00:00Mula nung pumutok ang gulo sa pagitan ng Iran at ng nagsanig puwersang Israel at Amerika,
00:05kabilang sa mga laging nababanggit ang Strait of Hormuz sa Middle East.
00:09Isa po itong makipot na bahagi ng tubig na nagduduktong sa Persian Gulf at Gulf of Oman.
00:14Nasa paligid nito ang mga bansang Iran, United Arab Emirates at Oman.
00:19Mahalagang Strait of Hormuz pagdating sa pagbiyayan ng krudo sa buong mundo.
00:23Batay sa datos ng Energy Information Administration ng Amerika,
00:27nasa 20 milyong barilis ng krudo ang idinadaan kada araw sa Strait of Hormuz noong 2024.
00:34Katumbas yan ng 20% ng kinukonsumong petrolyo sa buong mundo.
00:39Dahil sa gera ngayon sa Middle East, bumaba ang bilang ng mga bumabiyahing barko sa Strait of Hormuz.
00:44Mula February 1 hanggang 27, tinatayang 122 na barko lang ang dumaraan doon araw-araw ayon sa United Nations Trade
00:52and Development.
00:53Bumaba pa yan sa 81 noong February 28, ang araw na sumiklab ang gyera at patuloy pang bumababa sa mga
01:00sumunod na araw.
01:01Sa pagsiklab ng gulo, nag-abiso ang Department of Migrant Workers na may karapatan ng mga Pinoy seaman
01:06na tumangging ma-ma-assign sa war-like operation areas tulad ng Strait of Hormuz.
01:12May mga barkong dumaan doon at sa Persian Gulf na inatake ng Iran.
01:15Sabi ng DMW, minomonitor nila ang mga barko sa Middle East as of March 12, ligtas daw ang mahigit 7
01:23,000 Pinoy seafarers.
01:25Ngayong limitado ang pagdaan doon dahil sa gera, paano ba ito nakaapekto sa Pilipinas?
01:30Base sa datos ng Department of Energy, karamihan ng mga produktong petrolyo sa Pilipinas tulad ng gasolina at diesel
01:36iniimport mula sa mga kalapit na bansa sa Asia.
01:40Kabilang dyan ang South Korea, China, Singapore, Malaysia.
01:44Ang petrolyong iniimport mula sa mga nasabing bansa ay nirefine mula sa krudong nakuha sa Middle East at idinaan sa
01:51Strait of Hormuz.
01:53Bukod sa mga bansang yan, nag-importin ng Pilipinas ng petrolyo mula mismo sa Middle East.
01:58Mahigit 4% ito ng supply ng imported petrolyo ng Pilipinas noong 2024.
02:04Bukod sa krudo o petrolyo, idinadaan din sa Strait of Hormuz ang iba pang produkto tulad ng mga kemikal, container
02:11at dry bulk
02:12kabilang ambigas ay sa UN Trade and Development.
02:15Kasunod ng limitadong operasyon sa Strait of Hormuz, nagsimula na rin magmahal ang presyo ng krudo at natural gas sa
02:22pandaigdigang merkado.
02:24Dito sa Pilipinas, ramdam ang epekto nito lalo at pumapalutan sa mahigit sandaang piso ang kada litro ng gasolina, diesel
02:31at kerosene.
02:32Nito ang mga nakarang linggo, inuutay-utay ang mega oil price hikes para maibsan kahit konti ang epekto ng taas
02:38presyo.
02:39Sa kabila niyan, patuloy ang panawagan ng mga motorista, particular na mga tsuper,
02:44na gumawa na ng hakbang ang gobyerno na pipreno sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Comments