- 4 hours ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Nanawagan ang clemency kay Pangulong Bongbong Marcos ang pamilya ni Mary Jane Veloso.
00:30Buong pamilya Veloso po, nakikiusap na na mag-awa na ibigay mo na po ang kalayaan ni Mary Jane.
00:38Kasama nilang nagtipon sa harapan ng Justice Department ang grupong migrante at mga taga-suporta.
00:43Apela ng mga magulang ni Mary Jane, matagal nang naghirap sa kulungan sa Indonesia ang kanilang anak na nakatulang panakamatayang
00:50noong 2010 dahil sa drug trafficking.
00:53Nakiusap din sila sa Pangulo na dalawin si Mary Jane sa kulungan para makita ang sitwasyon nito.
00:58Nauna nang sumulat ng isang open letter nitong Enero si Mary Jane para ipanawagan ang kanyang paglaya na ibalik si
01:05Veloso sa bansa nitong 2024.
01:09Mahigit apat na raang milyong pisong halaga ng gamit sa paggawa ng iligal na sigarilyo ang nasamsam sa apat na
01:17bodega sa Pampanga.
01:19Tuloy ang embisigasyon sa kung protektado ng dalawang kongresista,
01:23ang sindikatong posibleng nasa likod ng mga ito.
01:27Nakatutok si Chino Gaston.
01:32Kahong-kaong process tobacco, mga dipaputol na cigarette filters at bakinang nagro-rolyo ng sigarilyo
01:38ang tumambad sa mga bodega sa Pampanga na niraid ng pulisya, customs, health department at Bureau of Internal Revenue.
01:45Pero walang inabutan ng mga otoridad sa tatlong bodegang nasa San Fernando at San Simon.
01:51Di gaya sa imbakan ng bayan ng Meksiko kung saan anim na Chino ang inaresto.
01:56Sa apat na warehouse, umaabot na sa higit 400 milyon pesos na iligal na sigarilyo, raw tobacco at mga cigarette
02:03making machines ang nakumpiska.
02:04Paniwala ni Interior Secretary John Vic Remulia, posibleng isang malaking sindikato ang may-ari o umuupas sa mga warehouse
02:12at pinatatakbo ng tinawag niyang isang tobacco lord.
02:16Iniimbestigahan din ang impormasyong nakakatanggap umano ang grupo ng proteksyon mula sa dalawang kongresista ng Central Luzon.
02:24Well, may mga Central Luzon congressman na nagpapatawag at nagsiseta ng appointment sa akin.
02:31Sabi ko, wala pa naman ako pinapakalangan. Wala pa naman ako fax na pwede ilabas. Kaya wala pa kami pag
02:37-uusapan.
02:38Sa warehouse na ito sa San Simon, Pampanga, tinataddad at pinoproseso ang raw tobacco leaves.
02:44Gaya nito, gamit naman ang makina na gaya rin nito.
02:48At mula rito, dinadala ang mga nasabing process tobacco sa iba pang mga warehouse kung saan nililikha ang final products,
02:56yung illegal na sigarilyo.
02:58Ito po yun. Sa taya ng mga otoridad, umaabot sa higit 160 milyon pesos na iligal na sigarilyo ang kayang
03:05ilikha ng nasabing sindikato kada araw.
03:09Itinuturing na iligal ang mga sigarilyo dahil hindi kabilang ang mga kumpanya at produkto sa listahan ng National Tobacco Administration.
03:16Wala rin permit ang mga makina mula sa LGU at hindi bayad ng buwis kagaya ng excise tax.
03:22Yes, for 2025, 30 milyon ang nawala sa DOH dahil dito, 30 milyon.
03:33So ang kaso talaga ay anti-agricultural economic sabotage tax.
03:38Ayon sa customs, bukod sa illegal local manufacturing, nakakapasok din sa merkado ang iligal na sigarilyo sa pamamagitan ng smuggling.
03:45Unang-una, yung halaga ng smuggled cigarettes o agricultural products from January 2025 hanggang December 2025, hindi bababaya ng almost
04:04200 milyon pesos.
04:06Ayon sa PNP, sunod na tutugisin ang mga illegal cigarette manufacturers sa Visayas at Mindanao.
04:13In Mindanao, pati mga tindahan, including yung transportation sa highway, including sa tindahan, lahat tinitignan.
04:24And we even raided a premises there, isang bodega, hinukay sa ilalim na lupa ang milyon-milyong sigarilyo.
04:37Para sa GMA Integrated News, Shiro Gaston Nakatutok, 24 Horas.
04:46Mga kapuso, kumpara nitong mga nakalipas na araw, humina ang hanging amihan kaya bagyaring nabawasan ang lamig ng parahon.
04:53Ayon sa pag-asa, hanggang sa extreme northern luzon na lamang umaabot ang ihip ng amihan.
04:59Magdadala naman ang mainit at malinsang ang parahon ng Easter Leaves sa malaking bahagi ng bansa.
05:03Pero paglilino ng pag-asa, hindi pa tapos ang amihan season.
05:08Posible pa itong magkaroon ng panibagong surge o bugso sa mga susunod na araw o linggo.
05:12Base naman sa datos ng Metro Weather, umaga pa lamang mataas na ang chance ang ulanin ang Batanes at Baboyan
05:18Islands.
05:19Magtutuloy-tuloy yan sa hapon at may mga pag-ulan na rin sa iba pang bahagi ng Hilagang Luzon, Aurora,
05:24Quezon at ilang lugar sa Mindoro Provinces.
05:27Malalakas ang buhos ng ulan sa ilang probinsya kaya maging alerto sa posibleng pagbaha-ulan slide.
05:32May mga kalat-kalat na ulan din sa Visayas at Ventanao sa Metro Manila.
05:36Gaya kahapon ay hindi pa rin inaalis ang posibilidad ng biglaang pag-ulan o thunderstorms.
05:46Kilig ang hatid ng cast of House of Lies sa kanilang Valentine Mall Show sa Quezon City.
05:51Pa-thank you nila yan sa mainit na suporta at good feedback sa kanilang afternoon Prime Series,
05:57ang masayang ganap sa chika ni Athena Imperial.
06:04Kilig at kulitan ang hatid ng House of Lies cast sa kanilang viewers at fans sa post-Valentine Mall Show
06:11nila sa Quezon City kahapon.
06:14Hinarana ni Nacocoy de Santos at Martin del Rosario ang mga manonood with matching gifting of flowers.
06:23Humataw si Chris Bernal.
06:28Habang isang sweet song ang inihanda ni Beauty Gonzalez.
06:34Lumabas din ang kwelang personality ni na Patricia Tumulak at Gikan Las na hosts ng program.
06:42Thankful ang cast sa tuloy-tuloy na pagtutok ng mga kapuso sa kanilang GMA Afternoon Prime Series.
06:48Ang good feedback, rewarding para kay Kokoy na ginagampanan ang role ni Jobert na may special needs.
06:55Nag-research po ako talagang pinagpuyatang ko rin.
06:58Hindi nagpapamotivate din sa akin is yun niya, representation siya ng mga totoong tao.
07:02So, para mabigyan ng kustisya, talagang pinagigian natin.
07:07Abangan daw kung paanong mabubunyag ang mga kasinungalingan ng mga karakter habang patindi ng patindi ang pagtutuos ni Nathaya at
07:16Marjorie.
07:16Marami pa kami ang mga salpukan ni Beauty. Marami pa kami ang mga awa, ibatuhan ng mga iconic clients.
07:24Alam mo yun, yung mga matatandaan mo, talaga maaalala mo.
07:27Hindi pa natatapos ang pangaakit ko kay Paolo.
07:31At abangan din nila kung anong mangyayari naman sa relationship din namin ni Edward.
07:35Abangan nyo kung yung asawa ko kakagat ba o hindi.
07:39Diyos ko po, yun yung abangan nyo.
07:40At syempre, mas marami pang matutuklasan nilang kasinungalingan sa loob ng bahay.
07:47Athena Imperial, updated sa Showbiz Happenies.
07:53Inireklamo ni Beauty Queen Actress Michelle D.
07:56Ang internet personality na si Cian Gaza at apat na iba pang social media pages
08:02dahil sa pagpapakalat naman nun ng fake news.
08:05Ang detalya at ang sagot ni Gaza sa pagtutok ni Oscar Oida.
08:13Naghahain sa NBI Cybercrime Division ang Beauty Queen Actress na si Michelle D.
08:18ng reklamong cyber libel laban sa internet personality na si Cian Gaza
08:23at apat na iba pang social media pages.
08:26Aligasyon ni D.
08:28Nagpapakalat ang mga ito ng maling impormasyon at fake news laban sa kanya.
08:33Napakarami na po, halos araw-araw, may mga lumalabas na mga maling impormasyon tungkol po kay Michelle.
08:39In fact, meron pong isa pa doon na nasa ibang bansa daw siya at tumakas.
