Skip to playerSkip to main content
Nanindigan ang Justice Department na susunod ito sakaling makatanggap ng arrest warrant mula sa International Criminal Court laban kay Sen. Bato dela Rosa. Pero sa ngayon ay wala pang ganito. Kung sakali, kabilang sa dalawang paraan para ipatupad ito ay ang pagsuko sa inisyuhan ng warrant.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nanindigan ang Justice Department na susunod ito sakaling makatanggap ng arrest warrant
00:05mula sa International Criminal Court laban kay Sen. Bato de la Rosa.
00:10Pero sa ngayon ay wala pang ganito.
00:12Kung sakali, kabilang sa dalawang paraan para ipatupad ito ay ang pagsuko sa inisyohan ng warrant.
00:19Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:21We have not seen nor received any copy of this ICC warrant of arrest.
00:31Ito ang nilinaw ng Department of Justice matapos sabihin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia
00:36na may warrant of arrest na ang International Criminal Court para kay Sen. Bato de la Rosa.
00:42Pero kahit wala pang nakikitang warrant, sakaling meron talaga nito ay susunodan nila ang Justice Department.
00:48We will have to comply. One of the possible situations would be just determining the length of time when it would actually be implemented.
00:56Sabi ng DOJ, sa ilalim ng batas, dalawa ang opsyon nila para ipatupad ito.
01:01Una, ang pagsusuko ng inisyohan ng arrest warrant na mas maigsi at mas madali umano.
01:07Pero ito mismo ang kinokwestiyon sa Supreme Court ng eskortan at isakay sa eroplano ng mga tauhan ng gobyerno
01:14si dating Pangulong Rodrigo Duterte para dalhin sa The Hague.
01:19Si de la Rosa ang isa sa mga humiling sa kataas-taas at hukuman na ediklarang unconstitutional
01:24ang pakikipagtulungan ng gobyerno sa ICC.
01:28Lalo't hindi naan niya miyembro ng ICC ang Pilipinas.
01:31Ayon sa DOJ, hihintayin nila ang desisyon ng Korte.
01:35We want to be more circumspect in any action that we will be taking.
01:39Even if we may not be part of the ICC anymore, there is still that principle of reciprocity
01:45that governs between relations among nations and in fact, reciprocity and committee.
01:52Kung extradition naman, hindi ito agad-agad maipatutupad at dumadaan din daw sa Korte.
01:58Kabilang sa mga argumento contra dito, ay hindi naman bansa ang ICC para humiling ng extradition.
02:04Ganun pa man, pinag-aaralan daw nila ang lahat ng pwedeng hakbang.
02:10Binago naman ang ICC ang kanilang rules para mabantayan ang mga aplikasyon para sa arrest warrant at summons.
02:17Sa bago regulasyon ng ICC na pinatupad mula kahapon, November 10,
02:22kailangan secret o confidential ang mga ito at isa sa publiko lang kung may permiso ng mga hukom.
02:29Bahagian nila ito ng mga hakbang para mapagbuti pa ang proseso ng Korte.
02:33Ipa-iikot ito sa mga miyembrong bansa ng ICC at kung walang pagtutol, ay ipagpapatuloy ang pagpapatupad nito.
02:42Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo na Katutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended