- 1 day ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Narito ang mga balitang ating sinaksihan ngayong Martes March 24, 2026.
- State of National Energy Emergency, idineklara ni Pres. Marcos
- Panukalang magbibigay ng kapangyarihan kay PBBM na suspindehin o bawasan ang oil excise tax, naipadala na sa Office of the President
- Fuel subsidy ng DOTr para sa mga driver at operator ng PUV, sinimulan nang ipamahagi
- Gunman na pumatay sa dating close-in security ni Manila Mayor Isko Moreno, arestado sa Laguna
- VP Sara Duterte, 'di sisipot sa pagsisimula ng pagdinig ng kamara kaugnay sa impeachment complaint laban sa kanya
- 6 na Turkish national at 1 Pinoy, arestado dahil sa pagsasagawa umano ng hair transplant na hindi lisensyado
- Mga opisyal ng "Roblox", makikipagdayalogo sa DICT kaugnay ng planong pag-ban sa kanila
- Rider na bumangga sa siklista, sumuko at nakipag-areglo
- Kaalaman sa apat na klasipikasyon ng klima ng bansa, makatutulong sa pagpaplano ng bakasyon
- 42-ft na estatwa ng Divine Mercy, tampok sa Divine Mercy Shrine
- 77-anyos na lolo, nakatakdang magtapos sa Grade 12 sa susunod na linggo; pangarap ituloy ang pag-aaral sa kolehiyo
- Biyahe ng MRT-3, naantala dahil sa teknikal na aberya; mga pasahero, naipon sa ilang istasyon
- Paandar na visual aid, quotable quotes at maaksyong pagtuturo, ginagamit panghuli ng atensyon ng isang college instructor
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- State of National Energy Emergency, idineklara ni Pres. Marcos
- Panukalang magbibigay ng kapangyarihan kay PBBM na suspindehin o bawasan ang oil excise tax, naipadala na sa Office of the President
- Fuel subsidy ng DOTr para sa mga driver at operator ng PUV, sinimulan nang ipamahagi
- Gunman na pumatay sa dating close-in security ni Manila Mayor Isko Moreno, arestado sa Laguna
- VP Sara Duterte, 'di sisipot sa pagsisimula ng pagdinig ng kamara kaugnay sa impeachment complaint laban sa kanya
- 6 na Turkish national at 1 Pinoy, arestado dahil sa pagsasagawa umano ng hair transplant na hindi lisensyado
- Mga opisyal ng "Roblox", makikipagdayalogo sa DICT kaugnay ng planong pag-ban sa kanila
- Rider na bumangga sa siklista, sumuko at nakipag-areglo
- Kaalaman sa apat na klasipikasyon ng klima ng bansa, makatutulong sa pagpaplano ng bakasyon
- 42-ft na estatwa ng Divine Mercy, tampok sa Divine Mercy Shrine
- 77-anyos na lolo, nakatakdang magtapos sa Grade 12 sa susunod na linggo; pangarap ituloy ang pag-aaral sa kolehiyo
- Biyahe ng MRT-3, naantala dahil sa teknikal na aberya; mga pasahero, naipon sa ilang istasyon
- Paandar na visual aid, quotable quotes at maaksyong pagtuturo, ginagamit panghuli ng atensyon ng isang college instructor
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:09Transcription by CastingWords
00:30Sa gitna ng epekto sa bansa ng gulong sa gitnang silangan,
00:34nagdeklara ng State of National Energy Emergency si Pangulong Bongbong Marcos.
00:39Sa ilalim ng Executive Order No. 110, itatatag ang Unified Package for Livelihoods, Industry, Food and Transport o Uplit.
00:49Layan nito masiguro na sapat ang supply ng enerhya sa bansa.
00:53Hindi matitigil ang delivery ng pangulang servisyo, patuloy na paggulong ng ekonomiya
00:57at pag-alalay sa mga mamamayan, particular sa vulnerable sectors.
01:02Isang taong efektibo ang kautosan.
01:05Bago pa man ilabas ang Executive Order ni Pangulong Marcos,
01:08krisis na ang tawag ng mga sinodol sa epekto sa bansa ng gulo.
01:12Dapat aminin na ng Malacanang, gano ba talaga kabigat ang sitwasyon?
01:19At ano na ba ang eksaktong plano ng gobyerno?
