Aired (February 8, 2026): MGA ‘YOUNG STUNNA’ NA PANSININ SA KANILANG PANANALITA AT PORMA, IPINAGBABAWAL NA RAW SA BGC?!

Mainit na pinag-usapan at pinagdebatehan ang paghaharang kamakailan ng mga guwardya ng BGC o Bonifacio Global City sa Taguig sa ilang kabataan.

Diumano, hinarang sila dahil sa kanilang suot na oversized shirt, jorts at baggy pants. Ganito raw kasi ang pormahan at palatandaan sa mga tinatawag nilang Young Stunna na diumano, ugat daw ng mga napaulat na kaguluhan sa lugar?

Pagpapanatili ba ito ng seguridad sa isang public space pero isa ring private property? O maituturing na diskriminasyon at pagpapakita ng elitism?

Panoorin ang video. #KMJS

"Kapuso Mo, Jessica Soho" (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

🎈
Fun
Transcript
00:02Ang tawag sa kanila, Youngs, Panas, kakaiba ang kanilang mga kasuotan, pati na ang kanilang mga galawan.
00:12Kaya nga ba sila sinisita at tinataboy pa mula sa BGC o sa Bonifacio Global City?
00:22Mainit na pinag-usapan at pinag-debatihan ang pagharang kamakailan ng mga gwardya ng BGC o ng Bonifacio Global City
00:32sa Taguig sa mga kabataang ito.
00:36Iumano, tinarang sila dahil sa kanilang mga suot na oversized t-shirt, jorts at baggy pants.
00:45Ganito raw kasi ang formahan at palatandaan sa mga tinatawag nila, Youngs, Tana.
00:53Their place, their rules. Sana hindi sa formagumasa yung mga marshal.
00:59Sa mga nakalipas na linggo kasi, ang mga Youngs Tana ang itinuturo sa likod ng ilang mga riot at nakawan
01:06sa BGC.
01:09Kaya tuloy may nagbansag dito na Bonifacio Gangster City.
01:16Pagpapanatili ba ito ng seguridad sa isang public space pero isa ring private property o maituturing na diskriminasyon at pagpapakita
01:27ng elitism?
01:33Teka rin muna, Youngs Tana, ano yun?
01:37Ang grupong bumiyahe pa pa BGC pero naharang mga tiga-barangay matandang balara sa Quezon City.
01:46Sila ang magkakaibigang Ralph, Brent at Robert, mga Certified Youngs Tanas.
01:59Sa mga tropa ko po nakuha, parang nagandaan din po sa saot nila.
02:03Tinatry po namin kung babagay saan.
02:05Ang Youngs Tana, slang daw ng Youngs Tanner.
02:10Grupo raw sila ng mga kabataang maangas manamit, mahilig magpakitang gilas at hindi takot na maging iba.
02:19At kaya raw sila nasa BGC noon para i-piktorial ang mga suot nilang damit.
02:26Ito po yung imamodel po dapat namin that time.
02:29Pagbaba nga po namin, napansin nga po na isang kaibigan po namin na parang nagraradyo na nga po yung mga
02:34guards.
02:35Punikain niya sa nangaraw po amin ang martial law malis na nga po.
02:38Huwi na kayo.
02:40Huwag kayo dito.
02:41Parang nakaka-intimidate na po kasi first time lang din po na maranasan na sundan na mga ganun ba.
02:47Pakiramdam mo po namin na parang may nagawa aming masama.
02:51At hindi raw sila magpipicture-picture para lang may pampost online.
02:57Pictorial daw sana ito para sa negosyo ni Ralph at ng kuya niya na Youngstana Fashion.
03:05So ang dalagalan to G.
03:06All that's say G.
03:08Nagbibenta po ako ng clothing.
03:09Tapos naglalatag po kami ng mga damit po ganun para may pera din po.
03:14Ito po ano po ito?
03:16500 po.
03:17Tapos yung cup naman po namin, 300.
03:20Ito, bilhin na kayo neto G.
03:21Solid to.
03:22Para maraming may love na e-assign nyo.
03:24Kung ang mga gengen, Y2K, o Year 2000 ang pormahan,
03:29ang mga Youngstana, Western Hip Hop daw ang fashion inspiration.
03:36Panis ka po, panis ka po, panis ka po, panis ka po, panis ka po, panis ka po, panis ka
03:43po, panis ka po.
03:43Pag gaya ito po saot ko, confident ako lumabas-labas sa mga ano.
03:48At ang firming ginagawang backdrop ng mga Youngstana sa kanilang pictorial,
03:54na kalsada ng BGC.
03:56Magaganda po kasi dun yung ano, pat po, tas marami din pong ilaw.
