- 2 days ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Narito ang mga balitang ating sinaksihan ngayong Lunes Jan. 19 2026.
- Dating Sen. Bong Revilla, sumuko sa CIDG
- Dating DPWH-Bulacan Assistant Engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, nasa NBI na matapos arestuhin sa Senado
- 337 sa 416 suspected ghost projects ang may maling coordinates, ayon sa DPWH
- Malacanang: Walang basehan ang impeachment complaint laban sa pangulo
- Mahigit 400 pamilya, nasunugan; 5 sugatan
- Curlee Discaya, itinuro ng 2 testigo sa senado na siyang nagpangalan umano kay Ex-Speaker romualdez bilang bagong may-ari ng isang property sa South Forbes Park
- 39 patay, 122 sugatan matapos madiskaril ang isang high-speed train at bumangga sa isa pang tren
- Marian Rivera, kinagiliwan ang paghataw habang nasa float sa Sinulog Festival
- Mga lechon, binihisan ng mga makukulay na damit para sa Lechon Festival
- OOTD ng isang nanay sa Davao City, nagiging makulay sa mga zumba event
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Dating Sen. Bong Revilla, sumuko sa CIDG
- Dating DPWH-Bulacan Assistant Engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, nasa NBI na matapos arestuhin sa Senado
- 337 sa 416 suspected ghost projects ang may maling coordinates, ayon sa DPWH
- Malacanang: Walang basehan ang impeachment complaint laban sa pangulo
- Mahigit 400 pamilya, nasunugan; 5 sugatan
- Curlee Discaya, itinuro ng 2 testigo sa senado na siyang nagpangalan umano kay Ex-Speaker romualdez bilang bagong may-ari ng isang property sa South Forbes Park
- 39 patay, 122 sugatan matapos madiskaril ang isang high-speed train at bumangga sa isa pang tren
- Marian Rivera, kinagiliwan ang paghataw habang nasa float sa Sinulog Festival
- Mga lechon, binihisan ng mga makukulay na damit para sa Lechon Festival
- OOTD ng isang nanay sa Davao City, nagiging makulay sa mga zumba event
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Pia, nandito nga tayo sa labas nitong Crime Investigation and Detection Group o CIDJ Headquarters sa Camp Crame sa Quezon City kung saan nandito nga si dating Sen. Bong Revilla kasunod nang inilabas ng 3rd Division Sandigan Bayan na arrest warrant laban sa kanya.
00:539.57pm kanina nang namataan natin ang pagdating ni Revilla dito sa PNPC IDJ Headquarters.
01:02Kasama niya ang kanyang kabiyak na si Cavitee 2nd District Representative Lani Mercado at dalawang anak na si Cavitee 1st District Representative Jolo at Aguimat Partilist Representative Brian.
01:13Sa isang Facebook Live ngayong gabi, nanawagan si dating Sen. Bong Revilla ng panalangin para sa kanya at para sa kanyang pamilya.
01:22Sinabi niya ito sa isang Facebook Live video pasado alas 9 ng gabi. Aniya, parang walang due process.
01:29Dagdag ni Revilla, haharapin niya ang kanyang kaso ng walang takot.
01:34Dagdag niya ang kanyang kaso ngayon.
02:04Ang mga kasong graft at malversation through falsification of public documents laban kinadating Sen. Bong Revilla at 6 na iba pa kaugnay sa umanoy 92.8 million peso ghost flood control project sa Pandi Bulacan.
02:18Kaninang umaga, iniraffle ang mga kaso sa Korte.
02:214th Division ang hahawak ng kasong graft sa pamumuno ni Justice Michael Frederick Musngi ang malversation case na walang inirekomendang piyansa na irapos sa 3rd Division kung saan Sherman si Justice Carl Miranda.
02:34At bago mag-alas 6 ng gabi, nag-utos ng maglabas ng arestwaran ang Sandigan Bayan 3rd Division.
02:41Natukoy na may probable cause para ipa-aresto si dating Sen. Revilla at mga dating opisyal at kawani ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office na sina Bryce Hernandez,
02:52JP Mendoza, RJ Dumasig, Emelita Huat, Juanito Mendoza at Christine Pineda.
02:58Naglabas na rin ang Hall Departure Order laban sa Pito.
03:01Sa kasong inihain ng ombudsman, inakusahan sila ng pagsasabwatan para ilabas ang pondo para pampagawa ng flood control project sa Purok 5, Barangay Bonsuran sa Pandi.
03:11Pero, nang inspeksyon niya ng lugar, wala namang naitayong proyekto.
03:15Ayon sa ombudsman, para mailabas ang kabuang project cost, nagpalsipika umano ng mga accomplishment report at nag-issue ng mga peking billing document.
