00:00Hati ang reaksyon ng mga senador sa panukalang batas na isinusulong ngayon sa Senado
00:05na ibaba sa sampung taon ang criminal age liability ng mga bata.
00:10Yan ang ulit ni Daniel Manalastas.
00:13Isinusulong sa Senado panukalang batas na layong pababain sa sampung taon
00:18ang criminal age responsibility o ang edad ng pananagutan.
00:22Amyan dahan ng panukala ang Republic Act 9344 on Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.
00:29Minsan na rin po akong naging in conflict with the law, dala ng pagiging mapusok mula pagkabata.
00:38Noong ako po ay nasa bilangguan, ako po ay nangulila na magkaroon ng mga panukala
00:49na magbibigay proteksyon sa mga batang nakakulong.
00:54Pero kakasulong pala ng panukalang batas, tila hati na ang mga senador sa panukalang ito
00:59na ay sinusulong ni Senador Robin Padilla.
01:02Si Senador Kiko Pangilinan tumayo para linawin ang ilang probisyon ng kasalukuyang batas.
01:08Yung bitiw na salita nung bata dito sa video na sinasabing ginawa namin ang krimen dahil alam namin hindi kami mapaparusahan
01:16ay maling impormasyon.
01:20At yung mga edad, 16, 15, oo, minor de edad, pero maliwanag sa batas
01:26na maaari silang litisin bilang mga nasa hustong gulang na kapag napatunayan na meron silang discernment.
01:37Ito'y madaling sabihin, parusahan yung bata, ginagamit ng mga sindikato.
01:43Bakit hindi habulin yung mga sindikato?
01:47Kasi mas madaling parusahan yung bata.
01:52Si Senador Rafi Tulfo naman, may mga natatanggap na sumbong
01:55sa mga ganitong insidente na natadawid daw ang mga bata
01:59na minsan daw ay sinasangkala ng edad para makalusot sa paggawa ng krimen.
02:04Andaming beses na po ng mga insidente
02:07na yung mga minor de edad ang lalakas ng loob, gumawa ng krimen
02:12dahil alam nila wala silang pananagutan at sasalbahin.
02:17Si Senador Erwin Tulfo naman, na dating DSWD sekretary,
02:23naniniwalang tama ang paggawa ng kasanukuyang batas.
02:27Pero ang problema, nung pinasaraw ito, tila hindi pa nakahanda ang Pilipinas.
02:32Ilan po ba ang ating mga rehabilitation centers, juvenile facilities?
02:38Labing isa lamang po.
02:40Pag may nahuli pong non-rape, ang gagawin po ng polis, huhulihin.
02:45Hindi po alam ng polis kung saan ilalagay ang bata.
02:49Dahil wala pong kulungan, hindi po niya, wala po siyang selda,
02:54hindi naman pong maaring isama siya sa mga matatandang nakakulong.
02:57Wala po tayong juvenile court.
03:00Kaya hindi po ikang matatry ang bata o malilitis dahil wala po tayong court.
03:05Inaasahang mahaba pa ang talakayan ng panukala ni Padilla sa Senado.
03:10Daniel Manalastas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.