00:00Sinabi ni U.S. President Donald Trump na kasunod ng kanyang state visit sa Amerika na raw bibili ang Pilipinas
00:07ng isandang porsyento ng ating produktong pangagrikultura at maging ng langis.
00:12Pero si Pangulong Bongbong Marcos, iba ang sinasabi. Nakatutok si Jonathan Andal.
00:21Matapos magpulong ni na Pangulong Bongbong Marcos at U.S. President Donald Trump sa Malacanang noong Merkules, inanunsyo ngayon ni
00:28Trump na pumayag daw ang Pilipinas na i-import o iangkat sa Amerika ang 100% o lahat ng kailangan
00:36ng Pilipinas na produkto sa agrikultura pati na raw sa enerhiya gaya ng langis.
00:41Prime Minister Marcos is a very good man, by the way. Great family. But I said, where do you buy
00:49your energy? Should we buy from the Middle East? I said, not anymore you don't. You're gonna buy 100%
00:54of your energy from us? Yes, sir.
00:56So, they're gonna buy 100% of their agricultural products from the United States of America. And if they don't,
01:03then they have problems. And they're gonna buy 100% of their energy from us, not from the Middle East.
01:10Isinangkalan pa raw ni Trump kay Marcos ang proteksyon ng Amerika sa Pilipinas laban sa China.
01:16And the Philippines, as you know, we're buying a lot of their farm product from other countries, including Brazil, much
01:25more than from us. You know, we support these countries, but they don't buy from us.
01:30So, I said, you are gonna buy 100% of your farm product from the, not 90, not 95. Is
01:40Brazil gonna help them in case they get into a little skirmish with China?
01:44I said, if China attacks you, is the Middle East gonna come to your rescue? No, sir. Well, that's good.
01:50Don't buy from them anymore.
01:51Pero ng mga kapanayam ng media si Pangulong Bongbong Marcos, bago umuwi galing China kahapon, wala siyang sinabing sa Amerika
01:58na lang mag-aangkat ang Pilipinas ng lahat ng kailangan ito sa agrikultura at enerhiya.
02:03Ang gusto nga raw ng Pilipinas, magkaroon ng mas maraming supplier ng basic commodities.
02:08The way I put it is that if you're standing on one foot, sa isa ka lang umaasa, madaling magkaproblema.
02:18Pag marami kang naaasahan, kahit magkaproblema ng isa, pwede ka pang tumakbo doon sa mga iba.
02:24And that's why the trade deal is important.
02:28Ang sabi lang ng Pangulo, binuksan na ng Amerika sa Pilipinas ang merkado nito sa enerhiya at pagkain.
02:34Hindi tayo bumibili sa kanila noon. Ngayon, binuksan na para sa atin na pwede tayong bumili doon sa kanila.
02:41Mga soybean, kahit nag-uusap sila tungkol sa rice eh. Pero ayawang ko kung meron silang rice.
02:50But soybean, some wheat, etc. to counteract also the laws of trade with Ukraine and Russia.
02:57Sabi ni Marcos, wala pang detali ang pagbili ng Pilipinas sa Amerika ng pagkain at enerhiya.
03:02Tinatrabaho pa lang ito ng kanyang gabinete.
03:04Sabi rin sa GMA News ni Energy Secretary Sharon Garin, patuloy ang negosasyon sa pag-aangkat ng Pilipinas ng enerhiya
03:11sa Amerika.
03:12Papayag daw ang Pilipinas sa kasunduang makikinabang talaga ang bansa at ang bawat Pilipino.
03:17Sabi ng Department of Agriculture, Brazil ang isa sa pangunahing pinagkukuna ng Pilipinas ng imported na karne,
03:23gaya ng baboy, manok at baka, na ginagamit sa paggawa ng corned beef.
03:28Sa pagbisita sa Maynila ni Brazilian President Lula da Silva para sa ASEAN Summit,
03:33nagkasundo ang Pilipinas at Brazil na palalakasin ang ugnayan sa agrikultura at livestock.
03:39I said, here's the deal. You buy 100% of your agriculture from January 1st from our farmers.
03:45Pero ayon sa ekonomistang si Dr. Rolano Briones, malabong mangyari yan.
03:49We have one and a half months to reconfigure all of those purchase orders and all of those cargo shipments.
04:00No, absolutely tataas ang mga presyo kung pa-persahin.
04:04Dagdag ni Briones, dapat maraming pinagkukuna ng suplay ang Pilipinas at hindi lang isang bansa.
04:10That's the whole idea of a world trading system.
04:15You want to make deals with as many countries as possible na mag-open up ng mga markets.
04:21So, ganitong klaseng exclusivist deal na this is smacks of the old free trade deals.
04:29Nung hindi pa tayo, wala pa tayong kasaringlan.
04:32Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.