08:44So here, she's here. Kita niyo naman, never po siyang umalis ng bansa.
08:48Sabi ni D, batid niya na siya ay isang public figure.
08:52Pero ibang usapan na niya kung mali at nakakapanirang impormasyon na ang ipinapakalat.
08:58I've built my whole career out of blood, sweat, and tears.
09:02So, of course, to be the subject of scrutiny, it's not the first time, of course.
09:08Pero siyempre nakakasakit kasi sometimes people with scandals like this,
09:13they forget what you've done for your career and the hard work you've put.
09:19Everyone is open to their own opinions. I respect all opinions.
09:24I respect constructive criticism.
09:26But there is a line that is crossed in terms of defamation
09:31and intentionally trying to take your career out of your hands.
09:37Nang tanungin ng media kung kumusta na siya.
09:40Well, of course, I'm human. I've been better.
09:44Pero may tiwala naman po sa sistema natin.
09:47Tapos alam ko rin po na lalabas na ng katotohanan.
09:49Do I feel worried? I know I'm on the right side of this.
09:53Sa kanyang social media post, sinabi ni Zian Gasa na damage control umano
09:58ang ginawa ni D na paghahain ng libel case laban sa kanya.
10:02Para daw ma-diverd sa kanya ang isyo at malayo sa isyo nito sa nagre-reklamong driver.
10:09Dati nang itinanggin ni D ang paratang ng driver.
10:13Para sa GMA Indicated News, Oscar Oida nakatutok 24 oras.
10:20Target, ihabol sa Semana Santa ang pag-aalis ng mga sagabal at pagtatapal sa Maharlika Highway.
10:26Makalaga ang daan lalo sa pagbiyake ng mga kalakal mula Luzon hanggang Mendanao.
10:30Kaya may hiwalay na pangmatagalang rehabilitation ay sasagawa.
10:34Nakatutok si Joseph Morong.
10:39Kung ang Pilipinas ay isang katawan, ang Pan-Philippine Highway o Maharlika Highway
10:45ay isang malaki at mahabang ugat na langpas 3,000 km ang haba mula sa lawag sa Hilagang Luzon.
10:52Itatawid ng Roro at magpapatuloy sa Eastern Visayas
10:55bago muli itawid ng Roro mula Hilagang Mindanao papuntang Sambuanga City.
11:00Dito dumaraan ang maraming produktong agrikultural
11:03kaya nga may panukalang batas na tawagin din itong National Food Highway.
11:08Dekada 70 pa ito na itayo at kung ang mga inspeksyon
11:12ni Department of Public Works and Highways sa DPWA Secretary Vince Disson
11:16ang pagbabasehan, tila napabayaan na ito.
11:19Sa ilang bahagi sa Quezon, baku-baku ang daan, gayon din sa Bicol at sa Samar.
11:25Hindi mo aakalaing National Highway ito.
11:28Kaya ngayong malapit na naman ang Semana Santa kung kailan marami ang inaasahang babiyahe,
11:33pinapamadali na ng DPWH ang paglilinis ng mga obstruction o harang sa Maharlika Highway.
11:39Kasabay ng pansamantalang pagtatapal at pagpapantay ng mga baku-bakong bahagi nito
11:44hanggang sa katapusan ng Marso.
11:46Ang target walang matirang bahagi nito na hindi madadaanan sa kasagsagan ng mahal na araw.
11:53Pasensya ulit, no?
11:55Pero kaya kami nagmamadali ngayon kasi in preparation for Holy Week.
11:59Sa Hunyo o Hulyo naman, maaring simulan ang pangmatagalang rehabilitasyon nito
12:04na nangangailangan ng nasa 16 billion pesos.
12:08Pag natapos, ganito na dapat ang maging itsura ng Maharlika Highway.
12:12Magkakaroon na tayo ng malawakang bidding for A5 sa Bicol, Samar sa Region 8
12:21and sa Region 13 sa Agusan, no?
12:25Sa Surigao-Agusan area.
12:27Kasi yun ang information natin na yun ang pinakamasasamang area.
12:31Ayon kay DPWH Secretary Vince Tiso,
12:33nasa 60% na mga kalsada sa buong bansa ang kailangang i-repair o kumpunihin.
12:39Samantala, sa Hulyo naman, inaasang matatapos ang Phase 1
12:43ng rehabilitasyon ng EDSA mula Taft hanggang Orense.
12:47Oras na matapos ito, magkakaroon daw ng mga sidewalk para sa publiko.
