Skip to playerSkip to main content
Isiniwalat ng dati umanong civilian intelligence agent ng mag-amang dating pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte na inutusan siya ng mga tauhan ng OVP na maghatid ng milyun-milyong pisong pera sa iba't ibang personalidad.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isiniwalat ng dati umanong civilian intelligence agent ng magamang dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte
00:09na inutusan siya ng mga tauhan ng OVP na maghatid ng milyong-milyong pisong pera sa iba't-ibang personalidad.
00:19Ang detaly ng sinumpaan niyang salaysay sa pagtutok ni Maris Umali.
00:23Sa limang pahin ng affidavit na pirmado nitong November 29, 2025, sinabi ni Ramil Madriaga kung gaano sila kalapit kay dating Pangulong Duterte at sa anak nitong si Vice President Sara Duterte.
00:40Nagtrabaho raw siya sa magama bilang civilian intelligence agent at naging tagahatid daw ni Vice President Sara ng milyong-milyong pisong cash para sa iba't-ibang tao sa iba't-ibang lugar.
00:50Nakakausap raw niya noon ang direkta ang magama sa telepono at ang utos daw diretsyo rin sa kanya.
00:57Sa salaysay na notaryado, sinabi ni Madriaga na inutusan daw siya ni na Colonel Dennis Nolasco at Colonel Raymond Lachica
01:04na mga tauhan o ano ng OVP na maghatid ng mga duffel bag na may 33-35 million pesos cash bawat isa.
01:12May hinatid din daw itong cash sa isang mayor ng Laguna sa isang bahay sa Novaliches, Quezon City, sa Office of the Ombudsman.
01:19Sa isang comedy bar sa Quezon City kung saan nakita niya ang spokesman noon ni Vice President Sara na si Atty. Reynaldo Monsayac
01:27na sumenyas daw sa kanyang dalihin ang pera sa taas.
01:30Nakausap namin ang abugado ni Madriaga na si Atty. Raymond Palad.
01:34Sabi niya bago raw na buo ang affidavit, ibinigay ni Madriaga kay Palad ang sulat kamay na salaysay
01:39ng tanungin kung paano nalaman ni Madriaga ang halaga ng pera na inahatid niya.
01:44Hindi niya madescribe yung itsura pero sabi niya isang duffel bag na pwede ka magpasok ng tao sa laki.
01:50Na sabi niya pag punong-puno daw yun, kaya maglaba ng mga 35 million yun.
01:54Sabi ko baka gumalam yung laman, eh Atty. Sanay na ako magdeliver ng pera.
01:58Binubuksan ko minsan yan.
02:00Kaya tansyado ko na yung laman yan kung 30, kung 35, at tansy ako na yan.
02:04Sa isang pahayag sinabi ni Atty. Reynaldo Monsayac na ang gawagawang kwento ni Madriaga,
02:08katawa-tawa at hindi raw kapanipaniwala. Polluted source daw si Madriaga.
02:14Hindi raw niya ito kilala at walang ugnayan sa isa't isa.
02:18Itinanggi rin ni Philippine Army Col. La Chica na kilala niya, personal o professional si Madriaga.
02:23Hindi raw totoo ang sinasabi nito at handa siyang magbigay linaw sa anumang investigasyon.
02:28Sa litratong ito, pinakita ni Madriaga ang regalo raw sa kanya ni dating Pangulong Duterte.
02:33Kung ganito siya ka-close sa mag-amang Duterte, bakit siya bumabaliktad ngayon?
02:37Sabi ng abogado ni Madriaga, minsan humingi ng tulong si Madriaga kay Sara Duterte sa kaso niya.
02:43Pero di raw natulungan.
02:45Pinisita pa nga raw si Madriaga ni Vice President Sara sa Camp Bagong Diwa,
02:49kung saan ito nakakulong dahil sa kasong kidnapping for ransom.
02:52Sakali man daw nasampahang muli ng impeachment complaint si Vice President Sara sa February 2026,
02:58pwede rin daw gamitin ang affidavit ng kliyente.
03:00Sa Pebrero, matatapos na ang one-year ban para sa pagsampa ng impeachment complaint laban sa Vice Presidente.
03:07Ayon sa abogado ni Madriaga, ay pinanotaryo nito ang salaysay para ma-i-sumite sa Ombudsman
03:13at na masimulan na raw ang fact-finding investigation.
03:16Inihayag din ni Madriaga na maghahain pa siya ng panibagong affidavit kaugnay umano sa OVP
03:22sa asawa ni Vice President Sara at ilang pang mga opisyal na sangkot umano
03:26sa pamamahagi at paghatid ng pera at mga kaugnay na usapin.
03:30Sinusubukan pa namin makuha ang mga pahayag kaugnay nito
03:33ni nadating Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Sara Duterte
03:37at iba pang mga nabanggit sa affidavit ni Madriaga.
03:41Para sa GM Integrated News, Mariz Umali na Katutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended