00:00Bubuo ang Department of Agriculture ng Technical Working Group na tututok sa rice importation at stable supply at presyo ng bigas sa bansa.
00:09Ayon sa DA, layon itong matiyak na magiging sapat ang pumapasok na bigas sa bansa
00:14para maging matatag ang presyo nito sa merkado na hindi nasasakripisyo ang ani at kita ng mga lokal na magsasaka.
00:22Kabilang anya sa mga dapat ikonsideran ng TWG ay ang buffer at real-time stocks ng bigas, gayon din ang regional deficit.
00:32Ayon kay Agriculture Secretary Francisco T. Laurel Jr., kinakailangang magpulong kada linggo ng TWG at inaasahan din na magbibigay ng policy recommendations.
00:45Bubuo'in ang team ng mga kinatawan mula sa DA, Office of the Undersecretary for Rice Industry Development,
00:53Food Terminal Incorporated, Philippine Rice Industry Stakeholders Movement at Philippine Rice Importers Association.
Comments