the defense request for the immediate and unconditional release of
13:58Mr. Duterte is moot.
14:01Dagdag ng Appeals Chamber, kailangang respetuhin ang karapatan ng isang estado na mag-withdraw sa Rome Statute.
14:07Pero hindi raw nito hahayaan na takasan ng isang estado ang responsibilidad nito sa pamamagitan ng pag-withdraw, lalo na't
14:15hindi raw ito naaayon sa intensyon ng Rome Statute.
14:18It could be incompatible with this object and purpose to enable a state party to evade its responsibilities under the
14:29statute by depositing a written notice of withdrawal once it discovers that alleged crimes committed on its territory or by
14:40its nationals are being examined by the prosecution.
14:44Wala sa pagdinig ang dating Pangulo na nag-wave ng kanyang karapatang dumalo.
14:49Sabay-sabay na nagbunyi ang mga pamilya ng mga biktima ng umano'y war on drugs ng Administrasyong Duterte.
14:58Ang susunod na challenge sa atin, pagpapatala, pagpapaadmit ng mga biktima para marinig sa trial na mga natanggap na 539
15:10victims.
15:12Pero ang dinig ko eh, libo-libo daw ang biktima.
15:15Bago ang pagdinig, nakausap ng media ang anak ng dating Pangulo na si Kitty Duterte.
15:20Binisita niya ang ama sa detention facility sa The Hague, Netherlands.
15:24Ang mensahe raw ng ama sa mga nangangamusta sa kanya.
15:27They ask how I'm doing, tell them Invictus.
15:29Ang salitang Invictus ay lati na ang ibig sabihin ay hindi matitina o hindi magpapatalo.
15:36Matapos ang pagbabasura ng appeals chamber sa apila ni Duterte,
15:40wala nang balakid sa inihintay na desisyon ng pre-trial chamber 1 kung itutuloy sa paglilitis ang mga akusasyon.
15:47May hanggang April 28 sila para magpasya ukol sa confirmation of charges laban sa dating Pangulo.
15:53There is the confirmation decision and that has to be delivered by the 28th of this month.
16:01If the confirmation decision goes against the defense, then we're in for a trial.
16:06And that trial will probably start maybe at the beginning of 2027.
16:12Ako po si JP Soriano, ang inyong saksi.
16:17Hindi na anya nagulat ang lead defense counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbasura.
16:23Nang ICC Appeals Chamber sa apila ng kanilang kampo na kumukwestyon sa horisdiksyon ng ICC sa kaso.
16:29Ang Katerney Nicholas Kaufman, mula sa legal na pananaw,
16:33nagkulang daw ang appeal judgment sa paglaro kung kailan nagiging usapin sa korte
16:37ang anya'y hindi malinaw na preliminary examination.
16:42Anya, tila lumalabas ngayon na kahit nag-withdraw ng isang estado,
16:46ay maaari pa rin magbukas ng investigasyon.
16:52Sumalpog sa nakaparadang MPV at e-bike ang isang kotse sa Batangas.
16:56At batay po sa investigasyon,
16:58ninerbios umanong ang driver ng kotse ng parahin siya ng mga taga-LTO.
17:02Ating saksihan!
17:07Sa gitna ng inspeksyon ng LTO sa isang MPV sa San Jose Public Market sa San Jose, Batangas,
17:13makikitang tinara ng mga operatiba ang isang papalapit na kotse.
17:17Pero, imbis na tumigil, nagdere-derecho ito at sumalpok sa nakaparadang MPV at e-bike.
17:26Ayon sa polisya, ninerbios ang driver ng kotse kaya imbis na preno,
17:31naapakan niya ang gas o akselerator.
17:33Nung papunta siya, para sumunod dun sa instraksyon ng LTO enforcer papuntang side lane,
17:39is imbis na brake yung naapakan niya is yung akselerator.
17:43So, para ang progress, dala din na po ng nervios.
17:45Sa video, kitang natumba rin ang isang lalaki na nag-aabang sana ng jeep na masasakyan.
17:51Nagdamo siya ng galos.
17:53Nagkaareglo naman ang driver ng kotse at mga apektadong motorista.
17:57Sinagot din niya ang pagpapagamot ng sugatan at pagsasayos ng mga sasakyan.
18:02Ako, si Jamie Santos, ang inyong saksi.
18:10Magit isandaan at walumpum milyong piso umano ang kabuang natanggap ni Vice President Sara Duterte
18:15at ilang miyembro ng kanyang pamilya mula sa isang drug lord.
18:18Ayon po yan kay dating Sen. Antonio Trillanes IV.
18:22Kasabay po niyan, isinawalat ni Trillanes sa pagdinig ng House Committee on Justice
18:26ang umano yung mga itinatagong yaman ng pangalawang Pangulo.
18:31Saksi, si Ian Cruz.
18:36Sa kanyang pagharap sa pagdinig ng House Committee on Justice
18:39sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte,
18:42bit-bit ni dating Sen. Antonio Trillanes IV
18:46ang umanay-kopya ng mga transaksyon at bank accounts
18:49ni Vice President Sara Duterte at ilang miyembro ng kanyang pamilya.
18:53Galing umano ang mga ito sa isa sa dating taga-suporta
18:56ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
18:59Ayon kay Trillanes,
19:01Mula 2003 hanggang 2016,
19:04nasa 2.4 billion pesos ang perang pumasok sa joint account
19:07ni na VP Sara at amang si dating Pangulong Duterte.
19:10Hanggang April 2016 naman an niya,
19:13paggit 111 million pesos ang pumasok sa joint account
19:16ang Vice at asawang si Atty. Manas, Scarpio.
19:19Sa katotohanan, si Rodrigo Duterte at ang kanyang pamilya
19:23ay may mga joint bank accounts
19:25na may bilyon-bilyon na dumaloy na pera.
19:29I-prinisinta rin ni Trillanes
19:31ang mga kopyo ng bank account
19:33at transaksyon ni na Vice President Sara Duterte,
19:36mga kapatid na si Napulong at Baste Duterte
19:39at asawang si Manas, Scarpio.
19:41Gayun din ang common law partner
19:43ni dating Pangulong Duterte
19:44na si Shalito Hanileg Cavancenia
19:46at anak nilang si Veronica Kitty Duterte.
19:50Lumalabas na may kabuang halaga
19:53na 2,407,272,103.75 pesos
20:04ang pumasok at dumaloy
20:06sa mga nasabing bank accounts
20:08mula noong 2003 hanggang 2016.
20:12Daan-daang milyon anya rito
20:15ang galing umano sa kilalang drug lord
20:17na si Samuel Sammy Uy.
20:19Kay Vice President Duterte,
20:21umabot anya sa mahigit 22 milyon pesos
20:24ang pumasok na pera
20:25mula kay Uy noong March 2011
20:28hanggang April 2012.
20:30Milyon-milyon din anya
20:32ang natanggap ni dating Pangulong Duterte,
20:35magkapatid na Baste at Pulong,
20:36pati na ni Avancenia.
20:38Ang grand total na nakuha
20:40ng Duterte family
20:43mula sa isang drug lord
20:45na si Sammy Uy
20:46ay 181,653,487.36.
20:53Para masuri ang mga transaksyon,
20:56ipinaberipika ni ML Partylist Representative
20:59Leila Delima
21:00ang ilan dito
21:01sa Anti-Money Laundering Council.
21:04Random na pumili si Delima
21:05ng mga transaksyon
21:06at isa-isang tinignan ng AMLAC
21:09kung tugma sa mga hawak nilang impormasyon.
21:11We confirm that
21:14for all the dates and amounts mentioned,
21:19there are similar transactions
21:21existing in the AMLC report.
21:24So for the record,
21:2518 out of 18 transactions
21:28randomly selected
21:30from the annexes of
21:31Sinumpang Salaysay
21:33of Honorable Trillianis
21:34were confirmed
21:36by the AMLC
21:37at least
21:38to the extent
21:39that similar transactions
21:41appear in their report.
21:42Sa wakas,
21:43after 10 years,
21:46ay kinumpirma
21:47ng AMLAC
21:48yung aking
21:49wilalabas
21:50sa taong bayan
21:51simula pa noong 2016.
21:53Sa wakas,
21:54kaya ayon kay Trillianis,
21:56masasabing mayroong
21:57impeachable offense
21:58ang bisi.
21:59Una,
22:00si Sara Duterte
22:01ay kasangkot
22:02sa korupsyon
22:03noong unang
22:04pumasok pa lang siya
22:06sa gobyerno.
22:07Pangalawa,
22:09si Sara Duterte
22:10ay may mga tagong yaman
22:12na nakuha niya
22:13sa mga iligal na paraan.
22:16Pangatlo,
22:17si Sara Duterte
22:18ay hindi nagdedeklara
22:19ng kanyang tunay na yaman
22:22sa kanyang salin.
22:24Pangapat,
22:25si Sara Duterte
22:26at ang mga malalapit
22:28na miyembro
22:29ng kanyang pamilya
22:30ay tumanggap
22:31ng daang-daang milyon
22:33na pera
22:34mula
22:35kay Sammy Uy
22:36na isang kilalang
22:37drug lord.
22:38Sinusubukan pa namin
22:39makuha
22:40ang paning ni
22:41Vice President Duterte
22:42at kanyang pamilya
22:43kaugnay nito.
22:45Ako si Ian Cruz
22:46ang inyong
22:47saksi.
22:49Pinagkukomento
22:50ng Korte Suprema
22:51si Pangulong Bomba Marcos
22:52sa petisyong humihiling
22:54na sumailalim siya
22:55sa physical
22:56at mental examination.
22:58Kabilang po dito
22:59ang hair follicle
23:00drug test
23:00at kagray po yan
23:01sa petisyong inihain
23:02ni na dating
23:03House Speaker
23:03Pantaleon Alvarez
23:05at iba pa.
23:06Kiniling din sa petisyong
23:08na ilabas ng Pangulo
23:09ang resulta ng pagsusuri
23:10bilang patunay
23:11ng kanyang pisikal
23:12at mental
23:13na kakayang
23:14gampanan
23:15ang tungkulin
23:15bilang Pangulo.
23:17Minigyan ng Korte
23:18ng sampung araw
23:19ang mga respondent
23:20para magkomento.
23:21At kasama po
23:22sa pinasasagot
23:23si Acting Executive Secretary
23:25Ralph Recto.
23:26Sinisika pa namin
23:27makuha ang panig
23:28ng Malacanang
23:29tungkol dito.
23:31Mas mataas na pamasahe
23:32ang posibleng sumulubong
23:34sa mga pasahero
23:35ng eroplano.
23:36Kasunod po ito
23:37ng pag-akyat
23:37ng fuel surcharge
23:38sa level 19
23:39na pinakamataas
23:41sa kasaysayan.
23:42Saksi si Jamie Sang.
23:48Dalawang beses
23:49sa isang taon
23:49magbiyahe pa
23:50sa Marasirusel.
23:51Tinitiyak kasi niya
23:52na madalas makauwi
23:53sa kanilang probinsya.
23:55Mas pinipili
23:56raw nilang mag-eroplano
23:57para mas mabilis
23:58ang biyahe
23:58at mas ulit
23:59ang leave.
24:00Pero ngayong taon
24:01daw,
24:01hindi siya nakauwi.
24:03Dapat kasi
24:03ngayong March
24:05uwi ako ng summer
24:06kasi kukunin ko
24:06yung mga anak ko.
24:07Hindi na tuloy
24:08because nga doon
24:09sa increase
24:09ng pamasahe.
24:11Hindi naman ganun
24:12kalaki yung kita natin.
24:13Hindi rin nakabiyahe
24:14pa ilo-ilo
24:15ang pamilya ni Pasita.
24:16Pagsakay din sa eroplano
24:18ang mas pinipili nila
24:19tuwing babiyahe.
24:20Kaya naman
24:21damang-dama raw niya
24:22ang bigat ng epekto
24:23ng pagtataas
24:24ng presyo
24:25ng produktong petrolyo.
24:26Parang ilang
24:27isang taon pa lang
24:28na-enjoy yung
24:29promo rates.
24:30Promo rates, right?
24:31Yung mga bagsak presyo
24:32tapos biglang aangad.
24:34Ang hirap naman daw
24:35kung uuwi sila
24:36sa probinsya
24:37sakay ng barko.
24:38Kung magtataas sa airlines
24:40magbabarko
24:41eh yung time naman
24:42syempre makakalive kami
24:433 days, 4 days lang.
24:45So yung travel mo pa lang
24:462 days na.
24:47Wala nang naano.
24:49Ngayong buwan
24:50posibleng sumalubong
24:51sa mga biyahero
24:52ang mas mataas
24:53na pamasay
24:54sa eroplano.
24:55Ito'y matapos
24:56itaas ng
24:57Civil Aeronautics Board
24:58ang Fuel Surcharge
24:59sa Level 19
25:00na siyang pinakamataas
25:02na antas
25:02sa kasaysayan.
25:04Bunsod ng pagtaas
25:05ng presyo ng langis
25:06dahil sa tensyon
25:07sa Middle East.
25:07Mula April 16
25:09hanggang 30
25:10aabot na sa
25:11627 pesos
25:12hanggang
25:131,824
25:15ang Fuel Surcharge
25:16sa domestic flights.
25:17Sa international flights
25:19mula Pilipinas
25:20maari itong
25:21umabot sa higit
25:222,000 pesos
25:23hanggang
25:24mahigit
25:2415,000 pesos
25:26depende sa layo
25:27ng biyahe.
25:28Mas mataas ito
25:29kumpara sa
25:29unang kalahati
25:30ng April
25:31kung saan
25:31nasa Level 8
25:32lamang
25:33ang Fuel Surcharge.
25:34Ayon sa CAB
25:35pinaiksina nila
25:36sa 15 days
25:37ang adjustment period
25:38mula dating
25:39isang buwan
25:40para mas mabilis
25:41na makasabay
25:42sa pabago-bagong
25:42presyo ng jet fuel.
25:44Hindi raw
25:45maiiwasan
25:45ang taasingil
25:46dahil higit doble
25:47na ang presyo
25:48ng jet fuel
25:48mula sa
25:49800 US Dollars
25:51hanggang
25:5190 US Dollars
25:53kada bariles
25:54bago ang gulo
25:54hanggang sa
25:55halos 200 US Dollars
25:57na ngayon.
25:58Ang Fuel Surcharge
25:59ay hiwalay pa
26:00sa base fare
26:01at maaring
26:01ipasa ng
26:02airline sa mga
26:03pasahero
26:03upang mabawi
26:04ang dagdag
26:05gastos sa krudo.
26:07Bago matapos
26:08ang dalawang linggong
26:09tigil putukan
26:10ng Amerika at Iran
26:11inanunsyo ni
26:12President Trump
26:13na extended
26:13ang ceasefire.
26:14Hindi muna raw
26:16aatakihin
26:16ang Amerika
26:17ang Iran
26:17hanggat hindi
26:19nakapagbibigay
26:19ang mga lider
26:20at kinatawan nito
26:21ng isang
26:22unified proposal
26:23at hanggat
26:24di patapos
26:25ang mga diskusyon.
26:26Kasunod ito
26:27ng hiling anya
26:27ng Pakistan
26:28na tagapamagitan
26:29sa peace talks.
26:30Pero tuloy raw
26:32ang naval blockade
26:32ng Amerika
26:33sa mga pantalan
26:34ng Iran.
26:35Wala pang tugon
26:36ang mga opisyal
26:37ng Iran
26:37sa inanunsyong
26:38extended ceasefire
26:39ni Trump.
26:40Pero bago
26:41ang anunsyo,
26:41tinawag ni Iranian
26:42Foreign Minister
26:43Abbas Aragchi
26:44ang blockade
26:45na act of war
26:46at paglabag
26:47sa ceasefire.
26:48Mas malaki paan
26:49niyang paglabag
26:49ang pag-atake
26:50sa commercial vessel
26:51at pang-hostage
26:52sa crew nito.
26:54Kamakailan,
26:55kinubgob ng Amerika
26:56ang isang cargo vessel
26:57ng Iran
26:57dahil sa tangka
26:58o manong paglusod
26:59sa blockade.
