Skip to playerSkip to main content
-Katawan ng nawalang ginang, natagpuang nakabaon sa lupa sa compound ng kanilang bahay sa Brgy. Balibago

-PAGASA: Posibleng tumagal hanggang Marso ang Amihan Season; asahan ang panibagong "surge" ngayong Pebrero

-Lalaki, patay matapos masagasaan ng bus sa Brgy. Ibabang Dupay; driver, arestado

-3 suspek sa pamamaril at pagpatay sa isang lalaking nagbibisikleta noong November 2025, arestado

-Drone show at fireworks display, ibinida sa pagsalubong sa Year of the Fire Horse

-PBBM at Vice President Sara Duterte, nakikiisa sa pagdiriwang ng Chinese New Year

-Tangkang pagnakaw ng kable sa isang parking area, nabulilyaso nang kumislap ang kable

-Lalaking nangholdap umano at nanaksak ng kanyang biktima, arestado; suspek, aminado sa pananaksak pero itinanggi ang pagnanakaw

-Cast ng "Born to Shine," nagpasaya ng fans sa kanilang mall show


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, matapos ang apat na araw, natagpuan na ang ginang na naiulat na nawala sa Angeles, Pampanga.
00:08Bankay na siya ng makita, nakabaon sa lupa sa compound mismo ng bahay nila.
00:13Balitang natin ni James Agustin.
00:18Nakabaon sa lupa sa compound ng kanyang bahay sa Angeles City, Pampanga, ng matagpuan ng mga otoridad.
00:23Alas 5 ng hapon kahapon ang bankay ni Maria Teresa Tesmama.
00:27Na apat na araw nang napaulat na nawawala.
00:30Siya ang byuda ng dating kapitan ng barangay Balibago.
00:33Kinilangang magukay ng soko na humigit kumulang limang talampakan bago tuluyang nakuha ang bankay.
00:38Inabot sila na mahigit apat na oras.
00:41Ayon sa polisya, nadiskobre ang kahinahinalang hukay sa gilid ng mga kulungan ng baboy.
00:45Nung ating itong tinignan ay lumabas yung paanong biktima.
00:51So yun, itong patawag na tayo ng soko at ipinases na ito ng soko hanggang sa ito ay maukay at
00:59maihahaw na doon sa libingan.
01:02At positibo ang kinilala ng ating taliang mga kamag-anak at mga anak ng biktima.
01:08Sabi ng polisya sa lalim ng hukay, posibleng nakahandaan na raw ito bago pa isinagawa ng sospek ang krimi.
01:14Base sa aming investigasyon, ito ang pinaghandaan sapagkat hindi kayang gawin ito ng ganong kamilis lang.
01:22Kaninang madaling araw, isinailalim na sa otopsy ang bankay ng biktima para matukoy ang sanhin ng kanyang pagkamatay.
01:29Ayon sa source ng Gemma Integrated News, nakitaan ng sugat sa ulo ang biktima na posibleng raw mula sa matigas
01:36na bagay.
01:37Hinihintay pa ang resulta ng otopsy.
01:39February 12 ng mapaulat na nawawala ang biktima.
01:42Sa kuha ng CCTV sa compound ng kanilang bahay, makikita ang isang lalaki na lumabas bandang alas 7.20 ng
01:48gabi.
01:49Tinukoy ng mga kaanak ang lalaki na driver nila ng mahigit 20 taon.
01:54Bumalik din siya sa loob maya-maya.
01:56Matapos ang ilang minuto, dumaan ang puting sasakyan ng biktima.
02:03Alas 7.30 maririnig sa CCTV ang sigaw ng isang babae sa loob ng bahay na pinaniniwalaang sa biktima.
02:10Pagsapit ng alas 8.30 ng gabi, makikita ang puting sasakyan na palabas ng compound.
02:16February 14 ang matagpong abandonado ang sasakyan at nakaparada sa Magalang Municipal Plaza.
02:22Isinailalim na ito sa forensic examination.
02:25Sa paunang imisigasyon ng polisya, may nakita silang bakas ng dugo sa pader, wheelbarrow, washing machine at gripo sa compound.
