Skip to playerSkip to main content
  • 17 hours ago
Ating balikan ang mga naging aktibidad ni Pres. Marcos Jr. sa nagdaang linggo (February 2-6, 2026) | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naging 6-6 activity ang nakaraang linggo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
00:05Kabilang rito, ang paungunan ng Pangulo sa groundbreaking ceremony
00:08ng isang five-story building sa pamantasan ng Ngunsod ng Maynila
00:12at ang pananumpan ng mga bagong promote na guro.
00:15Ang lahat niyan, balikan natin sa report to Kenneth Pasyente.
00:24Muling umarangkada ang mga activity ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
00:28matapos gumaling sa diverticulitis.
00:31Lunes, malugod na tinanggap ng Pangulo ang President at CEO ng Mitsubishi Corporation
00:35at natalakay ang patuloy na pakikipagtulungan ng pamahalaan at ng pribadong sektor
00:40upang pasiglahin ang pamumuhunan, magtayo ng makabagong imprastruktura
00:44at suportahan ng pangmatagalang paglago ng bansa.
00:49Nanguna rin siya sa pulong hinggil sa paghahanda ng Pilipinas bilang chairman ng ASEAN 2026,
00:54tinalakay sa pulong ang mga kongretong hakbang na makalilikha ng trabaho,
00:59susuporta sa maliliit na negosyo, pagpapahusay ng serbisyong digital
01:03at magpapatibay sa mga programang nakasentro sa mamamayan
01:06upang matiyak ang isang ASEAN chairship na may malinaw na benepisyo
01:10para sa mga Pilipino at sa buong rehyon.
01:13Huwebes inilunsad ang test ng Skills Passport Mobile Apps sa pangungunan ng Pangulo.
01:20Ito ay plataporma na dinisenyo upang pag-isahin sa isang app
01:24ang mga training record, sertifikasyon at pagpapadali ng paghahanap ng trabaho.
01:29Layo ng inisyatibang ito na gawing mas madali ang access,
01:32malinaw at bukas sa publiko ang skills development
01:35habang nakaangkla sa makabagong teknolohiya.
01:37Tampok sa app ang gabay mula training hanggang trabaho.
01:41Dito pwedeng ipost ng TESDA graduate ang profile certificates
01:44at trainings para madaling makita ng mga employers sa loob o labas ng bansa.
01:48Makakakita rin ang direct access sa TESDA online programs at mga libreng courses,
01:53pati na rin sa mga scholarship opportunities na pwedeng i-apply mismo sa app.
02:00Pinangunahan din ng Pangulo ang Philippine Telecommunications Summit 2026
02:04kung saan binigyang diin niya ang papel ng digital connectivity
02:07sa pagunlad ng bansa.
02:09Ayon sa kanya, ang kaunlarat na hindi lamang nasusukat sa bilis ng internet,
02:12kundi sa pagkakataong na ibibigay sa bawat Pilipino
02:15na umasenso at guminhawa ang buhay.
02:17Ipinaliwanag din ang Pangulo na layunin ang pamahalaan
02:20na mabigyan ang pagkakataong kumonekta,
02:22matuto, magtrabaho at umunlad ang bawat Pilipino
02:25saan man sila naruroon.
02:29Bernes mismong ang punong ehekutibo
02:31ang nanguna sa groundbreaking ceremony
02:33ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
02:35College of Allied Health Sciences Building.
02:38Isa itong five-story building na layunin makapagbigay
02:40ng state-of-the-art College of Medicine
02:42na magtatampok ng makabagong classroom,
02:45laboratorio, simulation rooms at research facilities.
02:48Ayon sa presidente,
02:50magbibigay ang bagong pasilidad ng pagkakataon
02:52sa kabataan Pilipino
02:53na mag-aral ng medisina at allied health sciences
02:56na huhubog hindi lamang sa kanilang kakayahan,
02:59kundi pati na rin sa karakter
03:00ng mga susunod na profesional sa kalusugan.
03:03Binigyang diin din ito ang pangako ng administrasyon
03:06na palawakin ng akses sa dekalidad na edukasyon
03:08at serbisyong pangkalusugan.
03:13Kinilala naman ng Pangulo
03:14ang dedikasyon ng mga guro at school heads
03:16ng DepEd NCR
03:17sa pamamagitan ng pagdalo sa outtaking
03:20ng NASA 2,915 na napromote.
03:23Binigyang diin niya
03:24ang malaking responsibilidad ng mga guro
03:26mula sa pagtuturo sa silid-aralan
03:28hanggang sa paghahanda ng leksyon,
03:29pagbabantay sa progreso ng mga estudyante
03:32at pagbibigay gabay ng may malasakit.
03:34Ayon sa Pangulo,
03:35mahalaga ang papel ng mga guro
03:36sa paghubog ng kabataan
03:38at sa pambansang kaunlaran.
03:40Kenneth,
03:41pasyente
03:41para sa Pambansang TV
03:43sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended