00:00Pinakakasuhan ng Independent Commission for Infrastructure o ICI sa Ombudsman,
00:06si dating Congressman Zaldico, kaugnay sa maanumalyang proyekto sa Nowhan, Oriental, Mindoro.
00:12Dawit din dyan ang labimpitong iba na karamihan ay opisyal ng DPWH.
00:18Nakatutok si Jonathan Andal.
00:19Kumpleto ang tatlong miyembro ng ICI o Independent Commission for Infrastructure
00:28nang ipasa sa Ombudsman ang mga inirekomenda nilang sampahan ng reklamo.
00:33Una sa listahan ng kareresain lang na kongresista na si Zaldico
00:37na itinuturong mastermind sa korupsyon sa mga flood control project.
00:41Posible pong magsampa ng kaso paglabag ng Anti-Corrupt and Corrupt Practices Act
00:52sa Procurement Law po sa violation ng Revised Penal Code
00:58specifically sa provision ng malversation and falsification.
01:04And of course, isa po dito ay yung paglabag sa Code of Conduct of Public Officers and Employees.
01:14Kabilang sa basihan ng rekomendasyon,
01:16ang flood control project sa Nowhan, Oriental, Mindoro
01:19na ginawa ng Sunwest Incorporated, dating pag-aari, NICO.
01:23Ginamitan kasi yan ng substandard na materyales,
01:26particular ng sheet pile o bakal,
01:28na tatlong metro lang umano ang haba imbes na labing dalawang metro.
01:33Kaya nalugi ang gobyerno ng 63 milyong piso.
01:37Kulang-kulang din umano ang dokumentong ibinigay ng Sunwest
01:39ng bayaran ng DPWH.
01:41Tulad ng mga madilim na literato para ipakita ang usad ng konstruksyon.
01:46Pare-pareho lang umano ang mga literatong ginamit sa magkaibang progress billing
01:49na ginawang batayan sa pagbayad sa Sunwest.
01:52May mga posible rin umanong pinikeng sertifikasyon ng ilang opisyal ng DPWH
01:57na posible umanong nakipagsabuatan sa mga opisyal ng Sunwest
02:01para mailusot ang bayad sa proyekto.
02:04Bukod kay ko, inirekomenda rin ang ICI na kasuhan ng ombudsman
02:08si Engineer Gerald Pakanan,
02:10dating Regional Director ng DPWH Mimaropa,
02:13na nakakasakop sa Oriental Mindoro.
02:15Pati ng dalawang Regional Directors doon,
02:16na si Jean Ryan Altea at Ruben Santos Jr.
02:20at siyem na iba pang opisyal ng DPWH.
02:23Damay din sa rekomendasyon ng ICI,
02:25si Aderma Anjili Alcazar,
02:28ang Presidente at Chairman of the Board of Directors ng Sunwest,
02:32pati na ang apat na membro ng Board of Directors nito.
02:34Ang ICI nga, gaya po sa parating sinasabi,
02:38ay nagbabasi po sa ebidensya.
02:40The stronger the evidence we have,
02:42the more complete our evidence we have,
02:45that's the time that we will file our recommendation to ombudsman.
02:49Hindi po kami,
02:49hindi po basta-basta kaming
02:51nagre-rely
02:53o umaasa
02:55sa mga single testimony
02:57o sa isang affidavit po lamang.
03:00Sabi ng ICI,
03:01ipapatawag nila si Ko
03:02at ang iba pang posibleng sangkot.
03:04Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag
03:06ang mga inirekomenda ng ICI
03:08na kasuhan ng ombudsman.
03:10Para sa GMA Integrated News,
03:11Jonathan Andal,
03:12nakatutok 24 oras.
Comments