27:00Nagbabala
27:01noon ang Iran
27:01na gaganti sila.
27:03Sa kabila rin
27:04ang anunsyo ni Trump,
27:05tatlong container ship
27:06ang naiulat
27:07na tinamaan
27:08sa Strait of Hormuz
27:09ayon sa British
27:10Maritime Security
27:11Agency
27:12na UKMTO.
27:13Ayon naman
27:14sa Iranian media,
27:15dalawang barko
27:16ang hinuli nila
27:17dahil sa maritime violations.
27:19Partikular
27:19ang paglalayag
27:20ng walang otorisasyon.
27:22Ako si Jamie Santos
27:23ang inyong saksi.
27:27Naglabas po
27:28ng El Niño Alert
27:29ang pag-asa.
27:29Ibig sabihin,
27:30mas mataas ang tsansa
27:31na makaranas
27:33ng El Niño
27:33sa Julio
27:34hanggang una
27:35ang bahagi
27:35ng susunod na taon.
27:37Sa ngayon,
27:37mainat
27:38at maalinsangan
27:38ang panahon
27:39dahil umiinal pa rin
27:40ang ridge
27:40o extension
27:41ng high-pressure area
27:42sa extreme northern Luzon.
27:44Easterlies naman
27:45ang naka-a-apek
27:46sa southern Luzon,
27:47Visayas
27:48at Mindanao.
27:49Ngayong araw,
27:50naitala ang 42 degrees Celsius
27:51Heat Index
27:52o damang init
27:53sa Apari,
27:54Cagayan
27:54at Cuotabato City.
27:56Bukas,
27:57posibleng umawat
27:57hanggang 41 degrees Celsius
27:59ang damang init
28:00sa mga naturang lugar
28:01pati na sa Tugigaraw City.
28:0440 degrees Celsius
28:05naman
28:06ang inaasahan
28:07sa Lawag,
28:07Ilocos Norte,
28:08Dagupad City
28:09at ilan pang lugar.
28:11Basa sa datos
28:12ng Metro Weather,
28:13may tsansa na ulan
28:14bukas na umaga
28:15sa Sulu Archipelago
28:16at sa Zamboanga Peninsula.
28:18Posible rin maulit yan
28:20sa bandang tanghali
28:20at hapon.
28:22Nakararanas din ang ulan
28:23ang Ilocos Region,
28:24ilang bahagi
28:25ng Negros Oriental,
28:26Bohol,
28:27Samar Provinces
28:28at Hilagang,
28:28Mindanao.
28:29Hindi naman inaalis
28:30ang tsansa
28:31ng localized thunderstorms
28:32sa Metro Manila
28:33pagsapit ng hapon
28:34o gabi.
28:37Kakaiba
28:38ang isinagawa
28:39ang pag-alala
28:39kay Pope Francis
28:40sa Argentina.
28:42Idinaan po ito
28:43sa pamamagitan
28:44ng musika
28:44at sayawan.
28:57Kilala po ang
28:58Portuguese na
28:59pare at DJ
29:00na si Padre Guilherme
29:01sa paghahalo
29:02ng electronic music
29:03sa mga mensahe
29:04ng pananampalataya.
29:06Sa Buenos Aires
29:07naman niya dinala
29:08ang kakaibang
29:08pagtitipon
29:09na may musika,
29:10sayawan
29:11at pagdarasaan.
29:12Hindi nang pag-alala
29:13sa unang anabensaryo
29:15ng pagpanaw
29:16ni Pope Francis.
29:17Libo-libo
29:18ang sumali
29:18sa pagkitipon
29:19na ay kay Padre Guilherme
29:21ay isa rin
29:22panawagan
29:23para sa
29:23kapayapaan
29:24sa buhay.
29:38Salamat po sa inyong pagsaksi.
29:39Ako po si Pia Arcanghel.
29:41Ito ang GMA News.
29:43Walang kinikilingat.
29:44Walang pinoprotektahan.
29:46Noon at ngayon,
29:47servisyong totoo.
29:49Hanggang bukas,
29:51sama-sama po tayong magiging
29:52Saksi!
Comments

Recommended