03:23Sa mga testimonya ni dating DPWH USEC Roberto Bernardo, isa si Revilla sa mga idimi-ina sa isyo ng kickback sa mga flood control project.
03:332024 nang magtagpo umano sila ni Revilla kung saan ibinigay umano ni Bernardo kay Revilla ang listahan ng mga proyekto mula kay dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara.
03:4525% umano ang napag-usapang commitment para sa nooy senador.
03:49Noong Nobyembre, isinalaysay ni Bernardo sa Senado kung paano niya inihatid ang 125 million pesos sa bahay ni Revilla sa Cavite.
03:59After receipt of the 25% commitment, which were packed in six cardboard boxes, each containing at least 20 million, and one paper bag containing 5 million,
04:08I called up Sen. Revilla to inform him the same he's ready to be turned over to him.
04:12Sometime December 2024, probably the Monday after my receipt of the commitment, my driver and I went to the residence of Sen. Revilla.
04:21I saw Sen. Revilla at the terrace.
04:23I walked over to Sen. Revilla for a casual talk.
04:26While the boxes were being unloaded, Sen. Revilla and I talked for about 20 to 25 minutes.
04:32Mariing itinanggi ni Revilla ang mga akusasyon noon.
04:35Tinawag pa ito ng kanyang kampo na political persecution.
04:38Imbento raw ang mga aligasyon na intensyong sirain ang reputasyon ni Revilla at ilihis ang atensyon ng publiko sa totoong may sala.
04:46Sinisika pa namin makuha ang panig ng mga akusado kaugnay ng arestwara at HDO laban sa kanila.
04:53Pia, ilang minuto kasunod ng pagdating ni dating Sen. Revilla dito sa Camp Crame ay lumabas yung ilang mataas na opisyal ng PNP.
05:07Kabilang dyan, si Acting PNP Chief, Police Lieutenant General Jose Melencio Nartates Jr.
05:12At kinumpirma nga niya sa atin na sumurender o sumuko daw ang dating Senador.
05:17Samantala, sa mga oras na ito, nakastandby tayo sa mga susunod na kaganapan at mahigpit yung siguridad dito.
05:23Ilang media lang yung nakapasok dito sa may harap nitong PNP-CIDG headquarters.
05:29At sa mga oras na ito ay may barikada na at mas nadagdagan yung mga nakadeploy na police.
05:34Yan mula ang latest mula rito sa Quezon City.
05:38EJ Gomez, ang inyong saksi.
05:39EJ, meron ba tayong balita o impormasyon sa ngayon kung dyan nga ba magpapalipas ng gabi si Sen. Bong Revilla sa kustodiyan ng CIDG o ililipat ba siya sa ibang lugar?
05:55Wala pang nabanggit dyan si Acting PNP Chief kanina.
05:58Pero may binanggit siya na sa mga susunod na oras ay mangyayari yung mga typical na proseso dun sa mga naaaresto.
06:08So, babasahan ng kanyang Miranda rights, karapatan at yung ilang pang steps.
06:12So, posible na dito siya manatili pero yan pa yung ikukumpirwa natin sa mga kausap natin na membro o opisyal ng PNP-CIDG.
06:22At EJ, bukod sa kanyang asawa at anak, may iba pa bang kasama?
06:27Si Sen. Bong Revilla mula sa kanyang kampo.
06:33Alam mo Pia, yung pwesto natin ngayon dito e talagang limitado lang yung nakukuna natin mula doon sa Pinasuka nila hanggang doon sa second floor ng headquarters.
06:45Talagang mahigpit yung security kanina yung nakuna natin, sinundot lang yun mula sa ating camera dito sa ating team na nakastandby dito.
06:53So, yun pa lang yung nakita talaga natin at nakonfirm natin yung kanyang asawa at saka yung kanyang dalawang anak.
06:59Pero tinitingnan din natin for sure, syempre yung kanyang lawyer o yung iba pang membro para nga doon sa proseso na gagawin sa kanya.
07:09Pero yan ay kukumpirmahin pa natin doon sa mga kausap natin na officials ng PNP-CIDG.
07:15Alright, EJ, abangan namin ang iba pang mga update mula sa iyo. Maraming salamat, EJ Gomez.
07:22Sa matala, inaresto naman po kanina sa Senado ang mga kapwa-akusado ni Revilla na sinadating DPWH Bulacan Assistant Engineers Bryce Hernandez at JP Mendoza.
07:32At mula sa tanggapan ng NBI, saksilat si Rafi Tima.
07:38Rafi?
07:38Pia, sumailalim na sa booking procedure itong si dating DPWH Engineer Assistant District Engineer Bryce Hernandez at si Engineer JP Mendoza dito sa NBI headquarters dito sa Pasay City.
07:53Kapwa sila kinuha kanina ng NBI sa Senado kung saan sila nakakustudiya.
