00:00Bumyahi na papuntang Cebu ang kontratistang si Sara Diskaya para maiharap sa Korte na nagpa-aresto sa kanya
00:07kaugnay ng P96 Million Ghost Flood Control Project sa Davao Occidental.
00:12Pero bago yan, humarap siya at ang asawang si Curly Diskaya sa Justice Department kaugnay ng reklamong tax evasion.
00:20Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:21Mula sa NBI Detention Facility sa Muntinlupa, ibiniyahe si Sara Diskaya patungon Department of Justice kaninang umaga.
00:35Nakatalokbong, nakasuot ng bulletproof vest at nakaposa si Sara habang bantay sarado ng mga NBI personnel.
00:44Kasunod niyang dumati ang mister na si Curly na mula sa Senate Detention Facility.
00:49Magkasama silang humarap sa preliminary investigation ng DOJ,
00:54kugnay sa reklamong tax evasion na isinampa ng Bureau of Internal Revenue.
00:59Dahil ito sa hindi umanog pagbabayad ng buwis ng mag-asawa na haabot daw ng P7 billion pesos.
01:06Hindi sila humarap sa kamera, bawal din ang media sa loob.
01:09Pero ayon sa abogado ng mga Diskaya, nag-file sila ng rejoinder at inaasang for resolution na ang tax complaint.
01:17Kinakailangan po na siya'y dumating dito kasi panunumpaan niya po yung kanyang rejoinder sa tax evasion case before the prosecutor.
01:25Now the case is submitted for resolution. You can expect that by next week, we will have the resolution out already.
01:32Sa pag-alis ni Curly sa DOJ, natanong siya tungkol sa pag-aresto sa kanya misis.
01:37Matapos nito, dinala si Sarah sa NBI headquarters sa Pasay City.
01:50Doon na siya naghintay ng oras para sa kanyang flight sa Cebu.
01:54Kailangan kasi siyang iharap sa korte sa Cebu para ipaalam sa hukuman na nahuli na ito.
01:59Arestado si Sarah sa visa ng warrant of arrest para sa mga kaso kaugnay sa ghost projects sa Davao Occidental na nagkakahalaga ng 96 milyon pesos.
02:09Pero mula sa Davao, inilipat ang kaso sa Lapu-Lapu City sa Cebu.
02:14Ayon sa Supreme Court, kailangan gawin ito alinsunod sa utos ng korte na magtalaga ng special court para sa flood control anomalies.
02:22Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok 24 Horas.
Comments