01:22We must first admit that there is a crisis for us, for all of us, to act with urgency.
01:30And we must admit that it can't be the usual way things are.
01:36Huwag na tayo lost in translation or nagmamaang maangan na may krisis.
01:44Until we define it as a crisis, we will not act in record time to save our people.
01:56Sa pagdinig kanina ng Senate Committee on Proactive Response and Oversight
02:00for timely and effective crisis strategy or protect,
02:04nagkasingilan kaugnay ng hanggang 10 billion pesos na pondo
02:07ng Philippine National Oil Company pambili ng dagdag na langis.
02:11Pero hindi pa raw ito magamit dahil kailangan ng basbas ng kongreso.
02:15We want to activate yung funds ng GOCC natin to be able to address yung inventory natin in country
02:24to keep it at a healthy level.
02:27Pero ayon mismo sa Department of Energy, kahapot ang sila sumulat sa kongreso na nakabreak ngayon.
02:33Hindi po mag-break ang Senado kung sinabi niyong kailangan ng congressional approval
02:39ang paggamit ng PNOC ng kanilang pondo.
02:43Because it's important na hindi tinuturo sa atin na nag-break tayo
02:47kaya ang PNOC hindi makagamit ng kanyang pera.
02:50That's unfair.
02:51Eh, ang sekretary nga ninyo wala dito eh.
02:54Kung anong pamamulitik ang ginagawa na naman ang sekretary nyo.
02:57Wala noon sa pagdinig si Energy Secretary Sharon Garin
03:00na nagpasabing hindi makadadalo.
03:02Pero dumating din siya kinahaponan matapos sanapin ni Senador Ligarda.
03:07Tinanong siya tungkol sa pahayag ng Pangulo
03:09na posibleng matigil ang paglipad ng mga eroplano
03:12dala sa kakulangan ng jet fuel.
03:14Cebu Pacific and Pal.
03:17They have a combination of suppliers, Petron, and also they import it on their own.
03:22As of yesterday, their inventory is around 38 days.
03:2738 days and they have confirmed, we asked them if they want us to help them procure additional fuel
03:34for the next month, meaning on May.
03:38They have already secured confirmation of their next order.
03:43I think it was South Korea.
03:45Sabi ni Karin, ang ginagawa nila ay pina-follow up nila ang order
03:49sa pamamanggitan ng government to government na ugnayan.
03:52Para sa GMA Integrated News, ako si Marisol Abduraman, ang inyong saksi.
04:02Naipadala na sa Office of the President ang panukalang magbibigay kay Pangulong Bombo Marcos
04:06ng emergency powers para suspindihin o bawasan ng excise tax sa langis.
04:12Ngayong araw, pininimahali na House Speaker Faustino Bojidi at Senate President Tito Soto ang panukala.
04:18Dahil dito, pirma na lang ni Pangulong Marcos ang kailangan para maisabatas ito.
04:24Hanggang 10 piso kada litro ng gasolina at 6 piso sa kada litro ng diesel
04:29ang maaring matapyas kapag sinuspindi ang excise tax.
04:33Sa ilalim po ng panukala, maaring gamitin ng Pangulo ang kapangyarihan
04:38na suspindihin o bawasan ang oil excise tax
04:41kung ang average price ng Dubai Crude ay lalagpas sa $80 kada bariles sa loob ng isang buwan.
04:50Simula na po ng pamamahagi ng fuel subsidy ng Department of Transportation para sa mga pampublikong sasakyan.
04:55Si Pangulong Marcos ang nanguna sa pamamahagi ng $10,000 piso fuel subsidy kada unit para sa mga bus operator.
05:03At inanunsyo rin ng DOTR ang pisong rural terminal fee para sa mga sasakyan maghahatid ng produktong pangagrikultura.
05:10Saksi si Joseph Moro.
05:16Halos 30 operator ng bus ang nakatanggap ng fuel subsidy sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o FITEX kanina.
05:23$10,000 piso kada unit ng ayuda na ipinamahagi sa pangunan ni Pangulong Bongbong Marcos.
05:29Hindi lamang dito sa Metro Manila pero all over the country na ito.
05:33Malaking tulong po ito sa pang-araw-araw po namin na operasyon, pambili ng krudo, mga spare parts, pangsahod ng
05:41mga tao.
05:42At iba pa.
