Skip to playerSkip to main content
  • 2 minutes ago
SAY ni DOK | Alamin ang mga sintomas ng cancer, early detection, at tests na dapat gawin ngayong National Cancer Awareness Month!

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Thank you very much.
00:30Dr. Frances Victoria Ke, isang Cancer Genetics and Genomics Specialist.
00:35Doc, magandang umaga po at welcome dito sa Rise and Shine, Pilipinas.
00:40Magandang umaga po, Mr. Yanns, Mr. Josh.
00:43Salamat po sa pag-invite po sa akin na sumali po sa programa ninyo today.
00:49Thank you for joining us, Dr. Ke.
00:51Alright, ngayong National Cancer Awareness Month, Doc,
00:54kaano po ba kahalaga yung early detection
00:56at paano po ito makatutulong sa pagtasang survival rate ng isa pong pasyente?
01:03Napaka-importante po ng early detection.
01:06Ang ginagawa po nito ay para malaman kung may cancer ang isang pasyente ng maaga
01:12para mas madaling magamot at nalulunasan or ma-cure ang cancer na ito.
01:20Ang alam natin kasi sa cancer, pag hinayaan lang at natagalan bago ipagamot,
01:25nagkakaroon ng mas maraming problema, mas magastos ang gamutan
01:29at pwedeng kumalat po ang cancer sa buong katawan at nakakamatay.
01:34Kaya napaka-importante na malaman ng maaga para magamot ng maayos, malunasan at ma-cure po ang cancer.
01:42Okay, Doc, sakali pong hindi malaman ng maaga,
01:45ano po yung mga sintomas o yung mga babala ng cancer na dapat bantayan ng bawat Pilipino
01:50at kailan po dapat agad magpatingin sa doktor?
01:53Marami pong mga sintomas ang cancer, ano?
01:58Ang pinaka-common yung meron pong nakakapa na bukol sa kahit anong parte ng katawan.
02:06Marami rin pong ibang sintomas tulad po ng madaling mapagod,
02:11pagbaba ng timbang na hindi maipaliwanag,
02:14ang masakit yung chan, hirap lumunok, pagduduwal, pagsusuka,
02:18or masakit po sa katawan na hindi maipaliwanag, hindi nawawala, or lumalala.
02:26Meron rin pong mga sugat na hindi gumagaling,
02:29ubo o pamamalat na hindi po nawawala or gumagaling,
02:34pagdudugo, or mga pasa na hindi maipaliwanag,
02:39hirap pagdumi, pagtatae, or kaya may dugo sa dumi, dugo sa ihi,
02:44pwede rin pong mag-present with fever, lagnat, sakit ng ulo,
02:51nanlalabo yung paningin, o kaya mga singaw, or sugat, or pagdudugo sa nagbibig.
02:56So marami pong mga sintomas.
02:58Ngayon po, kung may napansin na kahit anumang pagbabago sa inyong katawan,
03:04o kaya sa nararamdaman, lalo na kung hindi po ito nawawala,
03:09or tumatagal po ng mahabang panahon,
03:11dapat talaga magpatingin po sa doktor.
03:14So be wary of the symptoms, at saka mahalaga yung magpatingin sa doktor
03:18pag may mga nakikita ng itong sintomas.
03:20Pero Dok, ano-ano ba yung mga common types ng cancer
03:23na naranasan po ng mga Pilipino dito po sa ating bansa?
03:28So according po sa data ng World Health Organization ng 2022,
03:33yung top 5 most frequent cancers na nakikita po natin sa mga lalaki at babae
03:39sa Pilipinas ay yung una, breast cancer,
03:44pangalawa, lung cancer, tapos yung colorectal, or cancer sa bituka,
03:50cancer sa liver or sa atay,
03:52and prostate cancer sa mga lalaki,
03:55habang sa babae naman po ay cervical cancer,
03:58or cancer sa kwelyo ng matres.
04:00Okay. Dok, nabanggit mo yung mga sintomas kanina,
04:04pero ano po ba yung mga kadalasang maling paniniwala
04:07o yung misconception ng mga Pilipino o mga tao
04:11pagdating sa cancer, ano po yung pinaka-common
04:13na dapat natin itama?
