00:00May gitsampu pa ang pinaghahanap sa dalawang magkahiwalay na trahedya sa dagat malapit sa Basilan at sa West Philippine Sea.
00:09Unahin natin ang paglubog ng barko sa Basilan na Biyahing Suluh na may tatlundaang pasahero at crew.
00:15Labing walo na ang kumpirmadong patay habang sampu ang hinahanap.
00:19Mula po sa Zamboanga City, nakatutok live si Jonathan Andar.
00:23Jonathan.
00:23Mel, Emil, Vicky, andito ako ngayon sa compound ng Philippine Ports Authority sa Zamboanga City.
00:32Ito pong nakikita ninyo sa likod ko, sila po yung mga survivor at yung mga kaanak ng mga nawawala pa sa lumubog na barko o roro sa may Basilan.
00:43Ang nangyayari po rito, nabigyan na po ng paunang lunas yung mga survivor at profiling na lang yung ginagawa sa kanila.
00:52At binibigyan ng ayuda.
00:55Para sa survivors, binigyan po sila rito ng 20,000 pesos na cash, isang sakong bigas at relief goods.
01:02Mula po yan sa Zamboanga City Hall, DSWD, pati na po sa shipping line.
01:08Ito po ang report.
01:09Balot ng takot habang nagmamadali sa pagsusuot ng kani-kanilang life vest, ang mga sakay ng MV Tricia Kirsten III na lumulubog na noon sa dagat malapit sa Balok-balok Island, Basilan, kaninang pasado hating gabi.
01:33Makalipas ang ilang minuto, tuluyan ng lumubog ang barkong bumubiyahin noon pa sulu mula Zamboanga, sakayang 317 na pasahero at 27 na crew.
01:43May mga karga rin itong truck.
01:46Sakuhan ng isang netizen, kitang palutang-lutang sa dagat ang mga pasaherong desperadong humihingi ng saklolo sa gitna ng dilim.
01:54Kanya-kanya silang kapit sa mga pampalutang sa gitna ng kanilang mga kagamitang nagkalat sa dagat.
02:11Rumis ponde ang Philippine Coast Guard, kalaunan at sinagip ang mga biktima.
02:14Sa search and retrieval operations, 316 na sakay ng barko ang nasagip.
02:31Dinala sila sa Isabela City Port, Holo Port at Zamboanga City Port.
02:35Ginamot ang mga sugatang pasahero at binigyan ng pagkain.
02:40Isa sa mga sakay si Fatraliza na sinikap na makaligtas kahit di marunong lumangoy.
02:44Kwento naman ni Jule Munir. Nagising na lang silang tumatagilid na ang barko.
03:09Ang gising namin po, gumigilid na ganyan. Tapos na gano'n na. Seconds na nagkukuha na kami lahat ng mga lifejacket.
03:17Tapos mga ilang minuto lang, umano na yung barko. Tapos yun na, buwan na kami para sa buhay namin.
03:25Tapos yun na, palutang-lutang na lang kami sa dagat.
03:29Kwento naman ang school principal na si Rashula Waluddin.
03:33Narinig na lang nila ang isang security officer ng barko na nag-aanunsyong kumuha na sila ng lifejacket.
03:38Doon na raw nataranta ang mga pasahero at may ilang tumalun sa dagat.
03:43May lifejacket o kayo?
03:44Meron naman. Pero karamihan wala.
03:48Wala silang information na nagsabi na may nangyanyari na.
03:52Tapos ang sinabi lang nila, kuha kayo ng lifejacket, kalubog na yung barko.
03:57So nagpanikan lahat po sa ang tao, sa itaas.
04:01Seconds lang?
04:02Seconds lang.
04:03Pagkalubog ng barko, dalawang oras daw na nagpalutang-lutang sa dagat si Rasula bago dumating ang rescue.
04:11Nahiwalay raw siya sa mga kapwa teacher.
04:13Nananawagan ako sa mga pamilya po. Huwag kayong mag-alala.
04:17Hindi siya nakamiligtas.
04:20Desperado namang naghihintay ng balita sa pantala ng mga kaanak ng ilang pasahero.
