00:00Pagkakasibak ng ilang immigration personnel dahil sa pagpuslit ng cellphone sa pasilidad kung saan nakadetain ng isang Russian vlogger.
00:09Mga kapatayin po natin si Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval. Magandang umaga po Ma'am Dana. Si Maris po ito. Live po tayo sa Unang Balita.
00:16Good morning. Magandang umaga, Maris.
00:18Una po sa lahat, ano po ba ang paliwanag ng mga nasibak na tauha ng Bureau of Immigration sa nangyaring pagpupuslit ng cellphone para sa Russian vlogger na nasa detention facility ng BI?
00:28Yes, kaya po natanggal ang ilan sa mga tauha sa ating pasilidad ay because of command responsibility dahil hindi dapat nakakapasok.
00:38Ang mga ganito pong gadget, mga cellphones po, papasok po doon sa facility.
00:43Yung nagkaroon po ng raid noong biyernes, massive raid po doon sa dalawang facility natin in Montinlupa and Taguig.
00:52Nakita na marami pa po ng mga cellphones and other unauthorized paraphernalia ang nakapasok po doon sa facility which really warranted the change in management.
01:02Kung makita po natin na talagang hanggang ngayon, italamak pa rin ang pagpasok ng mga gadgets doon sa loob.
01:09Pero Ma'am Dana, ipinaliwanag ba nila kung bakit hinayaan nilang maipuslit ito?
01:13Hindi po, pero haharap na lang po sila sa explanation po during the investigation.
01:20Ano po ba ang protocol o SOP ninyo pagdating sa mga banyagang, katulad nga nyan, subject for deportation?
01:27Yes, yung ating facility is not a jail. So hindi po ito kasing istricto ng mga kulungan.
01:33But this is rather a holding facility po para doon sa mga foreign nationals that are facing deportation charges.
01:39Dito po, pinapayagan po silang gumamit ng kanilang mga gadgets, mga cellphones po for a limited time doon sa araw nila.
01:48Parang mga isang oras lang po yan. Only to call their family, their council, or their embassy.
01:56Otherwise po, hindi po sila pinapayagan na gumamit yan. Lalo po mga vlogging, vlogging, or panunood po, or kung ano-ano pa.
02:03So ito, nangyari, beyond the one hour na allowed.
02:06That's right po. At mukhang ginamit talaga, nakita natin doon sa video, ginamit talaga noong infamous vlogger na si Vitaly sa pagva-vlog niya.
02:15Dahil sa insidente pong ito, anong mga adjustment o paghihigpit pa ang gagawin ng BI?
02:21Well, dahil mukha pong inaabuso yung paggamit po ng mga gadgets sa loob po ng facility,
02:26napag-desisyonan po ni Commissioner Viado na maghigpit lalo doon sa paggamit ng cellphones.
02:33At alisin na po yung pribilehyo ng paggamit ng cellphones.
02:37Although ito po ay siyempre kinakailangan and part of the, yung karapatan po nung mga nakapiit doon sa ating facility,
02:46i-gagamitin po nila to contact their family.
02:49Low-tech na lang po. Landlines na lang po will be available for them to use.
02:54Para siguradong hindi nila gagamitin sa kung ano-ano.
02:56As well as magsiset up po ng mga video calling booths sa loob po ng facility sa open spaces
03:03para kitang-kita po kung anong ginagawa nila.
03:06Tungkol naman po kay Atong Ang na posible rao nasa Kambodya na,
03:10anong informasyon niyo po rito, Ma'am Dana?
03:13Sa atin po, pag tinignan natin yung records ng Bureau of Immigration,
03:17wala pong recent shaval itong si Mr. Atong Ang.
03:20No recent departure doon po sa ating mga records.
03:24Hmm, sakaling nasa labas na nga siya ng bansa itong si Atong Ang,
03:28paano kaya siya nakalusot sa pagbabantay ng Bureau of Immigration?
03:32Ang sinasabi rin po ng NBI, wala rin pong record ng paglabas legally and even sa backdoor.
03:38Wala rin po sila informasyon. Paano po kaya nangyari ito?
03:41Sinasabi ng DMG, nasa Kambodya na raw.
03:44Yes, Ms. Marie, ang masasagot po natin ay yung pag-alis po nila kung aalis po ang isang tao
03:49sa mga international force of entry and exit na tinatauhan po ng Bureau of Immigration.
03:55Doon sa mga tinatawag nating illegal migration corridor,
03:59ito po ay tinatauhan ng local government unit, ng Coast Guard,
04:03at ng local law enforcement.
04:07Kapag naman po sila ay may na-encounter doon na illegal crosser,
04:13doon sa mga areas na yun, pinagbibigay alam din naman po nila sa Bureau of Immigration
04:17to check yung records ng mga taong yun.
04:20And so far po, up to this point, wala pa po tayo nakukuhang coordination sa kanila.
04:26Ibig sabihin, wala pa po silang nai-intercept na gano'n.
04:29Tungkol naman po sa ICI request, ano po ang update sa iba pang whole departure order
04:33na hiniling ng Independent Commission for Infrastructure
04:37laban sa ilang sangkot umano sa flood control anomalies?
04:40Marami-rami na po tayo nailagay sa whole departure orders po natin.
04:43And following po yung request ng ICI sa korte,
04:48so ang korte po ang nag-issue ng whole departure orders.
04:51But karamihan po, still in the Immigration Lookout Bulletin,
04:54awaiting po the order of the courts,
04:58kung ano po ang tamang disposition sa kanila,
05:00kung whole departure order po ba,
05:02or karapat-dapat na pong isyuhan ng warrant of arrest.
05:05Alright, maraming maraming salamat po sa informasyong binigay niyo po sa amin at sa inyong panahon.
05:09Bureau of Immigration Spokesperson, Dana Sandoval.
05:11Magandang umaga po sa inyo.
05:12Salamat po at magandang umaga.
Comments