07:58Ayon sa NBI, bukod sa pagkuhan ng kanyang fingerprints at kanyang mugshot, isa sa ilalim din ng dalawa sa medical examination.
08:05Pusibling abutin na rao ng magdamag ang proseso ng booking para sa dalawang dating opisyal ng DPWH.
08:11Kaninang hapon lang lumabas ang warrant of arrest ng dalawa mula sa Sintigid Bayan kasama si dating Senador Bong Revilla para sa kasong malversation through falsification of public documents.
08:21Dahil sa walang custodial facility, ang NBI dito sa kanilang opisina ay pusibling dalhin sa NBI custodial facility ang dalawa sa Muntinlupa.
08:29Bukas, sinasahang dalhin na sa Sandigan Bayan ng dalawa para sa return of warrant.
08:33Ayon sa NBI, Sandigan Bayan na ang magdedesisyon kung saan ikukustudiya ang dalawa habang hinihintay ang kanilang paglilitis.
08:41Sa ngayon ay dumating na rin sa NBI ang abugado ng dalawang dating DPWH officials.
08:46Tumagi muna siya magbigay ng pahayag pero nagpahiwatig siya na mas gugustuin sana nilang manatili sa custodian ng NBI ang kanilang kliyente.
08:55Kinimpermirimpian ng NBI na nasa custodian na nila yung kapo-akusado ni na Hernandez na si na Engineer RJ Domasig at Juanito Mendoza
09:03at sumasa ilalim na rin sa booking procedure sa NBI office sa NCR.
09:09Yan pa rin ang latest mula dito sa Pasay City.
09:12Ako si Rafi Tima para sa Saksi.
09:16Rafi, may posibilidad ba na ipaghiwalay ang mga akusado na nasa custodian ngayon ng NBI?
09:22Itong dalawang nandito ngayon sa NBI headquarters ay posibleng dalawa na silang dadalhin dito sa Montinlupa
09:32dahil wala nga custodial facility dito sa NBI headquarters.
09:35Although sa ating pagkakaalam, ngayon ngayon lamang Pia mukhang nakalabas na itong dalawang akusado.
09:43Hindi na idinaan dito sa main entrance actually.
09:45Maraming naghihintay dito na membro ng media pero biglang nawala na raw sila dun sa kwarto.
09:49So kanina ay isinailalim na sila sa medical procedure.
09:52Pero ayon sa NBI ay posibleng dun na nga sa Montinlupa sila dadalhin.
09:57Pero bukas ay dadalhin na sila sa Sandigan Bayan.
10:01At posibleng magkakasama na sila nung iba pang mga akusado kapag ibinilit na sila sa Sandigan Bayan na Pia.
10:08Alright, maraming salamat sa iyo, Praffy Tima.
10:13Sa may hit-apat na raang hininalang ghost project, mahigit tatlong daan ang may mali-mali umanong mga grid coordinate.
10:20Batay po yan sa pagsusuri ng DPWH.
10:23At ginisa tungkol dito si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan sa pagdinig ng Senado.
10:29Saksi si Joseph Moro.
10:31Isang araw matapos magbalik Pilipinas, dumalo si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan sa pagdinig ng Senado Blue Ribbon Committee
10:41kaugnay ng mga maanumalyang flood control project.
10:44Tinakosahan siyang sinadya o muna niya magbigay ng mga maling coordinate ng mga flood control project para alituhin ang Pangulo.
10:50Sa validation ng Department of Public Works and Highways, 416 ang suspected ghost projects.
10:57Sa bilang na yan, 337 ang may mali-maling grid coordinates base mismo sa report ng DPWH sa Senado Blue Ribbon Committee.
11:06Ipinaliwan ang ni Bunuan, umasa lamang siya sa datos galing sa opisina ni Yumaong DPWH under Secretary Catalina Cabral.
11:13Because of the time constraint that we have to submit, I instructed the late Under Secretary Cabral to collate the information that we need to submit to the Office of the President.
11:29Ayon sa inisyal na pagsusuri ng DPWH noong kalihim pa si Bunuan,
11:34ang isinumitin nilang datos para sa sumbong sa Pangulo website ay ang coordinates na isinusumite sa planning stage ng mga proyekto.
11:41Hindi pa ito ang aktual na coordinates sa lokasyon kung saan mismo itinayo ang proyekto.
11:46At ang layo ng proposed at ang layo ng aktual.
11:52Paano nagkaganon?
11:53We'll have to investigate.
11:56Ngayon po Mr. Chair, doon po sa tanong nyo kanina, kung yun po bayis nila meet deliberately, of course, ayaw po namin, we're not in the position to answer that.
12:04Meron po kami dinidevelop na app. Ito na po yung unified application.