02:32Ang lalaking driver hindi na nakita at nakontak ng mga kaanak ng biktima.
02:36Simula noong February 12, ayon sa polisya, itinuturing na person of interest ang driver.
02:41Basi ho sa mga istigo, siya ho yung huling nakitang kasama at siya yung huling nakitang nagmanay ho nung sasakyan.
02:51Sa ngayon ay ini-establish pa natin kung ano yung posibleng motibo kung bakit nagawaan ang ating suspect sa biktima.
03:01Nagkasan ang manhunt operasyon ng polisya para matuntun ang driver.
03:04Sa isang pahayag, maring kinondina ni Pampanga First District Representative Carmelo Lazatin Jr. ang pagpatay kay Mama.
03:12Nagalok din siya ng 200,000 pisong pabuya sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon sa kung sino ang pumatay sa
03:18biktima.
03:19Kumuha na ng DNA sample ng polisya mula sa bangkay ng biktima para i-crossmatch sa mga bakas ng dugo
03:25na nakita sa ilang bahagi ng compound at maging sasasakyan ng biktima.
03:29Inalam pa ng polisya ang motibo sa krimen.
03:31James Agustin, nagbabalita para sa Gem Integrated News.
04:11Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, malaking bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila ang magkakaroon ng maayos
04:18na panahon sa mga susunod na oras.
04:21Uuunan niya naman ang ilang bahagi ng Northern at Central Luzon, Quezon Province, Mindoro, Bicol Region, Visayas at Mindanao.
04:30Ito ang GMA Regional TV News.
04:36Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
04:40Patay ang isang lalaki matapos masagasaan ng bus sa Lucena, Quezon.
04:45Chris, ano ang latest sa investigation?
04:50Connie, ayon sa pulisya, biglaro tumawid sa kalsada sa barangay Ibabang Dupay ang biktima.
04:55Basta sa investigasyon, hindi agad nakapreno ang bus driver kaya nasagasaan ng biktima na pumailalim din sa sasakyan.
05:04Hindi sa pedestrian lane tumawid ng lalaki.
05:07Dead on the spot siya dahil sa mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan.
05:11Inaresto ng pulisya ang bus driver na naharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide.
05:17Walang pahayag ang driver ng bus.
05:20Gayun din ang pamilya ng biktima.
05:23Matapos naman ang magigit sa dalawang buwan,
05:25naaresto na ang tatlong sospek sa pamamaril sa isang nagbibisikletang lalaki sa Kabanatuan, Nueva Ecija.
05:32Unang naaresto ang mismong gunman sa krimen sa General Natividad, Nueva Ecija.
05:38Kasunod naman ang pag-aresto sa dalawa pang sospek sa tulong ng mga CCTV footage.
05:43Ang isa sa kanila mismong bayaw ng biktimang nasawi.
05:47Paliwanag na isa sa mga sospek pumunta sa kanyang bahay ang gunman para doon itago ang baril na ginamit sa
05:53krimen.
05:54Na nangyari noong Nobyembre, sinusubukan pang kunan ang pahayag ang dalawang iba pang naaresto.
06:01Ang grande at makulay ang pagsalubong sa Year of the Fire Horse sa Maynila.
06:07Bukod po sa magarbong fireworks, nasaksihan din ng mga taga-binondo at ng mga turista ang drone and light show.
06:14Balitang hatin ni Bam Alegre.
06:21Sabay-sabay umangat ang mga drone bago ang hating gabi para sa pagsalubong sa Chinese New Year sa Maynila.
06:26Naging maningning ang drone and light show habang muubuo ng iba't ibang hoogies.
06:31Gaya ng mala-billboard na logo ng lungsod ng Maynila at ang Year of the Horse ngayon, 2026.
06:42Pag hudyat na aras 12 na kating gabi, nagliwanag ang paligid sa makulay at maingin na community fireworks display.
