00:00Sumuko na sa Malolos PNP ang isa pa sa mga suspects sa pagpatay kay Police Staff Sergeant Renato Casaway Jr. na si alias Marvin.
00:08Samantala, narecover din ang PNP ang motorsiklo ng biktima sa bahay ng isa sa mga suspect na si alias Haco.
00:16Anim pa ang hinahanap na suspect kasama ang gunman na si Julian Salamat.
00:21Kahapon, naglabas sa isang milyong pisong reward ang DILG para mabilis na mahanap ang iba pang pugante.
00:27Si Casaway ay pinatay at pagkatapos ay itinapon sa septic tank January 24 kasabay ng kanyang kaarawan.
00:36Nagpaalam si Casaway sa kanyang asawa na may kikitaing asset sa Malolos, Bulacan.
00:41Subalit hindi na ito nakabalik kinabukasan kaya't inireport na ito ng kanyang asawa na nawawala sa Maliwag Police Station.
Comments