04:01Ang isa pang kapansin-pansin sa mga Youngstana,
04:04bukod sa kanilang fashion sense,
04:07ang kakaiba nilang tono at lengguahe.
04:10Meron silang sariling bokabularyo,
04:12kung saan ang mga salita binabaligtad.
04:15Epos ka lang lagi sa akin sa,
04:17bit-bit ko lang lagi yung swag.
04:19Pag nagkakayaan po ito maambay,
04:21tapos parang ayaw po yung isa,
04:22yun po yung sila sa,
04:23na-oyet eh, yan tayo eh.
04:26Pinapaikse.
04:26Gusto ka naman G?
04:27Buds lang sak, soktan-sokta lang.
04:29O hindi kaya binibigyan ng double meaning?
04:33Hindi yan, Tata Goss, Eka.
04:34Marami nang sumubok,
04:36pero hindi natupad ang mga plano.
04:38Hindi siya sumasabay sa paglipad ng aeroplano.
04:42Hey!
04:43Ano raw?
04:44Tata Goss ka ba?
04:45May gusto ka sa akin?
04:47Hindi ko na-entendan talaga yung mga ganong salitang.
04:50Eh, Pwas, wala akong idea.
04:52Yung bounce na ako,
04:53ang pagkaintindi ko parang natouch
04:55parang nag-bounce ko.
04:59Nahihirapan man daw ang iba
05:00na maintindihan ang mga sinasabi nila.
05:03Hindi naman daw nila maunawaan
05:05kung bakit gano'n-ganon na lang daw sila
05:07kung husgahan.
05:09Awe na kayo.
05:10O kayo dito.
05:11O mayro.
05:11Iko-comment po na ano,
05:13Youngstangas,
05:13Kuami,
05:14bawal na raw po sa BGC yun
05:15kasi pang-sosyal na lugar.
05:17Kaya po kami sinabihin na Youngstangas
05:19dahil lang po sa panunot,
05:20hindi nga po nila kami kilala
05:21para sabihin ng ganun eh.
05:23Bagamat iginigiit ng magkakaibigan
05:25na wala raw silang balak na manggulo
05:27sa BGC,
05:28batid din daw nila
05:30na may ilang pangkat
05:31ng mga Youngstangas
05:33sa ibang mga lugar
05:34na napapatrobol.
05:36Gaya na lang ng mga Youngstangas na ito.
05:46Na na-video ang nagtatakbuhan
05:48sa isang park
05:49sa General Trias sa Cavite.
05:52What happened, G?
05:56Kabilang sa mga naroon,
05:58ang crew o grupo
05:59ng mga magkababatang sinasiyan,
06:02Joseph, JR at Renan.
06:05Ang G10K.
06:13May higit 5 years na rin po kami
06:15nagsasama
06:16kung magtatroba po.
06:16Ang meaning po ng G yun,
06:18parang katawagan lang po namin
06:19na WhatsApp G.
06:20Then yung 10 po,
06:21nagsimula po sa unang members po namin
06:23isampu lang po talaga.
06:24Tapos yung K po,
06:25sumisimbolo po sa ito sa pera.
06:26May bitaw ba kayo?
06:28Opo.
06:28Paano yun?
06:29Opo.
06:32Gusto lang nilang linawin
06:33sa mga nangmamata raw sa kanila.
06:36Ang kanila raw talagang trip,
06:37hindi magbasag ulo,
06:39kundi
06:42mag-food trip.
06:46Quality time po kami,
06:47like, ano po,
06:48Budel Park.
06:51Hindi rin daw sila
06:52ang may pakana
06:53ng gulo.
06:54Nung navideohan silang
06:56nagtatakbuhan sa park,
06:57nadamay lang daw sila
06:58ng ibang napatrobol na crew.
07:01Nakipag-collab lang po kami
07:02sa ibang crew
07:03para po sa mga photoshoot po,
07:04para marami rin po kami
07:05makilala pong kaibigan.
07:07Nakakasakot rin po kasi
07:08sa damdamin yung
07:09parang i-judge ka po nila
07:10na hindi po alam
07:11yung buong story mo
07:12kahit po sa mga
07:13paramaan mo lang po
07:14na mga ganito po.
07:15Ang kanila raw crew,
07:17lahat good,
07:18eka,
07:18o good boys.
07:20At ang kanila raw focus,
07:22ang maabot
07:22ang kanikanilang goals.
07:24Iba aral na mabuti
07:26at pagsunod po sa mga sinasabi nila
07:28at sa paggawaing bahay.
07:30Kapaki-pakinabang din daw sila.
07:32Katunayan,
07:33ang kanila raw pampalipas oras,
07:35mag-general cleaning
07:37sa kanilang barangay.
07:39OWS!
07:40Nag-usap-usap po kami noon
07:41na gumawa naman po kami
07:42ng tama.
07:43Hindi puro kamalian
07:45na nakikita ng mga tao.
07:46Aral mabuti,
07:47linis kalisada.
07:48Iba rin daw silang magmahal,
07:51loyal daw sila
07:52sa kanilang
07:53ea-cakes
07:54o nobya.
07:56Labo pa rin ba ako
07:57kahit maging mulati ako?