05:43Ayon sa Department of Transportation, mahigit 21,000 unit ang saklaw ng fuel subsidy sa gitna ng walang prenong oil
05:51price hike.
05:52May hiwalay na $5,000 piso ng ayuda para sa mga tsuper.
05:56Ganyan din ang ayuda para sa mga P2P operator at driver.
06:00Mas mababa naman ang ayuda para sa mga operator ng minibus at school service.
06:05$2,000 piso naman kada unit ang ayuda para sa mga taxi operator.
06:09$5,000 piso para sa mga driver.
06:11Sa mga tradisyonal na jeep, may ayudang $5,000 piso kada unit ang mga operator.
06:16$1,500 piso naman para sa mga tsuper.
06:20$10,000 piso naman para sa mga operator ng modern jeepney at $1,500 piso din sa driver.
06:26May matatanggap ding fuel subsidy ang mga operator at driver ng TNVS at UV Express.
06:32Pagkatapos naman ng Holy Week, mabibigyan ang mga driver ng tricycle at delivery service.
06:37Hiwalay pa ito sa mga ayudang natanggap na ng ilang sektor mula sa DSWD.
06:42Ipadadaan sa fuel cards, bank transfer, e-wallet o di kaya cash o cheque ang ayudang pinunduhan ng 2.5
06:48billion pesos para sa mahigit 200,000 driver beneficiary.
06:52Hindi naman kasama sa mga bibigyan ng mga konduktor na posibleng ipakausap na lamang sa DSWD.
06:58Yung mga konduktor, syempre masasabi din po natin na sila ay individuals in crisis situation.
07:06Maglalambing po tayo kay Secretary Rex, kunti lang naman tayo yata sir.
07:09Of course pag in-endorse nila and they are in crisis, agad-agad natutulong ang Departamento.
07:19Inanunsyo rin ang DOTR ang pisong terminal fee sa mga roro para sa mga sakyan na nagkakarga ng produktong pangagrikultura
07:26gaya ng bigas, mais, prutas, gulay, isda at karne.
07:30Sa ngayon, umaabot yan ng hanggang 516 pesos depende sa sasakyan.
07:34Epektibo ang pisong terminal fee simula April 15 at tatagal ng 6 na buwan.
07:40Babawasan din ang Civil Aviation Authority of the Philippines ang kanilang passenger service charge
07:45at airline aeronautical fees sa mga paliparan sa buong bansa simula April 1.
07:50For example, kung ang ticket po ninyo ay 2,000, but because of the reduction of the terminal fee,
07:57makakaasa po kayo na ang ticket nyo ay papalo na lang ng 1,8.
08:01Sa gitna yan, ang panibagong round ng mega oil price hike ngayong linggo.
08:05Batay sa datos ng Department of Energy, dumobile na ang presyo ng diesel ngayon.
08:10Kumpara noong magsimulaan taon.
08:12Ang hirap talaga.
08:13Hirap talagang pita talaga.
08:16Babawal talaga.
08:17Pag hindi ka magdaga kahit babano.
08:19Wala pang bilan ng bigas.
08:21Ayon sa Department of Energy, paparating ngayong linggo ang dagdag na 1 milyong litro ng langis.
08:26400,000 na litro galing sa isang bansa sa Southeast Asia
08:30at 600,000 liters galing sa labas ng Southeast Asia.
08:34Dagdag ito sa kasalukuyang supply na pang-45 araw.
08:37At patuloy raw ang pakipag-ugnayan ng Pilipinas sa South Korea, India, Japan at maging sa China para tuloy-tuloy
08:43ang supply ng langis.
08:45We have been assured these countries on the consistency of their supply.
08:49That is given that the situation is...
08:51We have to understand also their situation.
08:54But so far, how it is today, they've assured us that the deliveries of our orders.
09:02Kung gaano tatagal ang supply, nakadepende sa lakas ng konsumo ng publiko.
09:07Ang pinangambahan ng mga eksperto,
09:09Worst case scenario, eventually baka magka problema rin tayo sa supply at kailangan ng mag-rationing.
09:15Kasi ang sinabi ng Department of Energy, ang supply natin ng langis is just between 45 to 60 days.
09:211973, oil crisis, nag-oil rationing ho ang Pilipinas.
09:25Kaya naman ang presidente ay bumuo ng Oil Crisis Committee na kailangan na talagang i-convene.