04:25Ayon ka Philippine Coast Guard Commandant Ronnie Gavan, sampu pa ang nawawala sakay ng barko.
04:30Nabing walo na ang narecover na labi.
04:33Sabi naman ang may-ari ng barko na Allison Shipping Lines Incorporated,
04:37nang matanggap nila ang distress call ay agad silang nag-activate ng quick response measures
04:42at nag-deploy ng mga sasakyang pandagat.
04:45Nakikipagugnayan daw sila sa mga otoridad habang patuloy ang search and rescue operations.
04:50Nagpaabot din sila ng pakikiramay sa lahat ng sakay ng barko pati na sa mga pamilya nila.
05:00Vicky, ito pong napapanood nyo ngayon sa inyong screen.
05:03Yan yung aerial inspection ng Philippine Coast Guard doon sa karagatan-sahop ng basilan
05:08kung saan po lumubog yung roro.
05:10Hanggang sa mga oras po na ito, ang sabi po ng PCJ, patuloy pa rin ang search and rescue operation.
05:15Dumating na rin dito ang hepe mismo ng Philippine Coast Guard na si Commandant Ronnie Gavan
05:20na magbibigay sa atin ng update mamaya kung ano ba talaga nangyari at paano lumubog yung roro.
05:25Ang sabi po naman ng mayor ng Zamboanga City, kasama po sa mga nasaway, isang abogado at isang teacher.
05:31May isang sundalo rin po na nawawala.
05:33Batay po sa na-interview natin dito na sundalo na nakaligtas mula doon sa trahedya.
05:38Yan muna ang latest mula rito sa Zamboanga City. Balik sa iyo, Vicky.
05:42Maraming salamat sa iyo, Jonathan Andal.
05:44Patuloy din hinahanap ang apat na nawawalang sakay ng lumubog na barco sa Bajo de Masinloc noong Huwebes.
05:53Ang mga labinang dalawang nasawi at labing limang nasagip ng China na i-turnover na sa Philippine Coast Guard.
06:01Nakatuto si Chino Gaston.
06:03Muling nagpang-abot ang BRP Teresa Magbanwa at isang China Coast Guard vessel pero hindi na para magpatintero sa dagat.
06:14Sa pagdidikit ng kanila mga rubber boat, itinurn over sa Pilipinas ng China ang labing limang Filipino seafarers na kanilang narescue ng dumaobang Singaporean cargo vessel na MV Devon Bay sa dagat malapit sa Pangasinan noong January 22.
06:29Itinurn over din ang labing ng dalawang nasawing crew members.
06:32Nagpasalamat din ang mga Pilipino crew sa pagkakaligtas na kanila ng China Coast Guard na nagbigay rin ang pagkain at maayos na tulugan sa mga biktima habang nasa barko.
06:42Tila na isantabi rin ang iringa ng mga Coast Guard ng dalawang bansa sa West Philippine Sea sa maayos na turnover.
06:48Pag itong pagkakataon, we set aside po muna yung itong ganito mga concerns po natin. Again, we all have, all the coastal states have moral obligations to render people in distress regardless of their boundaries or even the nationalities.
07:04Kaninang madaling araw ay nakarating na ng Port of Manila ang mga Filipino seafarers at agad silang sinalubong na mga kinatawan ng OWA at DMW.
07:14Tatanggap sila ng tulong pinansyal, psychosocial support at ibang tulong para agad silang makabalik sa kanilang mga pamilya.
07:21Patuloy namang hinahanap ng mga barko at eroplano ng Philippine Coast Guard ang apat pang mga crew ng MV Devon Bay,
07:28kabilang ang kapitan na si Elimar Jucal na hindi raw iniwan ang barko hanggang sa huli.
07:34Yung heroism na ginawa po ng kapitan etong MV Devon Bay, although as of the moment is hinahanap pa rin po natin siya.
07:41Pero as per statement po, anong ating mga rescued crews ay itong si kapitan ay huli po talagang umalis ng barko.
07:49Para sa GMA Integrated News, sino gasto na katutok 24 oras?
07:54Pinaimbestigahan ng palasyo ang tangkang pagpatay sa Alkalde ng Sheriff Aguac sa Maguindanao del Sur,
08:01kung saan ahuli kang pang gumamit ng rocket-propelled grenade o RPG ang mga suspect.
08:06May binuunang Special Investigation Task Group ang PNP.
08:11At nakatutok si June Veneracion.
08:16Malapilikula ang mga tagpo sa isang ambush sa Maguindanao del Sur kahapon ng umaga.
08:21Isang lalaking armado ng rocket-propelled grenade o RPG ang nahulikam na bumaba mula sa nakaparadang minivan at may inasinta.
08:29Sinapol nito ang likuran ng isang SUV.
08:40Nakaligtas ang sakay ng bulletproof na SUV na si Sheriff Aguac Mayor Ahmad Mitra ang patuan,
08:46pero sugatan ang dalawa niyang security escort.
08:49Mabilis na tumaka sa mga suspect pero naabutan at naharang na mga pulis at sundalo.
08:54Tatlong sospek ang patay.
08:58Kabilang ang nagpapatok ng RPG na si alias Rap Rap.
09:01Nakatakas naman ang driver ng minivan.
09:03Base sa investigasyon ng PNP, magkakamag-anak ang apat.
09:07Ini-establish po nila mami yung po ang kanilang pag-establish ng motibo.
09:11Kumukuha sila po ng mga ebidensya kung ito po yung mga hired killers.
09:15Sa investigasyon, lumabas na may tatlong warrant of arrest sa iba't ibang kaso gaya ng murder.
09:20Ang napatay ng sospek na gumamit ng RPG.
09:22Ini-investigahan pa paano sila nakakuha ng ganong klaseng armas.
09:27Nakita po sa initial investigation na kung bakit po gumamit ng posible ng RPG
09:32dahil alam po nila na bulletproof ang sasakyan.
09:34Kung ito yung tinamaan ng solid, mag-iiba, mag-iibang marahil, mag-iiba po ang kwento ng nangyayang insiden.
09:39Sa utos ng liderato ng PNP, bumuunan ang Special Investigation Task Group para investigahan ng ambush
09:46at mga tukoy kung sino ang mga nasa likod dito.
09:49Lumalabas din na pang-apat na beses na pala itong mahinagtangka sa buhay ng mayor ng bayan ng Sharif Agua.
09:57Sa isang press con ngayong araw, sinabi ni mayor ang patuan na hindi ordinaryong tao ang may kakayahang gumawa ng pagtangka sa kanya.
10:05Hindi ko akalayan na mga ganon mangyari sa akin. Sinong tao na ganon na kalakas na bari na i-bari sa akin?
10:13Inihayag din ang alkalde ang kanyang pagtataka kung bakit siya binawian ng security detail.
10:18Bigla lang naalis yung escort ko. Doon na nagpasok yung lahat ng treats sa akin na amusin ako.
10:25Mabilisang paglutas sa krimendin ang utos ng Malacanang.
10:28Kinukundin na po ng Pangulo ang nangyaring yan.
10:30At dahil sa kanya pong pag-uutos at telektiba, agad-agad din pong kumilos ang DILG, pati po ang PNP.
10:39Para sa GMA Integrated News, June Venerasyon Nakatutok, 24 Horas.
10:46At gumugulong na ang investigasyon sa mabilis na paglubog ng MV Tricia Kirstin III sa Basilan.
10:52Ilan sa mga sinisilip ang posibleng overloading at ang kakayahan ng barko dahil sa kalumaan nito?
10:58Nakatutok live!
10:59Si Gino Gaston.
11:01Gino!
11:05Emil, wala pang linaw sa ngayon kung ano ang nagdulot na paglubog na isang passenger ferry kagabi malapit sa Basilan kung saan labing walo ang nasawi.
11:13Nang lumarga ang MV Tricia Kirstin III mula Zambuanga City Port noong linggo ng gabi, papunta sana ng Hulusulu, maayos naman daw ang panahon, sabi ng mga opisyal ng Basilan.