12:11Wherein the coordinates from the planning stage and the coordinates for the actual, ay isang mapa na lang po yung ginagamit.
12:19Pagpunto ni Lakson kung mali-mali ang isinumitin yung coordinates, posibleng lumobo ang bilang ng mga ghost projects kahit may mga nagawa naman talaga.
12:27Kasi pag pinuntahan yung grid coordinates na mali, walang makikita ng project, ire-report na ghost.
12:32Dahil mali po yung coordinates, nireport po nila as non-existent.
12:37Meron pong mga lugar, medyo masukal na yan.
12:41And kung talagang mag-deviate ka lang by a few so many meters, hindi mo talaga pumakit.
12:49Tanong ni Committee Chairman Sen. Ping Lakson, patterned by ito o di sa diyang pagkakamali lamang.
12:54Kung ang percentage ng mali na-overcome o na-overwhelm yung tama, may pattern yun.
13:05Pero kung halimbawang sa sampu na random sampling ninyo, isa o dalawa lang yung mali, then there's no pattern.
13:12Maybe inadvertent yung omision.
13:14Dahil mali-mali ang unang coordinates na binigay ng DPWH, kailangan daw umulit ng kagawaran.
13:31Kung natapos na po natin yung one-third, yung 30,000 flood control projects in the last 10 years,
13:38and then i-re-reassess na naman po natin ito, just to be sure po with our data.
13:48Kaya nasayang lamang daw ang buwis at oras na ginugol sa unang assessment.
13:52Bakit di yun yung ginamit ng department sa unang validation pa lang?
13:57Because I think nung initially po, nagbuo nga po ng team itong ICI, composed of the AFP, PNP, and DEFTEV.
14:04And they relied on the coordinates dun sa sumbong sa Pangulo.
14:09Ayon kay Bonoan, ang nakalagay lamang sa planning coordinates na binigay nila ay bayan at probinsya kung saan itatayo ang mga proyekto.
14:17Marami naman daw silang ibinigay na pwedeng i-check ng field inspectors, gaya ng pangalan ng proyekto,
14:22anong ahensya o district office na magpapatupad, contractor, pechang sinimulan at natapos pati halaga ng kontrata.
14:29Nung panahong din yun, Region 3 lamang aniya ang nag-report na posibleng may ghost projects sa lugar nila.
14:35Personal daw vinali date, nipunuan ang report at doon nga nila nadiskubre ang mga anomalya sa Bulacan 1st District Engineering Office.
14:43Agad daw niya itong in-report sa Pangulo.
14:45My statement to the President is that I hope Mr. President that this is an isolated case because there has not been any other report that treats me.
14:57The President told me to start investigating the ghost projects.
15:03Immediately thereafter Mr. Chair, I relieved all the personnel of Bulacan 1st Engineering District.
15:13Nakaharap din ni Bunuan sa pagdinig kanina si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo
15:18na nagsabing nagsimula ang sistema ng allocable projects noong taon 2022 panahon ni Bunuan bilang kalihim.
15:26Ang allocable projects ay halaga ng mga proyektong inilalaan ng DPWH sa budget ito sa National Expenditure Program.
15:33Ang komputasyon ito ginawa ni dating DPWH Undersecretary Cabral.
15:37Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, lampas 2 bilyong piso ang posibleng nakuha ang kickback ni Bunuan.
15:42I don't have any allocable amount.
15:44Nakakuha kayo ng kickback.
15:46And the fact is, nandito tayo ngayon dito sa hearing because for the last 4 years, pinabayaan nyo nangyayari ito under your watch.
15:56Your Honor, as Secretary of the Department, I have general oversight.
16:03I have general oversight of all the information.
16:07Pero kung kasali ho kayo dito sa mga kickback, yung oversight na yan, walang kwenta ho yan.
16:14And this is what I deny, Your Honor.
16:15Ayon sa Department of Justice o DOJ, kasama si Bunuan sa mga inreklamo ng plunder na National Bureau of Investigation o NBI.
16:25Pabilang din sa nasabing reklamo si na dating Sen. Bong Revilla, Sen. Jingo Estrada at dating House Appropriations Committee, Chairman Sal Dico.
16:33Si dating Deped Undersecretary Trigib Olaybar, itinanggi rin ang paradang ni Bernardo na pumubura siya ng mga kickback galing sa mga proyekto umano ni dating Sen. Sonny Anggara.
16:42Pati na ang umunoy 2.85 billion pesos na unprogrammed appropriations para raw sa isang Executive Secretary.
16:49Itinanggi rin niya ang umunoy pag-endorso niya kay Carline Yafvilla na aid ni dating Sen. Nancy Binay.
16:55I deny those allegations. Wala pong katotohanan, Mr. Chair, Your Honor.