09:31Ang iniiwasan ng Department of Energy at ng gobyerno ay ma-zero ang supply natin ng langis sa kalagitnaan ng
09:37Mayo.
09:38Bagay na hindi naman daw nila inaasahang mangyayari.
09:41Nakikipag-usap na rin ang DOE at Department of Food and Industry o DTI kung sakaling lumala pa ang tensyon
09:47para malaman na kung sino ang bibigyang prioridad kung sakasakali.
10:05Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong ang inyong saksi.
10:10Arestado sa San Pedro Laguna ang umanoy gunman sa pagpatay sa dating close-in security ni Manila Mayor Esquamoreno na
10:17si George Capistrano.
10:18Kasamang hinuli ang kasintahan ng suspect na kasama rao niya sa pagtatago.
10:23Tinukoy rin siya bilang gunman ng isa pang suspect na naonang sumukos sa mga otoridad.
10:28Iniharap kanina ng alkalde sa publiko ang magkasintahan.
10:32Aminado ang gunman sa krimen.
10:33Ginawa raw nilang target ang biktima dahil sa suot nitong alahas.
10:38Hindi raw nila alam na dating polis ang biktima at itinanggi rin ang suspect na siya ang utak ng krimen.
10:45Naaresto ang suspect sa visa ng standing warrant para sa kasong robbery na inilabas ng isang korte sa Baguio City.
10:51Ayon sa pulisya, may narecover na baril mula sa suspect ng maaresto.
10:59Bago sa saksi, hindi sisipot si Vice President Sara Dutente sa pagsisimula bukas ng pagdinig ng Kamara,
11:05kaguray sa impeachment complaint laban sa kanya.
11:07Ito po ay ayon sa kanyang abogado na si Atty. Michael Pua.
11:11Bago po yan, sinabi ni House Committee and Justice Chairperson Jervil Luistro na tanging ang mga complainant.
11:18At ang Vice Presidente bilang respondent lamang ang makakapaglatag na ebidensya sa pagdinig.
11:24At kung magsusumiti ng ebidensya si Dutente sa pamamagitan ng kanyang mga abogado,
11:29hihingin daw muna ang konsensus ng komite kung papayagan ito.
11:33May pagkakataon parao na dumalo ang Vice Presidente hanggat hindi natatapos ang mga pagdinig.
11:42Anim na dayuhan at isang Pilipino ang arestado sa klinik na gumagawa umuno ng hair transplant kahit hindi lisensyado ang
11:49doktor.
11:51Saksi, si John Consulta, exclusive.
11:57Katatapos lang ng hair transplant procedure sa isang pasyente nang pumasok ang reading team ng NBI Special Action Unit sa
12:04klinik na ito sa Makati City.
12:06Arestado ang anime Turkish national at isang Pilipinong receptionist.
12:10We received a report that this clinic is being operated by a foreign national posing as a doctor.
12:17Mga hindi mga lisensyadong doktor dito, walang permit to operate itong klaseng business kaya inuli natin ito.
12:25P220,000 ang singil kada pasyente para sa medical procedure na inaabot ng limang oras.
12:31Tumambad sa reading team ang mga gamot at anesthesia na ginagamit umuno sa hair transplant.
12:36Delikado ito kasi mayroong safety issues.
12:39Baka mamaya magkaroon ng mga infection.
12:41Hindi dapat nila ito ginawa ng walang katumbas ng mga permit or licenses to operate dito sa atin.
12:48Nakaharap ang mga inaresto sa reklamang paglabag sa RA-2382 o Medical Act at Philippine Pharmacy Act.
12:54Tumanggi magpa-unlock ng panayam ang mga dayuhan.
12:56Pero nangako silang kukompletuin ang kanilang permit para muling makapag-operate.
13:01Ingat tayo, alamin maigi kung sino yung inyong kausap kung talaga ba sila ay otorizado o may lisensya para gumawa
13:07ng mga procedures na ganito.
13:09Para sa GMA Integrated News, ako si John Consulta, ang inyong saksi.
13:17Makikipag-dayalog raw ang mga opisyal ng online gaming platform na Roblox sa mga opisyal ng Department of Information and
13:23Communications Technology.
13:25Kasunod po yan ang mga pagsusulong na ipagbawal ito sa bansa.
