00:00Kumpiyansa si DPWH Secretary Vince Dizon na malakas ang ebidensya laban sa mga sangkot sa umunoy substandard flood control project sa Nauhan, Oriental Mindoro.
00:10Sinabi ni Dizon nang tumestigo siya sa Sandigang Bayan. Nakatutok si Maki Pulido.
00:18Isinalang ng prosecution bilang kanilang testigo si Public Works Secretary Vince Dizon para sabihin ang kanyang mga obserbasyon
00:26matapos inspeksyonin ang P289M Flood Control Project sa Nauhan, Oriental Mindoro.
00:33Ang paglilitis ay nasa yugto ng bail hearing para sa dating taga DPWH Mimaropa.
00:39Pinaghahanap pa kasi sinadating Congressman Zaldico at mga opisyal ng construction company na Sunwest Inc.
00:45Sa cross-examination, ipinunto ng mga abogado na mga akusado na ongoing pa ang proyekto at hindi pa tinatanggap ng DPWH
00:54kaya't responsibilidad pa ng kontraktor.
00:58Sabi ni Dizon, dahil sobrang substandard ang pagkakagawa, imposible nang maayos ang proyekto ng hindi ginigiba at pinapatayuan ng bago.
01:07Dagdag ni Dizon na sa Program of Works, 12 meters dapat ang steel sheet pile na magpapatibay sa konstruksyon ng dike.
01:15Pero 3 meters lang ang ginamit. Pagpunto ng depensa, isang lugar lang ang ininspeksyon kung saan nakita ang 3 meters na sheet pile.
01:24Pero sabi ni Dizon, ininspeksyon din ang ibang bahagi ng higit 400 meters na road dike.
01:29Marakas ang ebidensya, klarong-klaro. Kitang-kita naman natin na talagang substandard yung mga ginagay na sheet pile.
01:37Naniniwala si Dizon na mapapanagot ang sabi niya ay kuntsabahan para manakaw ang pera ng bayan.
01:44May kumpiyansa tayo sa Sandigan Bayan na talagang mapapatunayan, na talagang substandard yung proyekto
01:53at nagkakuntsabahan ang San West, si former Congressman Zaldico at mga taga DPWH
02:04para gumawa ng isang substandard na proyekto para nakawin ang pera ng mga kababayan natin.
02:10Sa susunod na pagdinig sa kasong malversation, kaugnay ng diumanoy maanumaliang flood control project sa Nauhan Oriental, Mindoro.
02:18Isasalang naman ang prosekusyon bilang kanilang testigo ang isang opisyal ng Land Bank of the Philippines.
02:25Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatutok, 24 Horas.
Comments