17:01Lahat po from the communication to nag-deliver to kay ES daw po, na wala naman po akong personality kay Executive Secretary.
17:09That time, 2020 po ro, baka yun o yung papasok po kami sa Deped.
17:14That he is lying.
17:16Of arms.
17:16That he is a liar with respect to the allegations against him.
17:20Yes po.
17:21Pumarap din sa pagdinig si Maynard New na inokosahan ni Bernardo na humingi ng listahan ng mga proyekto para kay Sen. Francis Chisa Scudero.
17:29Itinanggi ni New ang mga paratang.
17:31I absolutely deny all the allegations made by Yusek Bernardo.
17:37That's the reason why I already filed a case against Yusek on defamatory insinuations.
17:44For this, I invoke the subjudicial rule.
17:50Pero si Bernardo, pinaninigin naman ang kanyang mga allegasyon.
17:53Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong ang inyong saksi.
17:59Iginit ng Malacanang na walang basihan ng impeachment complaint na inihay na isa abogado laban kay Pangulong Bombong Marcos.
18:06Inendoso na na isang kongresista ang inihay ng reklamo.
18:10Saksi, si Tina Panganiban Perez.
18:14Ang anyay pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court
18:21ang isa sa limang impeachable offense ng impeachment complaint na inihayin laban kay Pangulong Bombong Marcos.
18:28Inihayin ito sa kamera kanina ng abogadong si Atty. Andre De Jesus.
18:32We are putting the question and holding the president accountable, number one,
18:38for allowing a citizen of our country to just be whisked away, kidnapped virtually,
18:46and brought to a foreign land without due process, despite fully functioning courts here in the country.
18:53Impeachable offense din daw ang hindi pag-vito ng Pangulo sa unprogrammed appropriations sa 2023, 2024, 2025, at 2026 budget.
19:05Umano'y pagbenepisyo sa mga kickback mula sa budget insertion at ghost flood control projects,
19:11at pagtatatag ng Independent Commission for Infrastructure o ICI para kanlungin-umano ang mga kurakot na kaalyado.
19:20Pati ang mga aligasyong nagdodroga ang Pangulo.
19:22We're also putting to question the fitness of the president to still govern our country.
19:27Binigyang diin ni De Jesus na dapat ma-impeach ang Pangulo dahil sa graft and corruption,
19:33culpable violation of the Constitution, at betrayal of public trust.
19:38Iginiitlin niyang wala siyang kaugnayan sa Pangulo o kay Vice President Sara Duterte.
19:44If you're asking if I'm affiliated with the Dutertes, no, I am not.
19:47No, I have no links with the president.
19:50I've never met either the president or the first lady.
19:53That's the thing. There's the accusation that this is intended to trigger the one-year ban, right?
20:00Inendorso naman ni House Deputy Minority Leader at Pusong Pinoy Partylist Representative Journey Jet Nisay
20:07ang impeachment complaint.
20:09Isa siya sa mahigit 200 kongresistang pumirma sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte noon.
20:18Kabilang din siya sa mga inirekomenda ng ICI na kasuhan ng ombudsman.
20:22Kaugnay sa maanumal yung flood control projects.
20:26Ito yung gustong pag-usapan ng taong bayan, hindi puro sa social media.
20:33Ito ay sa tamang quorum natin dadalhin.
20:38At naging wala kami sa saligang patas, public office sa public trust,
20:45that no one, not even the president, isa bang dalaw.
20:48Paglilinaw ni Congressman Nisay, hindi siya nakikipagtulungan sa kampo ng Vice.
20:54Wala pang tugon o reaksyon ng Pangulo tungkol sa impeachment complaint laban sa kanya.
20:59Pero ayon sa Malacanang, nire-respeto ng Pangulo ang proseso at may tiwala siya sa Kongreso
21:06bilang institusyong na atasang duminig nito.
21:09Wala rin daw basehan ng impeachment complaint.
21:12We respect this process and trust that Congress, as a co-equal branch of the government,
21:18will discharge its duties with honesty, integrity, and fidelity to the rule of law.
21:24Itong mga issue po na ito ay matagal na po natin nasagot.
21:29Matagal na po natin itong naipaliwanag. Walang basehan.
21:328.45 ng umaga kanina, tinanggap ang impeachment complaint.
21:37Ayon kay House Secretary General Celoy Garafil, itatransmit niya ang reklamo sa tanggapan ng Speaker,
21:44alinsunod sa konstitusyon at sa rules ng Kamara.
21:48Nakasaad sa rules on impeachment na isang impeachment complaint lang ang pwedeng ma-initiate
21:54laban sa isang impeachable official sa loob ng isang taon.
21:57Hindi pa deemed initiated ang reklamong inihain kanina
22:01dahil hindi pa ito nare-refer sa House Committee on Justice.