13:28At sa DICT, pupunta mismo sa bansa ang mga opisyal ng Roblox at tutugunan ang mga isyo gaya ng recruitment
13:35sa ilang mga student gamer na maghasik ng karahasan gamit ang laro.
13:41Dagdag pa ng DICT, meron na rin silang ginagawang warning system laban sa mga child predator na gumagamit ng laro.
13:52Nagka-areglo na ang siklista at ang rider na bumanga sa kanya sa kainta risa.
13:56Pero problema naman ngayon ng siklista ang nawawala niyang cellphone na tinangay, may iba pang rider.
14:04Saksi si Oscar Oida.
14:09Sugat at pasa sa iba't ibang parte ng katawan ang tinamon ng siklistang si Juan Miguel Simon matapos siyang banggain
14:18ng nakaalitang rider sa kainta risal.
14:21Matapos may palabas kagabi ang nahulikam na insidente, sumuho kanina sa tanggapan ni kainta Mayor Keith Nieto ang inahanap na
14:30rider.
14:31Paliwanag dito sa mga polis.
14:33Ayon sa kanya, kakaranas siya ng suliranin sa mga araw-uras na iyon.
14:38Kasi nga ayon sa kanya, sumasakit daw ang tiyan ng kanyang asawa.
14:42Kasi nga maglilabor na.
14:44At the same time, pinahabol niya yung out, nagpag-out sa kumpanya ng kanyang kuya na hihingian nga daw ng
14:52pera.
14:52Kaya sa mga time na iyon ay nagmamadali siya habang nagmamotor.
14:56Binusinahan niya, nabusinahan itong biktima at natumbok itong ating biktima.
15:02Nakaharap na rin ni Miguel ang rider at nakipag-areglo.
15:06Kaya tinanggap ko yun, yung areglo, dahil yung gastusin talaga, yun talaga yung important sa akin eh.
15:13Wala pa akong panggastus, paano yun, hindi mapapalitan yung bike ko.
15:17Yung ako lalo, hindi ako makapagpagamot.
15:19Pagka hindi ko siya nareglo, parang possible na makukulong siya ng isang araw, makakalahirin siya agad.
15:27Kasi meron siyang bail eh.
15:29Pinapasagot din ni Miguel ang nasira niyang bisikleta at nawawalang cellphone.
15:35Pero sa pagre-review ng mga polis sa kuha ng CCTV, di lang palabas na nawala ang cellphone ng biktima,
15:42kundi kinuha.
15:44Sa CCTV na ito, makikita ang isa pang rider na nakatambay sa lugar nang mangyari ang insidente.
15:52Pinulot nito ang cellphone ni Miguel at saka mabilis na ibinulsa bago sumibat.
15:58Hindi man lang siya lumapit.
16:00Ate, basta na lang pinulot yung mga gamit kasama na yung cellphone at saka tumulis.
16:05Isipin mo, ako na yung na-accidente talaga.
16:10Ako pa yung pinagnanghawan, imbis na tulungan nyo.
16:12Sa nakakuha ng cellphone ko, please pakibalik mo or surrender mo yan kasi importanteng bagay sa akin yan dahil halos
16:22lahat ng documents ko na doon.
16:24Halos lahat ng mga kailangan ko na doon sa cellphone.
16:28Kaya please pakibalik.
16:31Nakikipagugnayan na ang kaintapulis sa LTO para matuntun ang rider na dumampot ng cellphone.
16:37Para sa GM Integrated News, Oscar Oydang inyong saksi!
16:43May apat na klasifikasyon ng klima ng bansa na maaaring makatulong sa pagpaplano ng bakasyon o mga pupuntahan.
16:50Saksi, si Bernadette Reyes.
16:56Ngayong officially tag-init na, excited na ang maraming magpunta sa beach.
17:01Tulad ni Alessandra na gustong i-check sa kanyang bucket list ang burakay.
17:06Gusto ko po talagang makapunta ng burakay.
17:09Kasi never pa po ako nakapunta doon at gusto ko po ma-experience na makapunta po sa, syempre, white sand
17:15na pinong-pino po talaga yung buhangin.
17:17Pero hep-hep, hindi porke wala na ang amihan, mainit na sa buong bansa.
17:22Sa pagpaplano, dapat alam mo kung ano ang panahon sa pupuntahan depende sa apat na klasifikasyon ng klima sa bansa,
17:31base sa dami ng ulan.
