00:00Update po tayo sa sitwasyon sa ilang lugar sa Surigao del Sur na naapektuhan ang hagupit ng bagyong basyang.
00:06May ulat on the spot si James Paolo Yap ng GMA Regional TV.
00:11James?
00:15Connie, unti-unti nang bumabalik sa kanilang mga tahanan ang mga residente nakatira sa coastal areas dito sa hinatuan Surigao del Sur.
00:23Pero ang mga residente yung nasa island barangays mananatili muna sa mga evacuation centers dahil nakataas pa rin ang gale warning sa buong probinsya ng Surigao del Sur.
00:35Matapos mag-landfall ang bagyong basyang sa Bayaba, Surigao del Sur, bandang alas 11.50 kagabi, wala nang naranasang pagulan dito sa hinatuan.
00:44Kung kagabi ay nagsilikas ang mga residente sa mga coastal barangays dahil sa lakas ng alon, ngayon ay pinayagan na sila makauwi sa kanilang bahay.
00:52Meron na ding mga family food packs na ipinamahagi ang DSWD.
00:57Pero ayon sa hinatuan MDRR mo, yung mga residente na nasa mainland hinatuan lang muna ang pinahihintulutang bumalik sa kanilang mga bahay.
01:06Ang mga residente na sakop ng island barangays mananatili daw muna sa mga evacuation centers habang nakataas pa ang gale warning dahil wala pang pinapayaga mga sasakyang pandagat na pumalaot.
01:17Dahil pa rin sa epekto ng bagyong basyang, patay ang apat na magkakaanak matapos matabuna ng gumuhong lupa sa kanilang bahay sa barangay Agusan, Cagayan de Oro City.
01:28Labing isang buwang gulang na sanggol ang pinakabatang na sawi.
01:31Sa pag-responde ng mga otoridad, na-recover ang mga bangkay ng mga biktima.
01:36Base sa investigasyon, natutulog na sa kanilang bahay ang mga biktima nang mangyari ang landslide.
01:42Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Department, nananatili ngayon sa evacuation centers ang iba pang apektadong pamilya.
01:51Connie, dito sa Hinatuan ay bumubuti na ang lagay ng panahon.
01:56Kaya't iniutos na ang pagbabalik ng trabaho sa lahat ng opisina ng gobyerno pero suspendido pa rin ang klase sa lahat ng antas.
02:05At ayon sa LGU Hinatuan, ay maaari na rin payagan ang mga tourism activities gaya ng pagbisita sa Enchanted River.
02:13Pero ipinagbabawal pa rin ang island hopping dahil nga sa nakataas pa rin ang gale warning sa buong probinsya ng Surigao del Sur.
02:22Connie?
02:23Maraming salamat, James Paulo Iac.
Comments