11:27Maayos din at walang problema na nai-report ng MV Tricia.
11:30Pero ilang minuto bago mag-alaunan ng madaling araw kanina habang nasa may malapit sa barangay labok-labok, nagdistress call ang MV Tricia.
11:39Sa report na nakuha ng PCG at ni Basilan Governor Mujib Hataman, tumagilid daw ang barko saka pinasukan ng tubig.
11:46May nagsasabi na pinasok na ng tubig bago tumagilid.
11:49Ang sigurado, mabilis daw na lumubog ang MV Tricia.
11:53Aalamin kung may sinalubong na malalaking alon din ang barko.
11:57Ayon sa Philippine Coast Guard, lahat na posibilidad iimbestigahan nila.
12:01Kasama na dyan kung overloaded ang Roro Vessel.
12:04Ang sabi ng PCG Commandant Ronnie Hill Gavan, 344 ang kabuang sakay ng MV Tricia Kirstin III.
12:11Nasa 317 ang pasahero, habang 27 ang crew.
12:15Bukod dyan, may 23 hanggang 27 itong crew.
12:18Ang maximum passenger load ng Roro ay 352 passengers.
12:23Bukod pa dyan, may lulanding daw itong mga truck.
12:26Aalamin din ang seaworthiness ng MV Tricia na 31 taon na mula ng ginawa.
12:32Base sa website ng marintraffic.com, 1995 daw itong ginawa sa Japan.
12:37Binili ng Allison Shipping Lines Incorporated noong taong 2020.
12:41Sa huling tala ng Coast Guard, 316 sa sakay ng barko na ang nailigtas.
12:4618 na ang patay, habang 10 ang nawawala, kabilang ang kapitan ng barko.
12:51Sabi ng Maritime Industry Authority o Marina,
12:53iimbestigahan nila ang trahedyang nangyari sa pakikipagtulungan sa Philippine Coast Guard.
12:58Batay sa paunang impormasyon, naglayag daw ang MV Tricia sa pinahintulutang kapasidad ng Roro.
13:04Kinumpirma ng Marina Regional Office 9 sa lungsod ng Zamboanga
13:08na ang lahat ng kinakailangan dokumentong pangkaligtasan at naaayon sa batas
13:13ay valid at may visa sa panahon ng insidente.
13:17Aalamin daw nila ang buong pangyayari at kung sino ang dapat panagutin.
13:22Patuloy ang search and rescue ng PCG sa lugar ngayon
13:24at hinahanap ang mahigit 20 nawawala pa.
13:27We use naman a systematic base of search and rescue approach.
13:31Kasama po yun yung pag-compute ng current sa area na yan.
13:35Yung lakas ng hangin yan, so kasama yan.
13:37Iniutos na ni Pangulong Marcos na hatiran ng agarang tulong
13:40ang mga nakaligtas na pasahero sa Basilan at Zamboanga City.
13:43Ang DSWD po ay inutos na po ng Pangulo para po mabigyan ng karampatang tulong
13:48ang ating mga kababayan na naapektuhan po nito at nabiktima po sa nasabing insidente.
13:57Emil, hindi pa raw nakakausap ng Philippine Coast Guard
14:02ang operator ng nasabing barko na Allison Shipping
14:05dahil sa ngayon ang priority ay hanapin pa yung mga nawawalang pasahero
14:09na posibleng palutang-lutang pa hanggang ngayon sa karagatan.
14:13Emil.
14:15Kino Gaston
14:15Naihain na sa Secretary General ng Kamara ang ikalawang impeachment complaint
14:22laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
14:25Ayon sa mambabatas na nag-endorso ng reklamo,
14:28nairefer na rin yan agad sa tanggapan ng House Speaker.
14:32Nakatutok si Darlene Cai.
14:33Opesyal ng tinanggap ng Office of the Secretary General ng Kamara
14:40ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
14:44Private complainant ang grupong bayan o bagong alyansang makabayan
14:47na inendorso ng mga kongresista ng makabayan bloc.