17:33Sa mga gustong mag-beach ng walang ulan, pasok ang Climate Type 1 na umiiral sa Metro Manila pati sa
17:40ilang beach destination sa western seaboard tulad ng Pagudpud, Elio, Hundred Islands, Anawangin, Nasugbu at Laia.
17:48Ibig sabihin nito, nagsisimula yung mga pag-ulan ng Mayo at nagtatapos ito sa mga panahon ng September o Oktubre.
17:57Pwede rin sa Type 2 climate kung saan umuulan mula Nobyembre hanggang Marso dahil nakaharap sa Pacific Ocean tulad sa
18:05Bicol.
18:06Pasok din dyan ang ilang bahagi ng Quezon.
18:08Nag-plano po kami ng mga kapit-bahay na mag-rides kami sa Quezon province. Kasi may init yung panahon
18:19yun eh. Kailangan din mag-relax.
18:20Eh kamusta naman ang klima sa Boracay at Puerto Galera, pati Gimara, Siquijor at Cebu. Type 3 climate ang umiiral
18:29dyan. Wala talagang tag-init pero maulan mula Mayo hanggang Oktubre.
18:34Kaya Nobyembre pa lang, best time na magpunta sa beach doon at tatagal lang yan hanggang ngayong Abril.
18:41Para sa mga gustong magbindanaw, anytime is the best time dahil halos pare-pareho lang ang dami ng ulan dyan
18:48sa buong taon.
18:49Sa southern part, medyo na, kasi doon talaga nawawala yung northerly wind, yung hangin na nagdadala ng malamig na temperatura
18:59eh.
19:00So yun yung mga una talagang iinit din yung mga southern parts ng Pilipinas.
19:05May mga lugar ding all year naman ang lamig dahil sa taas ng lugar.
19:10Pwede sila pumunta sa Mount Inus Luzon, kabilang dito ang Cordillera, administrative region, at kung Mount Inus Mindanao naman, nandito
19:18yung mga samayibukad nun.
19:19Sa kabila ng pagsisimula ng panahon ng tag-init, ayon sa UP Institute of Environmental Science and Meteorology,
19:27maaaring may mga lugar na mas malamig pa rin sa pakiramdam kumpara sa kalapit na lugar.
19:32Halimbawa na lamang, mas presko dito sa UP Diliman kumpara sa Commonwealth Avenue.
19:38Ito ang tinatawag na microclimate.
19:41Sa Commonwealth, di ba, mga sahig, mga semento, mas mainit yan kaysa sa pag nasa loob ka ng UP Diliman
19:47nagja-jogging.
19:48For example, pwede rin naman na dito sa Metro Manila, iba yung climate natin dahil sa isang malaking city ito,
19:55kumpara sa mga nearby provinces like Bulacan or Cavite.
20:01Pwede rin naman na yung Western Luzon, iba yung climate sa Eastern Luzon.
20:06May puno, may natural na masisilungan.
20:09Tapos, so yung circulation ng hangin, mas maganda.
20:11Tapos in comparison sa maraming buildings, kahit saan ka pumunta,
20:15walang silong, walang masyadong tree.
20:18So, sobrang init kapag galing.
20:20So, yung shift ng init talaga hindi mo makokontrol.
20:24Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, ang inyong saksi.
20:29Nakahanda na po ang Divine Mercy Shrine sa Lake Cebu, South Cotabato
20:33para sa mga gustong pumasyal doon ngayong Semana Santa.
20:37Tampok dito ang magit-apat na pong talampakan na estatwa ng Divine Mercy.
20:42Habang umaakyat papunta roon sa salubong sa mga deboto
20:45ang mga makukulay na bulaklak at iba't-ibang imahen ng mga santo.
20:49May nakapalibot din mga crews para sa mga debotong na ismakiisa sa Stations of the Cross.
20:56Ayon sa pamunuan ng shrine, walang entrance fee rito,
20:59pero tumatanggap po sila ng donasyon para sa operasyon ng shrine.
21:05Hinahangaan po ang isang lolo sa Solana, Cagayan dahil sa pagpupusiging makapag-aral.
21:1177-anyos na ang grade 12 student na si Mario Resurrection.
21:17At kumukuha ng Agri-Fishery Arts sa ilalim ng Technical Vocational Livelihood Track.
