Skip to playerSkip to main content
Tulad ng misis niyang si Sarah Discaya, gusto ng DPWH na makulong din ang contractor na si Curlee Discaya kaugnay sa flood control project sa Davao Occidental.


Pero ayon sa Ombudsman, inaalam pa sa preliminary investigation kung dapat makasuhan si Curlee Discaya.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tulad ng missus niya ang si Sarah Diskaya, gusto ng DPWH na makulong din ang contractor na si Curly Diskaya,
00:09kaugnay sa flood control project sa Davao Occidental.
00:13Pero ayon sa Ombudsman, inaalam pa sa preliminary investigation kung dapat makasuhan si Ginoong Diskaya.
00:21Nakatutok si Joseph Moro.
00:26Magdadalwang buwan nang nakulong sa Lapu-Lapu City Jail ang contractor na si Sarah Diskaya dahil sa kasong malversation at
00:33corruption
00:33dahil sa 96.5 milyong pisong umanay flood control project sa Davao Occidental.
00:39Si Sarah ay umami na beneficial owner ng kumpanyang St. Timothy Construction.
00:44Nakakulong rin ang tauhan niyang si Angeline Rimando na nakalist ng managing officer ng kumpanya
00:49at walong iba pang engineer ng Davao District Engineering Office.
00:54Ngayon, gusto ng Department of Public Works and Highways o DPWH na isama na rin na kasuhan
01:00at makulong ang asawa ni Sarah na si Pasifiko o Curly.
01:04Naghain ng manifestation ng DPWH sa Ombudsman para imbestigahan na rin si Curly
01:10na nakaditinay ngayon sa Senado dahil sa ipinataw na kontemplaban sa kanya.
01:14Mayroon kami mga dinagdag na tao. Iba ba yung Cebu? Iba ba yung Cebu? Yung Cebu this week ata.
01:19This week ata namin i-re-refer yung Cebu.
01:22Kinumpirma ito ng Ombudsman na nagsabing nagsumite ang DPWH
01:26na mga sinumpaang salaysayo affidavit na magpapatunay na tulad ni Sarah,
01:31beneficial owner o sa madaling sabi, may ari din si Curly ng kumpanya.
01:36Buti na lang po, merong mga tao ang magsasabi na from inside the company
01:41na itong mga tao na ito ay talagang ang beneficial owner
01:46at yung nagpapatakbo ng mga kumpanya na ito.
01:50Dadaan sa preliminary investigation ng Ombudsman kung dapat rin bang kasuhan
01:55ang asawa ni Sarah Descaya na si Pasifiko.
01:58Hiningin namin ang panig ng kampo ng mga Descaya pero tumangging magbigay ng pahayagang abogado nila.
02:04Ang Ombudsman, mas nahimik na ang galawan ngayon pero hindi raw ibig sabihin
02:08na walang nangyayari sa mga kaso kumpara nung isang taon.
02:12Nakaliwat ka na ng anunsyo na may mga makukulong.
02:16Gusto raw nilang matibay ang mga kaso.
02:18We're up against the best lawyers.
02:21The best lawyers that money can buy.
02:23Pera po ang kalaban namin dito.
02:25Bukod sa mga kaso sa Ombudsman, may nakabimbinding reklamo
02:28laban kinadating DPWH Bulacan Engineer Bryce Hernandez at JP Mendoza
02:33Sa eksklusibong ulat ng GMA Integrated News noong isang linggo,
02:37hiniling ng dalawa sa DOJ na huwag gamitin ang kanilang affidavit o salaysay laban sa kanila
02:43dahil hindi raw nila ito na-review at paglabag ito sa kanilang karapatan.
02:47Sabi ng Ombudsman na gamit nila ang mga salaysay ng dalawa sa ibang kaso
02:52pero kahit wala daw ito, ay hindi naman ito makakaapekto sa ibang kaso.
02:57A lot of the documents that were mentioned in the affidavits were already obtained.
03:03At makikita doon sa mga documents na yun kung sino ang pumirma,
03:08sino ang dapat nag-check ng mga ghost project.
03:10So even without the affidavit, even without the statements, it will stand on its own.
03:15Sa Korte Suprema naman, ipinapawalang visa.
03:18Ng dating Congressman Saldico ang kaso ng Ombudsman sa Sandigan Bayan laban sa kanya
03:23pero wala daw karapatan na humirit si Kodal nagtatago ito sa batas.
03:27Alam naman ho natin lahat na hindi naman talaga pwedeng pagbigyan ang isang fugitive.
03:33Although sumubok na lang din siya.
03:35Sabi naman ng abogado ni Ko, mas mabuting ihain daw yan ni Clavano sa Korte Suprema
03:39lalo't maituturing ng subjudice ang anumang usapan sa labas ng Korte.
03:44Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
03:49Korte Suprema
Comments

Recommended