06:49Tanaw na tanaw ang mga pailaw mula sa mga tulay ng ilog paasig sa Chinatown.
06:52Sobrang ganda po. Sobrang ano. Ganyan lang kasi ako lang kapunta dyan.
06:57Kaya sobrang ganda ng mga fireworks nila na paputok.
07:01Sobrang saya, sobrang saya.
07:03Inabangan po talaga namin.
07:05After work, dumiretsyo na po kami.
07:07Taunang tradisyon ng mag-asawang si Paolo at Aya Ong na salubungin ang Chinese New Year sa Binondo.
07:12Bumiyahe pa sila mula sa San Jose del Monte, Bulacan para sa perfect attendance.
07:16Yearly ginagawa namin ito kasi yung husband ko is Chinese po. May blood siya ng Chinese.
07:21And we drove here all the way from Bulacan.
07:25Just to witness the fireworks and yung ano nga po, drone.
07:30And then tomorrow na dito rin kami ulit eh.
07:32Ang dami talaga tao. Usually ganun man talaga, yearly ganun man talaga.
07:35Baaga pa lang, nagtipon na ang mga tao sa Jones Bridge at magingin sa Pasig River Esplanade
07:39para salubungin ang Chinese New Year.
07:41Para tiyakin ang kaligtasan sa lugar, nakabantay ang pulis siya.
07:44Matapos ang fireworks display na natiling bukas ang mga ilaw ng Binondo sa Magdamag.
07:48May ilang 24 oras din nagtindaan ng mga pampaswerte tulad ng mga Lucky, Palay at Piña na ting 50 pesos.
07:55Maliliit na pampaswerte ang panamutin na 3 for 100 pesos.
07:59Malalaking pasabit na mulang 300 pesos.
08:02At prosperity basket na 700 pesos.
08:04Mabibili rin ang tikoy mula 75 hanggang 200 pesos, depende sa size.
08:09Sa matagumpay ng pagsalubong sa Chinese New Year, kapayapaan.
08:12Ang naging panawagan ni Manila City Mayor Isco Moreno.
08:15Happy New Year po sa inyong lahat.
08:18Ang wish ko, kanina nasabi ko na, I hope we'll find the peace.
08:25Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:31Nakikisa si na Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte sa pagdiriwang ng Chinese New Year.
08:38Ayon sa Pangulo, ang horse ay simbolo ng pag-usad at katapangan.
08:41Habang ang fire element naman ay sumisimbolo sa isang kislap o spark na ayaw manatili sa karaniwa nitong bilis.
08:49Ngayong Year of the Fire Horse, nanawagan ng Pangulo sa lahat ng Pilipino na umusad ng may direksyon.
08:54Anya, hindi lang basta nadadaan sa bilis ang mga resultang gusto nating makamit.
08:59Dapat din daw patuloy na isulong ang patas na oportunidad,
09:02maayos na servisyo publiko,
09:04at mas masisiglang komunidad kung saan hindi na pag-iiwanan ang mga nasa vulnerable sector.
09:11Hinihikayat naman ni Vice President Sara Duterte ang mga Pilipino na mas maging matapang sa pagharap sa bagong taon.
09:17Ito rin daw ang pagkakataon para muling pasiglahin ang bayanihan at maging bukas sa mga bagong posibilidad.
09:27Huli ka ang Santipolo Rizal.
09:29Ang pagputul sana ng lalaking yan sa kablo ng kuryente sa isang parking area sa Mambugan.
09:34Maya-maya, kumislap ito.
09:37Nabitawan ng lalaki ang kablo at pliers at umalis.
09:40Ayon sa video uploader, cutter pliers ang gamit ng lalaki.
09:44Tila na kuryente raw ang lalaki ng kumislap ang kablo at nabitiwan ng pliers.
09:47Hindi na raw bumalik ang lalaki sa lugar.
09:50Tumanggi magbigay ng panayam ang barangay kaugnay sa insidente.
09:54Naiulat na rin sa pulis siya ang nangyari.
09:59Sa bubong naman, nahuli ang isang lalaking ng hold-up umano at nanaksak ng kanyang biktima sa Santipolo Rizal.
10:06Aminado ang suspect na nagawang saksakin ang biktima dahil sa galit.
10:11Balitang hatid ni EJ Gomez.
10:15Ito yung suspect ng panghold-up at pananaksak.
10:19Sa bubong ng bahay, natagpuan at nahuli ng mga otoridad,
10:23ang lalaking itinuturong suspect sa panghold-up at pagnanakaw sa barangay San Isidro, Antipolo City.
10:29Pinagtulong ang ibaba ng mga tanod, ang nakaposas na 29-anyos na suspect.
10:38Ayon sa barangay, umaga nitong linggo nangyari ang panghold-up umano sa 34-anyos na lalaking biktima
10:45na nasaksak pa sa liig matapos siyang nakawan ng sospek.
10:49Naglalaad lang po ang mga umaga po nun.
10:51Hindi ko alam po saan ang galit.
10:52Nagmumula yung galit niya.
10:53Kaya na po bigla niya lang po ang sinaksak mga oras na yun.
10:56Nagpabantahan niya na lang po ako tapos gusto niya akong patayin.
10:58Tapos yung gamit ko po nalaglag.
10:59Kaya kinuha niya rin po.
11:01Cellphone po.
11:02Personal na kilala po ng biktima yung sospek po.
11:06Tapos po, yun po.
11:07Nung siya po ay inabangan, tinutukan, actually nasaksak po sa liig,
11:13nai-report po niya agad dito sa, nakuha po yung cell phone,
11:16nai-report po agad dito sa barangay at agresibo po ang ating mga tanod.
11:19Talagang, hindi po talaga nila tinantana ng at hindi po nila mahuli.
11:23Aminado ang sospek na si Alias Baloloy sa pananaksak.
11:26Sa biktimang madalas ani ang makituloy sa kanilang bahay.
11:30Nagawa raw niya yun dahil sa galit.
11:32Itinanggi naman niya ang paratang na pagnanakaw.
11:36Napuno na po kasi ako eh.
11:37Nag-away po kami nun.
11:40Tapos, ano, lagi kasi ako kinukuha na ng gamit sa bahay.
11:44Kaya ginanong ko.
11:46Sinaksa ko po sa liig.
11:48Tulad ng mga power bank, mga damit.
11:50Wala na ako hilo, kukuha na pa ako.
11:52Tapos cellphone ko, kinuha rin.
11:53Sa records ng polisya,
11:55dati nang naaristo ang sospek dahil sa mga insidente
11:58ng akyat bahay, pagnanakaw
12:01at pangu-hold up umano sa Antipolo City.
12:03Sa custodial facility ng Antipolo Component City Police Station
12:07na kaditay ng sospek na nahaharap sa reklamong robbery.
12:12EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:21Happy Tuesday, mga mari at pare.
12:23Shining performances ang ipinamalas ng cast
12:26ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Born to Shine
12:31sa kanilang mall show sa Malabon.
12:34Present, si Stephanie.
12:35Nakinanta ang theme song ng serye.
12:38May solo performances din mula sa iba pang cast
12:41tulad ni Migs Quaderno.
12:42At aabang ang girl group sa serye na binuboon ni na Olive May,
12:46Chloe Redondo, Angelica Santiago at Alia De Gracia.
12:50Naroon din si Rosel Nava na thankful
12:53sa kanyang pagbabalik sa acting.
12:55Bukod sa performances,
12:56nag-enjoy rin ang audience sa games.
12:59Mapapanood ang Born to Shine
13:01soon sa GMA.
13:05Nagpasaya rin ng fans ang cast
13:07ng Afternoon Drama series na House of Lies
13:10sa isang mall sa Quezon City.
13:12Mainit na sinalubong dyan
13:14si na Cocoay De Santos,
13:15Martin Del Rosario,
13:17G-Can Las,
13:18Chris Bernal at Beauty Gonzalez.
13:21Kwento ng cast,
13:22dapat pang-abangan ang mga susunod pang
13:24salpukan at batuhan
13:27ng iconic line sa serye.
13:30Mapapanood ang House of Lies
13:31Monday to Friday,
13:323.20pm
13:33sa GMA Afternoon Pride.
Comments

Recommended