14:50Sinapit na namin at nandiyan na si Sec. Gen. Garafil
14:54at nireceive na ng kanyang opisina personal
14:59na inabot namin ang complaint sa kanya.
15:05So wala nang duda rito, no?
15:07Filed and received by the Office of the Secretary General
15:11at ang malinaw na nakasaad sa rules
15:14ay the Secretary General shall immediately refer to the Speaker.
15:22So yan ang inaasahan natin ngayon.
15:24Natanggap niya na.
15:26Hindi tinanggap ng Office of the Secretary General
15:28noong nakaraang linggong nasabing reklamo
15:30dahil wala raw authorized na tumanggap nito
15:32dahil nasa ibang bansa noon
15:34si House Secretary General Celoy Garafil.
15:37Sabi ni Tinho, matapos nanggapin ang kanilang reklamo,
15:40o agad naman daw itong inirefer
15:41ng Office of the Secretary General
15:43sa tanggapan ni House Speaker Bojie D.
15:45Base kasi sa Rules of Procedure
15:47and Impeachment Proceedings ng Kamara,
15:49kailangang immediate o agad-agad
15:51ang pag-refer sa Speaker
15:52ng isang impeachment complaint.
15:54Pagkatapos nito ay kailangang isama ng Speaker
15:56ang verified impeachment complaint
15:58sa order of business
15:58sa loob ng sampung session days
16:00at saka i-re-refer sa Comerion Justice
16:03sa loob ng tatlong session days.
16:05Dahil nagbalik na ang session ng Kamara,
16:07tumatakbo na rin ang pagbibilang
16:09ng mga araw para mangyari ang mga yan.
16:11We insist that the second impeachment complaint
16:13must be included in the order of business
16:16at hindi magamit na may first impeachment complaint na
16:20para ma-activate na yung one-year bar
16:23and hindi makonsider yung second impeachment complaint.
16:25Ikadidismayaraw ng grupo
16:26kung hindi ma-isama ang inihain nilang impeachment complaint
16:29dahil meron daw doon mga argumentong
16:31wala sa naunang impeachment complaint
16:33na inihain ng abogadong si Andre De Jesus.
16:35Obviously, magiging malinaw na maniobra yun
16:40kung mag-iitsa puwera sila
16:42ng aming complaint o iba pang complaint
16:45na maari pang dumating.
16:48So, malinaw na paborito sa presidente
16:53pagka ganon.
16:55Lalo pa at sinasabi na yung naunang complaint
16:58ay somehow or other associated din daw sa Malacanang.
17:02So, talagang magdududa ka
17:04at malinaw na paglapastangan nito
17:07sa constitutional process ng impeachment
17:10at pagpapanagot sa presidente.
17:14Kaya, dapat hindi mangyari yun.
17:18Nauna ng itinanggi ni De Jesus at ng Malacanang
17:21na sinadya ang pagsasampa ng
17:22umano'y malabnaw na impeachment complaint.
17:25Bukod sa grupong bayan,
17:26nagtangkarin at nabigo ang ilang dating
17:28opisyal ng gobyerno na maghain ng impeachment
17:30laban sa Pangulo dahil wala nga
17:32si Secretary General Garafil noong nakaraang linggo.
17:36Sinusubukan pa ng GMA Integrated News
17:38na kunin ang panig ni Garafil.
17:40Nauna nang sinabi ng Malacanang
17:41na handa ang Pangulo sa mga reklamo
17:43at malakas ang loob niyang
17:44wala siyang nilabag na anumang batas.
17:46Ang presidential son naman na si
17:48House Majority Leader Sandro Marcos
17:50hindi raw sasali sa anumang diskusyon
17:53o debate kaugday sa impeachment complaints
17:55na kinakaharap ng kanyang ama.
17:57Ito ay para raw pangalagaan
17:59ng integridad ng Kamara.
18:01Para sa GMA Integrated News,
18:03Darlene Kain nakatutok 24 oras.
18:07Samantala, kani-kanina lamang
18:08ay formal nang na-refer
18:10sa House Committee on Justice
18:12ang dalawang verified impeachment complaint
18:15laban kay Pangulong Marcos.
Comments