00:00Sa lumalaking popularidad ng tennis sa bansa, matapos ang matagumpay na pagdaraos ng kauna-unahang WTA 125 Philippine Women's Open,
00:11lumitaw ang tanong kung handa na nga ba ang Pilipinas para sa mas malaki at mas mataas na WTA events sa bansa.
00:18Para sa detalya, narito ang report ni Paulo. Salamatid.
00:21Matapos ang matagumpay na pagdaraos ng kauna-unahang WTA 125 Philippine Women's Open na naisakatuparan dahil sa inspirasyon mula sa tagumpay ni Pinay Tennis Sensation Alex Ayala,
00:36lumaki ang interes ng mga Pilipino sa tennis at mas naghangad ng mas malalaking torneo.
00:41Batay sa obserbasyon ng mga opisyal ng Women's Tennis Association na WTA na nasaksihan ang katatapos lamang na palaro,
00:47posible umano para sa Pilipinas na magdaos ng mas mataas na antas ng torneo,
00:53ngunit asahan ang proseso nito ay hindi magiging madali.
00:56Ayon kay Fulovine Tennis Association of Filtas Secretary General at Navota City Mayor John Ray Tiyanko,
01:02natural lamang na asahan ng mga tao ang mas malaki at mas magandang palaro,
01:07ngunit iba ang kondisyon para sa mga mas mataas na antas ng WTA events.
01:12Ipinaliwanag ni Tiyanko na hindi katulad ng WTA 125 na direktang kinausap ng host ng WTA,
01:17ang mga WTA 250, 500 at 1,000 tournaments ay hawak na ng mga pribadong kumpanya o individual na may-ari na mga lisensya nito.
01:27Bagamat kailangan ng masusing negosasyon at walang kasiguraduhan sa pagkuhan ng prangkisa,
01:32dahil limitado lang ang bilang ng mga ganitong torneo,
01:35kapag naisaayos ito ay magtutulungan ng pamahalaan ang filta at ang mga private organizations upang maisaktuparan ng nasabing kumpetisyon.
01:44Samantala, pinuri naman ang WTA supervisor na si Christina Romero ang pag-host ng Pilipinas sa Philippine Women's Open
01:51at sinabi na may kakayahan ng bansa na magdaos ng mas malaking international tournaments sa Pilipinas.
01:57Ipinaliwanag din niya na ang pagdaragdag ng mas mataas na antas ng torneo sa kalendaryo ng WTA
02:02ay dadaan sa ilang mga pagpupulong tulad ng Players Council at Tournament Council na siyang nagpapasya
02:08kung may pwesto pa sa kanilang calendar of events.
02:11Nauna nang ipinahayag ni PSC Chairman Patrick Gregorio
02:14ang hangarin ng bansa na magdaos ng isang WTA 250 event upang mas maingganyo ang kabataan
02:20at mabigyan ng mas malawak na exposure ang mga umaangat na tennis players ng Pilipinas.
02:26Paulo Salamatin, para sa atletang Pilipino, para sa bagong Pilipinas.
Comments