04:16Napakarami po nito.
04:18So I'll try to go through you.
04:19So, isa po doon, ano, yung paniniwala na yung mga tao lang na nagkakaroon yung cancer,
04:26yun pong may lahe or family history ng cancer.
04:29So, habang alam natin na risk factor po ayun,
04:32na meron pong lahe ng cancer sa pamilya,
04:36kailangan natin alamin na majority or most ng mga cancers, no,
04:42or dahil po sa lifestyle factors tulad po ng diet, paninigarilyo, alcohol,
04:50at iba pang mga environmental factors.
04:53Kadalasan po, 75% ng mga cancers hindi po dahil sa family history, no,
05:00dahil po yun sa age and lifestyle.
05:04Aside from that, marami pong mga paniniwala tulad po ng yung chemotherapy
05:09or paggagamot, no, sa mga taong may cancer,
05:13ay nakakamatay.
05:16Kadalasan po, naririnig natin ito sa mga pasyente natin
05:20na takot po silang maggamot dahil po sa maraming naririnig or haka-haka.
05:26So, napaka-importante po na malaman na sa ngayon po yung modern chemotherapy,
05:31personalized po ito at mas madali pong ma-tolerate ng mga pasyente
05:37at mas magaganda po ang outcomes, no, in terms of survival.
05:43Marami rin pong naniniwala na alternative therapy or herbal therapy
05:48ay nakakatulong po sa paggamot ng cancer.
05:52Wala pong ebidensya na nakakatulong po ito
05:56or nakaka-cure po ng cancer.
05:58At mas lalo pong nadedelay yung paggamot.
06:01Kaya mas mahirap pong maagapan at nakakamatay po.
06:06So, napaka-importante po na malaman ng mga pasyente na
06:14malaki po yung panganib na maniwala sa mga haka-haka na ito
06:19dahil nadedelay po yung diagnosis ng cancer,
06:22hindi po nabibigay yung tamang gamot,
06:25tapos mas mataas yung posibilidad na maggaroon ng mas malalang sakit or mamatay po.
06:33Okay. So, hindi rin pala ganun ka, I mean,
06:36we can't just believe nyo sa mga holistic approach na sinasabi nila, no?
06:40Tsaka, ako akala ko rin kapag ka nasa lahi mo lang.
06:43Pero, lifestyle plays an important role pala.
06:46Yes.
06:47Highly contributory ito sa risk na possible na magka-cancer ka.
06:50Alright, speaking of diagnosis, ano, Doc,
06:52ano ba yung mga mahalagang test or screening
06:54na maaaring gawin para agad matuklasa na meron kang cancer?
06:58Meron po tayong mga tinatawag na general population guidelines, no?
07:06Para sa early detection ng cancer.
07:08So, para sa mga babae, for example,
07:11pag umabot po sa edad na 40 pataas,
07:14ay dapat po nagpapagawa ng annual na mammogram.
07:18Kada taon po nagpapacheck ng breast
07:20at nagpapagawa ng mammogram
07:22para ma-detect po yung breast cancer early.
07:26Maliban doon, meron rin po tayong guidelines
07:29para sa colorectal cancer.
07:32Yun pong pagpagawa ng colonoscopy
07:35every 5 to 10 years
07:38or annual school exam
07:40at para ito sa lahat ng tao na 45 na edad pataas.
07:46Para naman po sa mga babae na sexually active,
07:5021 pataas,
07:51nagpapagawa po ng pap smear every 3 years.
07:55Para sa mga lalaki naman po,
07:57meron po tayong consideration
07:59para magpagawa ng prostate cancer screening
08:02starting from age 45 po.
08:05At para sa mga naninigarilyo
08:08or dati pong naninigarilyo
08:09na more than 20 years po
08:12ay nagpapagawa po ng annual
08:14na low-dose chest CT scan
08:16from age 45 to 8.
08:18Alright, maraming maraming salamat po, Doc,
08:19sa pagbabahagi ng inyong kaalaman
08:21sa aming programa,
08:22Dr. Frances Victoria Kea.
08:24Thanks, Doc.
08:25Thanks, Doc.
08:26Thank you, Doc.
Comments

Recommended