21:23Nakatakda ang kanyang pagtatapos sa susunod na linggo.
21:26Naniniwala rao si Lolo Mario na sandigan ng bansa ang agrikultura.
21:31At pangarap niya rao ituloy ang pag-aaral sa kolehyo
21:34para makakuha ng Bachelor of Science in Agriculture Engineering.
21:38Patunay si Lolo Mario na age is just a number
21:41kung kursigidong magkamit ng success!
21:49Naipon ang mga pasahero sa ilang istasyon na magkaberya ang MRT 3
21:53pasado alas 7 ngayong gabi.
21:55Nagkaroon ng mahabang pila sa Shaw Boulevard at Ortigas Stations.
21:59Paliwanag ng pamunuan ng MRT 3,
22:01nagkaroon ng technical issues sa pagitan ng Taft at Magallanes Stations.
22:06Humingi po sila ng paumanhin sa mga pasahero.
22:09Alas 8.30 ng gabi nang bumalik sa normal ang operasyon ng MRT.
22:17A for effort ang dalawang guro sa kanika nilang paksyong pagtuturo.
22:21Ang isang college instructor gumagamit pa ng kakaibang paggalaw sa kanyang mga presentation pati sa mga meme.
22:27Ating saksihan.
22:33Sinong hindi gaganahan kung ganito ang college instructor mo?
22:38Wow!
22:40Very visual ang leksyon.
22:43Atin magiging layunin na yung alaw.
22:45Wow!
22:48At kakaiba ang mga patransisyon.
22:50Kasi ko contextualize natin ito sa usapin mga saling.
22:53Inner energy kung mag-demo si Teacher Aaron.
22:57Malupit yung paano na.
22:58Pagpaano na lang ganun o.
23:00Ano?
23:01Ay!
23:04Gumagamit ng lingwaheng in sa kabataan.
23:07Doon na mugsak at namakay si Pansin na.
23:10Deserve?
23:11Deserve.
23:11Hindi na uubusan ang mga paandap.
23:15Next one.
23:18At ginagawa pang meme ang sarili.
23:21Nagsisingit pa nga ng quotable quotes.
23:24Last tandaan nyo, kayo gumagawa ng grade yung taga-encode lang kami.
23:30Finally nasabi ko na.
23:32At mga pangaral na matagal nang sinasabi ng mga guru.
23:36Bakit ay link?
23:37Last manage your time.
23:39Kami nga nung araw.
23:44May jokes pa.
23:45Ako na lang din po ang magbigay ng notes sa iko.
23:47Wag na po kayo mag-take ng notes.
23:50Anyway.
23:52At kung may outfit check,
23:54yak, papasa si Teacher sa pagkamalikain
23:57at pagkakabit ng mga anik-anik.
24:00Tatlong taon nang nagtuturo ng Gender Society at Philippine History sa kolehyo si Teacher Aaron.
24:05Anya, seryoso siya sa pagtuturo.
24:08Pero humahanap ng sari-saring paraan para magaan ang pagkatuto ng mga estudyante at makuha ang kanilang atensyon.
24:15Marami salamat isang mag-saysayang pwede buwan ko sa atin.
24:23Ito pa ang isang slaying, si Teacher Bajot.
24:27Ang third contact is pumalo.
24:30At pagpalo, stairback.
24:34Masigasing mag-demo ng sports sa senior high school students.
24:38Kaya dati gumago yung gano'n pa kami, oh.
24:42Meron pa yun yung pinagagagawa.
24:46Para madali nilang masundan.
24:49Pugay!
24:50Handa!
24:51Handa sa paglaban!
24:52Hindi ganon ha!
24:56Ano man ang teknik sa pagtuturo, hindi maikakaila na deserve ng saludo ang effort ng mga guro.
25:03Para si GMA Integrated News, ako si Katrina Son, ang inyong saksi.
25:11Salamat po sa inyong pagsaksi.
25:13Ako po si Pia Arcangel.
25:15Para sa mas malaki misyon at sa mas malawak ng pagdilingkod sa bayan.
25:19Mula po sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipinas.
25:23Hanggang bukas, sama-sama po tayong magiging saksi!
25:31Mga kapuso, maging una sa saksi.
25:33Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
25:39Mga kapuso, maging una sa saksi.
25:42Mga kapuso, maging una sa saksi.
Comments