00:00Tumilapon po ang mga sakay na isang truck matapos itong bumanga sa Center Island at sumalpok sa kasalubong na multi
00:06-cab sa Aliosan, Cotabato.
00:08Patay ang apat na pasahero na patungo sana sa beach para ipagdiwang ang graduation ng isang kaanak.
00:14Saksi, si Efren Mama ng GMA Regional TV.
00:20Sa kuha ng CCTV, binabagtas ng isang elf truck ang barangay San Mateo, Aliosan, Cotabato, pasado alas 3 ng hapon
00:27itong Sabado de Gloria.
00:28Nang maabutan ng elf truck ang motosiklong nasa harapan nito, biglang kumabig pakaliwa ang truck dahilan para bumanga ito sa
00:36Center Island at rumampa papunta sa kabilang lane.
00:40Natumba ang truck at sumalpok sa kasalubong na multi-cab.
00:44Ang mga pasahero ng truck tumilapon.
00:49Nakahandusay pa ang dalawang pushcam na sakay ng truck nang marespondihan ng rescue team.
00:54Pero apat sa mga sakay ng truck ang dead on arrival sa ospital dahil sa tindi ng sugat.
00:59Kabilang sa mga nasawi ang tatlong taong gulang na batang lalaki.
01:02Patuloy pang pinapagamot ang iba pang mga sugatan.
01:06Kwento ng driver ng elf truck, iniwasan nito ang motosiklong sa unahan para hindi mabangga pero nadisgrasya pa rin nang
01:13pumasok sa ibang lane.
01:16Ayon sa Cotabato Police, papunta dapat ang mga sakay ng elf truck sa Cusyong Beach sa Maguindanao del Norte para
01:22ipagdiwang ang Calis graduation ng isang kaanak.
01:25Pero di sila umabot sa serebrasyon nang mangyari ang malagim na disgrasya.
01:29Kinukunan pa ng pahayag ang mga biktima kabilang na ang pamilya ng mga namatayan.
01:34Namahagi na ng financial assistance ang DSWD Region 12 sa mga biktima.
01:38Ako si Efren Mamak ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
01:44Ako si Efren Mamak ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
Comments