22:05As soon as it is included in the order of business
22:10and soon enough will be referred in the Justice Committee,
22:16rest assured that the Justice Committee is ready to receive the impeachment complaint.
22:23Pinamumunuan ni Presidential Son at House Majority Leader,
22:27Sandro Marcos, ang House Committee on Rules
22:30na nagre-refer ng mga impeachment complaint sa House Committee on Justice.
22:35Well, in this particular case, I think there is no choice for him
22:39because it really says that it has to be referred to the Committee on Justice.
22:44Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na kunin ang panig ni Congressman Marcos.
22:49Si Davao City 1st District Representative Paolo Duterte,
22:54nakapatid ng vice-presidente,
22:56kinwestyo ng inihain reklamo laban sa Pangulo.
22:59Duda ni Representative Duterte,
23:02layo ng reklamo na protektahan ang Pangulo
23:04mula sa ibang impeachment complaints.
23:07Wala naman daw nakikitang basehan si House Speaker Faustino D. III
23:11para ipa-impeach ang Pangulo
23:13dahil malinaw anyang ginagawa ng Pangulo ang trabaho nito.
23:17Pero Anya, trabaho nilang tanggapin na mga impeachment complaint
23:21at dinggin nito alinsunod sa konstitusyon.
23:25Hindi rin daw ito dapat ginagamit sa pamumulitika.
23:29Para sa GMA Integrated News,
23:31ako si Tina Panganibad Perez, ang inyong saksi.
23:35Magkita patarang pamilyang nasunugan sa Mandanuyong,
23:39pahirapan ng pag-apula sa apoy dahil sa masisikip na eskinita.
23:43Saksi si Bam Alegre.
23:47Alas 6 ng umaga ng sumiklabang sunog sa Barangay Addison Hill sa Mandanuyong.
23:54Damay ang bahagi ng Sitio 4 sa Barangay San Jose.
23:56Hamon sa mga bumbero ang masisikip na eskinita sa lugar.
23:59Umabot ang sunog sa ikatlong alarma.
24:01Bago na-apula, pasado alas 9 ng umaga, lima ang sugatan.
24:05Isa ito sa mga naapekto ang bahay sa sunog sa tindi ng apoy
24:07ay lumundo yung harapan nito.
24:09Sa estimate ng Bureau of Fire Protection,
24:11150 na mga bahay ang naapektohan.
24:14Kabilang narito ang mahigit 400 pamilya.
24:162 milyong piso ang tinatayang halaga ng pinsala.
24:19Kinatok na lang po kami nung kapitbahay namin.
24:22Tapos pagtingin ko po,
24:23umuusok na.
24:25Pagbaba namin,
24:26papunta na po dito yung sunog.
24:28Iniimbestigahan ng sanhinang sunog.
24:30Para sa GMA Integrated News,
24:32ako si Bam Alegre,
24:33ang inyo,
24:34Saksi.
24:34Mulang hinanap ng mga senador kay Pasifiko Curly Descaya,
24:40ang ipinangako nilang ledger na naglalaman-umanon
24:43ng mga proyekto nila mula 2016 hanggang 2022.
24:47Mariin namang pinambulaanan ni Descaya,
24:49ang sinabi ng dalawang testigo,
24:51na si Descaya Umano,
24:52ang nagpangalan kay dating House Speaker Martin Romualdez,
24:55bilang may-ari ng isang property sa Makati.
24:58Saksi, si Sandra Aguinaldo.
25:04Kung makikita niyong personal,
25:06si Curly Descaya, makikilala niyo?
25:09Yes, you're all.
25:10Pakituro niyo nga kung naandito sa loob ng session hall,
25:15lapitan niyo na lang kung sino dyan
25:16among the resource speakers, resource persons.
25:20Hindi, lapitan mo na lang at hawakan mo na lang sa balika
25:23at hindi magagalit dyan.
25:27Ang dalawang babaeng ito na naka-face mask
25:40at naka-baseball cap
25:41nung humarap sa Senate Blue Ribbon Committee kanina,
25:44mga empleyado raw ng negosyanteng si Rico Ocampo
25:47sa isang inuupahan lugar sa South Forbes Park.
25:50Pero na-eventa raw ang lugar noong April 2023.
25:54January 2024, sinabihan daw sila ng kanilang boss na i-evict na sila.
26:00Kasunod dito, nakausap daw nilang isang kontratista
26:03na kalaunay nakilala o mano nilang si Curly Descaya.
26:07Si Descaya o mano ang nagsabing
26:10Sinoy House Speaker Martin Robualdez
26:12ang bagong may-ari ng lugar.
26:14He also mentioned to us,
26:16na-contractor ako dito eh,
26:18meron din kaming deadline.
