00:00Inendorso ng Justice Department sa Ombudsman ang tatlong reklamong malversation na laban kay Sen. Joel Villanueva
00:07kaugnay sa maanumalya umanong flood control project sa Bulacan.
00:11Tumanggi ang tagapagsalita ng kagawaran na i-detalye kung ano ang rekomendasyon ng kanilang prosecutors
00:18pero susuriin anya ng Ombudsman ang findings ng mga ito.
00:22At kapag may nakitang sapat na ebidensya, ay saka magsasampa ang Ombudsman ng kaso laban kay Villanueva sa Sandigan Bayan.
00:31Sa isang text message, sinabi ng abogado ni Villanueva na hindi pa sila naabisuhan kaugnay rito kaya vine-verify pa
00:38nila ito.
Comments