00:00Paasintabi po sa aming ibabalita, patay at paddad ng saksak ng matagpuan ang isang lalaki at kanyang anak na babae
00:08sa kanilang bahay sa General Mariano Alvarez sa Cavite.
00:12Sa inisyal na investigasyon ng polisya, ang ama mismo ang inihinalang sumaksak sa anak niya.
00:18Balitang hatid, di ba malegre?
00:23Dugoan at wala ng buhay na matagpuan ang mag-amang ito malapit sa banyo sa loob ng kanilang bahay sa
00:27General Mariano Alvarez Cavite nitong linggo ng hapon.
00:31Nagtamo ng mga saksak sa katawan ng mag-ama.
00:34Nakuha rin sa tabi ng ama ang isang kitchen knife na hinihinalang ginamit sa krimen.
00:38Ito yung residential property kung saan natagpuan ang mag-ama.
00:41May nagpunta kasi silang kaanak dito para i-check kung bakit hindi na raw nagre-reply yung anak na babae
00:46sa kanyang ina.
00:47Kinatok nila yung bahay, walang sumasagot.
00:49Tinignan nila yung bintana at dito silang nakakita na merong signs ng foul play.
00:54Kaya perasahan na nila itong binuksan.
00:56Kaya makikita ninyo may takip yung bintana na kanilang sinira.
00:59Dito na nagtagpuan sa loob ang mga labi ng mag-ama na isinailalim na rin sa autopsy.
01:05Yung anak po na babae ay nasa panan po nung tatay.
01:12May mga blood splatter po dun sa bandang abdomen po nung tatay at saka mukha nung batang babae.
01:20Pati po sa kamay nung batang babae.
01:22Meron din pong sugat sa kamay nung batang babae.
01:28Parang indicator na defensive wound.
01:35Sa resulta ng autopsy, hindi bababa sa labing isang saksakan tinamon ng 22 years old na anak na babae.
01:40Habang hindi bababa sa labing tatlong tinamon ng kanyang ama na 48 years old.
01:44Sa investigasyon ng pulisya, walang indikasyon ng perasahan pagpasok sa bahay.
01:48Wala rin daw nawawalang gamit.
01:50May nakuha rin sa laisay ang pulisya sa kapidbahay na may narinig umano silang komosyon sa loob ng bahay.
01:55Hindi pa po makongklud o hindi pa po ma-sure po ang reason talaga.
02:01May witness po kasi tayong nakadinig po sa pangyayari. Kapidbahay po ito.
02:06Katabi mismo po ng bahay nung narinig niya yung salita po ng bata.
02:11Pasigaw po yun na narinig niya.
02:13Ang pinaka word po dun is, papatama na.
02:17Kasunod po na na is, yung busis po ng lalaki pero hindi po clear yung pagkakarinig po ng witness.
02:27Batay sa inisyal na investigasyon, ang tatay ang suspect sa krimen.
02:31Kung susundan po yung mga evidence gathered, yung tatay po ang may gawa at dumidipinsa na lang yung...
02:39Parang dating po is ina-assault yung anak.
02:42Parang ganun po ang dating ng tatay po ang may ano po.
02:46Then isama pa po natin yung sitwasyon ng tatay na sabi nga po ay may depresyon.
02:52Malaki po ang posibilidad na tatay po ang may gawa.
02:56Nakaburoy ngayon ng bae habang nakaremate na ang kanyang ama.
02:58Labis ang hinagpis ng ina ng babae.
03:00Muli niya nakausap ang kanyang mag-ama noong Sabado ng gabi at wala raw indikasyon na may problema.
03:05Matapos sa mahigit isang dekadong trabaho sa Taiwan bilang OFW,
03:09nitong Abril lang siya naka-uwi ng Pilipinas para makasama ang anak.
03:12Wala raw siya sa kanilang tahanan na mangyari ang krimen dahil kakatanggap niya lang ng trabaho sa Metro Manila.
03:18Sobang nagulat ako eh kasi ako kasi anak yung nanoko eh.
03:22Sa tagal kong OFW, 12 years, wala namang ganyang mangyayari eh.
03:28Iiwan ko yung anak ko.
03:29Hindi mo nabas mayisip.
03:31Sobrang bigad kasi sa tagal lang kiniisip ko na yun lang kami nagkaroon ng pagkakakaon.
03:37Wala ang pangarap yun eh.
03:39Hinihintay pa ng pulisya ang kumpletong forensic report.
03:41Bama Legre, nagbabalita para sa GMA News.