26:19And then I asked,
26:20we both asked,
26:21baka pwede po namin pakiusapan yung may-ari
26:24yung bagong nakabili ng bahay.
26:28And then he also mentioned that
26:30si Romualdez ang nakabili.
26:33And then after po nun...
26:34That's according to Mr. Descaya?
26:36That is according to the contractors.
26:39Itinuro ng dalawang witness si Descaya
26:41na siya umanong nakausap nilang kontraktor.
26:44Humiling si Descaya na tanggalin
26:46ng dalawang witness ang takip sa kanila mukha
26:48pero hindi pumayag si Sen. Fing Lacson
26:51na sinang ayunan ng Department of Justice.
26:53Gate ni Descaya.
26:55Hindi raw niya makilala ang dalawang witness
26:57at wala siyang naaalalang transaksyon sa kanila.
27:00Kahit na yung minsan po,
27:01hindi pa po ako nakakapasok sa South Forbes Park.
27:04Hindi ko pa nga alam kung anong mga uri
27:06ng mga bahay meron doon.
27:08So, malabong-malabong po talaga
27:10at wala po akong inuutosan na kahit sinong broker.
27:14Sa pagtatanong sa witness,
27:15lumabas na ang nasa deed of sale
27:17ay ang Golden Peasant Holdings Corporation.
27:20Ang kampo ni Romualdez
27:22tinawag ang aligasyon ng dalawang witness
27:24bilang logically at physically impossible
27:26dahil na rin sa sinabi ni Descaya
27:29na hindi pa siya nakakapasok sa South Forbes Park.
27:32Kaya imposible raw na may nakausap siyang tao
27:35o institusyon doon.
27:36The claims come solely from the staff
27:40of an evicted tenant
27:42unsupported by any document
27:44while Martin Romualdez's name
27:47appears in no deed, contract,
27:50or payment record
27:52related to the property.
27:53There is no evidence
27:56only hearsay
27:59and possibly perjured statements
28:01and therefore nothing to answer.
28:05Muli namang binanggit ni Sen. Rodante Marcoleta
28:07ang tungkol sa restitution
28:09o pagbabalik ng pera
28:11ng ilang personalidad.
28:12Hindi na kasi dapat ito gawing kondisyon
28:14para maging state witness
28:16ang isang tao.
28:17Sabay tanong,
28:18kung may hiningiring ganito
28:19ang Department of Justice
28:21kay Diskaya.
28:22O, ano sabi nila?
28:26Magkano daw?
28:27Ako po, hindi ko po masabi kung magkano po
28:30kasi para sa akin po,
28:31parang kami po ang nanakawan.
28:32Parang ibig sabihin,
28:33parang modern day na pag nanakaw,
28:35ibig sabihin yung nakaw ba?
28:37Siya pa ang magbibigay ng pera
28:38dun sa nanakawan niya.
28:39Parang ganun po.
28:39Pinaalala naman ni Sen. Riza Ontiveros
28:42ang pangako ni Diskaya sa Senado
28:45na isusumiti ang ledger
28:46ng mga proyekto nila
28:47maging ang joint venture projects.
28:51Sabi ni Diskaya,
28:52pinasara na rao ng City Hall
28:54ang kanila opisina
28:55dahil sa kakulangan ng mga permit.
28:58Ngayon po,
28:58wala na po kaming empleyado.
29:00Lahat po sila ay iniwan na po kami
29:02o yung iba po ay separated na po
29:04kasi sarado na po yung kumpanya namin.
29:08Parang kanina lahat po tayo
29:10physically naghitla
29:12dun sa sinabi ni Mr. Diskaya
29:14na parang sila pa yung nanakawan.
29:17I would like to request the good chair
29:19to please reiterate
29:20yung utos ng komite
29:22kina Mr. Diskaya.
29:24Isubmit yung ledger
29:25na sinabi ni Ms. Diskaya noon
29:28meron sila
29:29ng mga proyekto pati joint venture projects
29:32mula 2016 hanggang 2022.
29:35Huwag po nilang sisisihin ang City Hall.
29:38Nabanggit naman ang Prosecutor General
29:40na hihilingin nilang ilipat sa DOJ
29:43si dating DPWH
29:44Bulacan 1st District Engineer
29:46Henry Alcantara
29:47na ipinasok na sa Witness Protection Program.
29:50Nasa kustudiya ngayon
29:51ng Senado si Alcantara.
29:53The Senate I think
29:54opted na dito na mula
29:56para naman kumayang proceedings
29:58in Senado
29:58they would be able to make themselves
30:01So if they finish
30:02BRC
30:03pwede na sa inyo?
30:04Oh yes obviously.
30:05Okay.
30:05Pero yung binabantayin niya dun
30:07is yung
30:07when the Senate
30:08goes on recess
30:09then that's the time
30:12that we may have problem
30:13to take those
30:14just to ensure you
30:15protection
30:15are it.
30:17Humarap din sa pagdinig
30:18si dating DPWH
30:20Mima Ropa
30:20Regional Director
30:21Gerald Pakanan.
30:23Pinuna siya
30:24ng mga senador
30:25dahil sa kanyang takip sa muka.
30:27Sabi ni Pakanan
30:28para yan sa kanyang siguridad.
30:29Pero pinatanggal pa rin ito
30:31ng mga senador.
30:32Isa si Pakanan
30:33sa mga co-accused
30:33ni Zaldico
30:35sa flood control project
30:37sa Nauhan, Oriental, Mindoro.
30:39This might set a precedent
30:41for all other witnesses
30:43we will call here.
30:44They will request
30:45that their faces be covered.
30:48He is a public government employee.
30:52Bakit siya nagtatago?
30:54For my protection
30:55since the case is still
30:58already pending
30:59before the sindic and bind.
31:01Kindly expose your face.
31:04Para sa GMA Integrated News,
31:06ako si Sandra Aguinaldo,
31:07ang inyong saksi.
31:12Sa bintana na ng tren,
31:14dumaan ng ilang pasehero
31:15at rescuer
31:16matapos itong tumagilid.
31:18Nangyari po yan
31:19linggo ng gabi sa Spain
31:20kung saan discaril
31:21ang isang high-speed train
31:22na bumangga
31:23at itinulak
31:24ang ispang paparating na tren.
31:26Tatlongpot siyamang nasawi,
31:27kadina ang driver
31:28ng isa sa mga tren.
31:30122 ang nasugatan.
31:33Ginaalam pa
31:33ang sanhinang disgrasya.
31:41Kuhang-kuha
31:42ni Marian Rivera
31:43ang puso ng crowd
31:45sa Cebu
31:46sa ipinakita niyang
31:47dance moves
31:48sa Sinulog Festival.
31:49Very supportive naman
31:56ang asawa niyang
31:57si Ding Dong Dantes
31:58na nakuhana ng
31:59candid moment.
32:01Walang tigil din
32:02sa pagkaway
32:03ang mag-asawa
32:03para sa mga
32:04nag-aabang na fans.
32:10Makukulay na lechon
32:11ang ipinarada
32:11sa Lechon Festival
32:12sa Bacolone City.
32:1320 lechon kasi
32:15ang binihisan
32:16sa temang
32:17Candy Land.
32:19Nakapalibot din
32:20sa mga lechon
32:20ang iba't-ibang dekorasyon
32:22gaya ng mga logo
32:22at syempre
32:24iba't-ibang klase
32:25ng candy.
32:27Kagaya na lang
32:27na isang baboy
32:28na nilagyan ng wig
32:29at shades.
32:31Matapos ang parada,
32:32pinagsaluhan naman
32:33ng mga residente
32:34ang mga lechon.
32:35Slay ang OOTD
32:43ng isang nanay
32:43sa Davao City.
32:45Ang mga simple
32:45na damit ni Nanay Carmela
32:47tuwing lumalabas
32:48ng bahay,
32:49abat tila
32:50na-transform
32:51sa mga Zumba event.
32:55Hmm,
32:55kaya naman
32:55ang mga netizen
32:56na pa
32:57who you
32:58sa tila
32:58expectation
32:59versus reality
33:00na outfits
33:01ni Nanay.
33:02At goodnight vibes naman
33:07ang hatid ng
33:07100-year-old
33:08na si Lola Estela
33:10sa Iloilo City.
33:11Nakita kasi siya
33:12ng kanya apo
33:13na nagsistretch
33:14at nage-exercise
33:15para makatunog.
33:17Ang kwento
33:17ng kanyang apo
33:18nagja-jogging din
33:19si Lola Estela
33:20tuwing umaga.
33:25Patunay na talagang
33:26age is just a number.
33:28At mga kapuso,
33:29salamat po
33:29sa inyong pagsaksi.
33:30Ako po si Pia Arcangel
33:31para sa mas malaking
33:33misyon
33:33at sa mas malawak
33:34na paglilingkod
33:36sa bayan.
33:37Mula po sa
33:37GMA Integrated News,
33:38ang news authority
33:39ng Filipino.
33:40Hanggang bukas,
33:41sama-sama po tayong
33:42magiging
33:42saksi!
33:43Mga kapuso,
34:06maging una sa saksi!
34:08Mag-subscribe sa
34:09GMA Integrated News
34:10sa YouTube
34:10para sa ibat-ibang balita.
34:12GMA Integrated News,
34:14ang-munga,
34:15ang-munga,
34:16ang-munga,
34:17ang-munga,
34:17ang-munga,
34:18ang-munga.
34:18Mua-munga.
Be the first to comment