07:58Siyempre naman.
08:03Iwan ang kalsada
08:05para sa isang prinsesa.
08:13Pero paano nga ba umusbong
08:15ang youngstana culture
08:17sa mga Pinoy Gen Z.
08:19Isa sa nagpasimuno raw nito,
08:21ang tiga North Kalooka
08:22na si Carlo,
08:24also known as
08:25Low Drip Pin.
08:26Alam po yung drip pin na yan
08:28kasi yung pinaporma ko po
08:30ng mga nakaraan,
08:31mga 2024,
08:32drip po talaga.
08:33Ang kanya raw mga bitawan,
08:36inspired ng kanyang
08:37mga iniidolong rapper.
08:39Sa mga New York rapper po,
08:41doon ko po na tutunan
08:42yung ganung forma.
08:43Sabi ko parang gusto kong
08:44pausuhin to dito sa Pilipinas.
08:46Ang kanya raw claim to fame
08:48ang busay niya
08:49sa pag-sturdy
08:50na isang nauusong
08:52dance craze.
08:59Mahirap po siya matutunan.
09:01Gawa ng pagpapractice ka po noon,
09:03mahihirapan ka po doon
09:04sa mga tutorial po nila
09:05sa ibang bansa.
09:06Tsaka sasakit pa yung mga tuhod mo noon
09:08gawa ng maninibago pa ganun.
09:11Nagstuloy-tuloy na po yun,
09:13gumawa ko ng social media.
09:14Medyo nakikilala na ako.
09:26Hanggang sa ginaya na nga siya
09:28ng napakaraming kabataan.
09:30Masarap sa pakiramdam kasi
09:31na impluensyaan ko sila.
09:33Samantala,
09:34ang pagbabawal sa mga youngstana
09:36na pumasok at gumala
09:37sa BGC,
09:39naaayon din ba sa batas
09:40at patakaran?
09:42O maituturing din ba itong
09:44diskriminasyon?
09:45Bilang isang pribadong lugar,
09:47ay meron namang karapatan
09:48ang management
09:49ang sino ang papapasukin
09:50at hindi papapasukin.
09:52Ngunit,
09:52kailangan maging resonable ito.
09:54Kung wala namang nagawang
09:55mga pagkakamali
09:56o kasalanan ang mga tao,
09:58sa nakaraan,
09:59ay wala ang karapatan
10:00ang sino man
10:01para ipagbawal ito
10:02kahit na pribadong lugar ito.
10:04Huwag na kayo.
10:05Huwag kayo dito.
10:06Huwag kayo.
10:07Kung mapapatunayan
10:08na ang mga ito
10:09ay talagang nanggugulong
10:10at kilala na sila
10:12ng mga marshals,
10:13ay maaari naman talaga
10:15silang ipagbawal
10:16sa ilalim ng Article 26,
10:18Paragraph 4
10:18ng ating Civil Code
10:20ay ipinagbabawal
10:21na hamakin
10:22o libakin
10:22ang sino man
10:23dahil lamang
10:24sa kanyang
10:25mababang katayuan
10:26sa buhay.
10:27Sinubukan naming
10:28hinga ng panayam
10:29ang pamunuan
10:30ng Bonifacio Global City
10:31tungkol sa insidente.
10:33Wala pa silang tugon
10:34sa oras
10:35ng ulat na ito.
10:36Merong certain assumptions
10:37when you're wearing clothes.
10:39Merong mga symbolic
10:40minimum events na ito
10:41that pertains to
10:42someone's background,
10:43power,
10:43and economic status.
10:45When it comes
10:45sa criticism
10:46or pag-i-stereotype
10:47or pag-i-stigmatize
10:48sa mga tao,
10:49we need to be more critical
10:50kung ano ba talaga
10:51yung effect
10:51ng ginagawa natin.
10:53Kung
10:54ipaparalel din natin to,
10:55noong September 21,
10:57marami rin
10:57mga kabataan
10:58na youngstown
10:59lumabas
11:00at nagprotesta.
11:01Pero pagkatapos
11:02ay
11:03tinatarget sila.
11:04sila ang sinasabihang
11:06mga naging rason
11:07for the riots.
11:09May outrage
11:09na nararamdaman
11:10ang mga marginalized
11:12or poor communities.
11:14Huwag po kami
11:15i-judge sa gantong soot
11:16tsaka ba't po
11:16kayo nandidiri.
11:17Ano lang naman po ito.
11:18Pananamit lang din naman po
11:19namin ito.
11:27Nararapat lang panagutin
11:28ang mga gumagawa
11:30ng krimen
11:30at gulo.
11:31Pero ang tunay na kaayusan
11:33nagmumula
11:34sa patas
11:35na pagpapatupad
11:36ng batas
11:37para sa lahat.
11:41At hindi lang
11:42dahil sa hinala
11:44base sa
11:44pananamit,
11:45pananalita
11:46o itsura.
12:01And don't forget
12:03to hit the bell
12:04button
12:04for our latest
12:06updates.

Recommended