12:51Pinag-aaralan ng DPWH kung pwede ang maghapon at magdamag na rehabilitasyon
12:56sa Semana Santa dahil walang masyadong tao sa Metro Manila.
13:00Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
13:05Dati nang may dokumento mula ICC na nagsasabing may mga kasabot o mano
13:11si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang drug war.
13:15Pero ngayon lang ipinakita ang kanilang pangalan sa mga dokumento.
13:20Bakit kaya?
13:21At nangangahulugan bang may ilalabas ng arrest warrant laban sa kanila?
13:27Ang basa ng ICC Assistant to Council sa pagtutok ni Sandra Aguinaldo.
13:35Noong 13 ng Pebrero, inilabas ng International Criminal Court o ICC ang dokumentong ito
13:41na pinapangalanan ang mga co-perpetrators ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
13:45sa pagpatay sa mga anito'y kriminal na kinabibilangan ng umunay sangkot sa iligal na droga.
13:51Kung dati redacted o hindi ipinakita ang mga pangalan ng co-perpetrators,
13:56ngayon lantad na ang pangalan nila.
13:58Si na Senador Bato de la Rosa, Senador Bongo, ilang dating opisyal ng PNP na sina Vicente Danau,
14:06Camilo Cascolan, Oscar Albayalde at Isidro Lapeña,
14:10former Justice Secretary Vitaliano Aguirre,
14:12at dating National Bureau of Investigation Davao Regional Director Dante Gueran.
14:17Ayon kay ICC Assistant to Council, Atty. Maria Cristina Conti,
14:22ang pagsasapubliko ng mga pangalan ay maaring para mas klarong maipaunawa sa publiko
14:27ang ICC case ni Duterte.
14:29Yung pagdeklara at pagdisclose ng mga pangalan ngayon ay malamang sa malamang
14:37ayon sa una, utos ng pre-trial chamber o kaya upon agreement by the parties
14:44ng prosecution saka ng defense.
14:46Mukhang ito ay isang hakbang para mas maintindihan natin kung ano ba yung charges
14:51o yung sakdal na babasahin.
14:54Ano yan ang paglaba sa pangalan ng mga co-perpetrators
14:57ay hindi nangangulugang mailalabas ng warrant of arrest laban sa kanila.
15:02Ang ICC sa ngayon ay hindi naman sinisilip
15:07o hindi nila kakasuhan yung lahat ng involved.
15:11Meron silang prosecutorial strategy kung saan
15:14yung pinaka-responsable ang kanilang kakasuhan.
15:18Pero sakaling maglabas ng warrant of arrest, ayon kay Conti,
15:22mainam na sundin ang Pilipinas ang prosesong nakasaad
15:25sa Article 59 ng Rome Statute.
15:28Nakasaad dito na sa oras na matanggap ang warrant of arrest,
15:32nararapat itong ipatupad agad ng isang bansa.
15:35Ang naaresto, iyaharap sa competent judicial authority sa naturang bansa
15:39para alamin kung tama ang proseso ng pag-aresto dito
15:43at kung inirespeto ang karapatan nito.
15:46At kung nirespeto ang karapatan nito.
15:48Yun nga lang, hindi nakasama ang Pilipinas sa Rome Statute.
15:52Matapos mag-withdraw noong 2019 sa ilalim ng Duterte administration.
15:58Dati nang sinabi ng DOJ, gusto nitong hintayin ang desisyon ng Korte Suprema
16:03sa kasong isinampan ng mga anak ni Duterte
16:05na kumukwestyon sa naging proseso ng pag-aresto sa dating Pangulo.
16:10Sa kanilang petition for writ of habeas corpus,
16:13sinabi nilang hindi umano na ipakita kay Duterte
16:16ang opisyal na kopya ng arrest warrant laban sa kanya.
16:20Hindi rin daw naaayon sa Revised Rules of Criminal Procedure
16:24at sa Article 59 ng Rome Statute ang pag-aresto sa kanya.
16:30Hinihintay pa ang desisyon ng Korte Suprema rito.
16:34Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Horas.
16:49Comfort Room
16:50Pero umaalingasaw ang problema ng di kaaya-ayang amoy?
16:55Yan ang gustong bigyang solusyon ng prototype na dinevelop
16:58ng STEM students sa Antipolo.
17:00Tara, let's change the game!
17:16Ilan lang yan sa karaniwang reklamo sa mga CR sa eskwelahan.
17:21Yung literal na Comfort Room ang tawag, pero...
17:24Minsan di na po nakapag-CR kasi dun sa amoy po.
17:27Naiilang po ko sa mga amoy at saka sa mga nakikita ko po.
17:32May solusyon dyan ang STEM students
17:34mula sa San Jose National High School sa Antipolo Rizal.
17:38Pasok, SMOKAS!
17:40Short for Smart Monitoring, Odor Control, and Alert System.
17:44Target ng prototype na mabawasan o maalis ang amonya sa hangin,
17:48lalo na sa mga CR.
17:50We've conducted a qualitative research din po about this.
17:55And ayun po, nalaman po namin na marami po pala kami na nagsastruggle.
18:00Kapag po tumataas po talaga yung panghi po ng CR o yung amonya po niya,
18:06nakakapag-make po siya sa mga students na maging nauseous sila.
18:10Tapos may nahihilo na rin po.
18:12The comfort room should live by its name po na nagsaserve po ng comfort sa mga students
18:18and also syempre po sa tao.
18:21Ang primary goal po ng humidifier na built-in po sa aming prototype
18:25is to lessen the odor.
18:31Katabi natin ngayon itong prototype na SMOKAS.
18:35So, una natin makikita dito, yung gas sensor.
18:38Siya yung nagde-detect nung level ng amonya sa hangin.
18:41Tapos, kapag ka masyadong mataas o di kaya mag-i-exceed ng 30 ppm yung amonya,
18:48e pinapadalhan niya ng mensahe o ng command itong ating motor, servo motor.
18:54Siya ngayon yung mag-on sa ating humidifier.
18:58Meron din siyang sensor para ma-determine yung temperature, humidity,
19:03adipo pang gas values.
19:05Additionally, kapag ka po nag-exceed ng 30 ppm yung amonya level sa CR,
19:12bukod dun sa command na ipapadala niya sa servo motor,
19:16e mapapadalhan din po ng message or text message yung nag-ahandle ng CR
19:23para ma-warningan po syempre yung mga tao kung ano yung conditions doon.
19:30Gamit ang teknolohiyang ito,
19:33e may chance ang mabawasan ang mga health risks at mapanatili ang comfort sa comfort room.
19:38Para sa GMA Integrated News, ako si Martin Avere.
19:42Changing the game!
19:47Gabi ng February 5 nang mag-landfall ng bagyong basyang sa Surigao del Sur.
19:53Mabilis na tumaas ang baha noon na puminsana sa mga bahay at kabuhayan ng mga residente.
20:00Sila naman ang hinatira ng tulong ng GMA Kapuso Foundation.
20:08Mahigit isang linggo na ang nakalipas matapos ang pananalasan ng bagyong basyang sa bayan ng Lanuza sa Surigao del Sur.
20:17Nagkalat pa rin ng mga troso at makakapal na putik sa daanan dulot ng kabi-kabilang landslide at malawakang pagbaha.
20:28Isa sa pinakanapuruhan ang sityo katupgas sa barangay Norsha kung saan umabot ng hanggang dibdib ang baha.
20:38Dahil daw sa lakas ng agos ng tubig na may mga kasamang kahoy,
20:43inanod ang ilang kabahayan, kabilang na ang tirahan ng pamilya ni Cherry.
20:50Tanging flooring na nga lang daw ang natira sa kanila.
20:56Nawalan po kami ng bahay, pati mga gamit, mga damit namin wala, walang natira, kahit isa.
21:02Sa bayan ng Cortez, pulong kahoy at kawayan ang lakas loob na tinawiranan ng mga residente ng barangay Poblachon matapos
21:13ang bagyo.
21:14Nasira kasi ang tulay sa kanilang lugang.
21:17Yung first few days, wala ho talagang nakarating kasi putol po yung bridge namin.
21:22Wala kaming source of water. Mahira po yung food.
21:25Kaya sa pagpapatuloy ng Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation para sa mga nasalantan ng Bagyong Basyang,
21:34nagtungo naman tayo sa bayan ng Lanuza at Cortez para maghatid ng mga food pack, katuang, ang 36th Infantry Battalion
21:43ng Philippine Army.
21:45Para maghatid ng magbigay ng transportation assistance, security, and then meron din mga manpower assistance sa pagkahatid ng mga services
21:55and mga relief goods.
21:56Sa kabuuan, 6,000 individual ang ating natulungan.
22:05At sa mga nais namang tumulong, maaari po kayong magdeposito sa aming mga bank account o magpadala sa Cebuana Low
22:14Year.
22:14Pwede rin online via Gcash, Shopee, Lazada, Globe Rewards at Metrobank Credit Card.
Comments