Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Magana-umaga po mga kapuso, na rito pa rin po tayo ngayon sa Agribusiness Development Center, Kadiwa, dito po sa Liptical Road sa Quezon City
00:07para po sa paglulunsad ngayong araw ng 20 pesos kada kilong bigas na maaaring na rin po mabili ng mga nasa transport sector.
00:15Kabilang po rito, yung mga choper ng tricycle, mga pampublikong jeep, bus, pati na rin po yung transport sector
00:23basta sila po ay rehistrado sa kanila mga TODA at kabilang po sa LGU po yan at LTFRB.
00:29At pwede rin po silang bumili sa ilalim ng programang ito ng hanggang 10 kilong bigas kada buwan.
00:35At para po bigyan pa tayo ng kanagdagang detali, kaugnay nga po sa programang ito,
00:39mga kapanayan po natin ng live dito po sa DACDA Deputy Spokesperson Assistant Secretary Joyce Alpanlilio.
00:46Magandang umaga po sa inyo, ma'am.
00:48Magandang umaga, Maris. At sa lahat po ng inyong tagapakinig, magandang magandang umaga po.
00:52Una po sa lahat, ano po ba ang naging basihan para isama na rin po natin dito sa programang ito yung mga nasa transport sector?
00:57Kung inyo pong natatandaan, lahat po ng ating pong kasama sa araw-araw, kamukha ng farmers and fisher folk,
01:04ay binigyan na rin po sila natin, sila ng pagkakatoon para makabili po ng 20 pesos na bigas po.
01:10At sa ngayon naman po, ang isa din po o grupo ng mga kasama natin sa araw-araw,
01:15ang ating pong tagapaghatid kung saan po tayo makakarating ay ang ating pong mga drivers.
01:20Ano po yung mga lugar na kasalipid dito sa rollout na ito ng 20 pesos na kada kilong bigas po sa transport sector?
01:28Sa araw po na ito, ay meron po tayong mabibili dito po sa Agribusiness Development Center sa Quezon City.
01:35Ito po ang main office po ng Department of Agriculture.
01:38Magiging available din po ito mamaya, simula alas 8 po ng umaga,
01:42sa Bureau of Animal Industry dito rin po sa Quezon City,
01:46sa Philippine Fisheries Development Authority, sa Nabota City po ito.
01:50Mabibili rin po natin ito sa labas ng Metro Manila, kamukha po sa Barangay Pandan, sa Angeles City,
01:57at saka po sa Multipurpose Hall po sa Tagum ng Davao del Norte,
02:01sa Cebu City available din po ito, at dadagdag din po dito ang panabo sa Davao del Norte din po.
02:08Inaasahit po ba na mas lalawak pa yung rollout para sa transport sector?
02:12Kasi sa ngayon parang lumalabas po na nasa 6 na areas pa lang po siya.
02:15Sa mga susunod na araw o susunod na libro,
02:18asahan po ninyo na madadagdagan pa po kung saan po pwedeng bumili ang ating mga drivers.
02:24Nabanggit po na kailangan rehistrado po sila sa kanilang mga TODA, sa LGU at sa LTFRB.
02:29Paano po yung mga driver o yung mga nasa transport sector na hindi po miyembro ng kahit na anong TODA?
02:34Ang simula po kasi natin, inaasahan natin na lahat po sila ay meron pong mapapagkakilanlan na
02:40membro po sila ng kanilang mga organisasyon.
02:43Pero basta po mapakita po nila o katunayan na membro po sila o driver po sila ng tricycle, jeep at bus
02:51ay open naman po talaga tayo na masilbihan at maging available po ang abot kayang 20 pesos na bigas
02:59sa lahat naman po ng ating mga kababayan, lalong lalo na po itong mga kasama natin sa araw-araw.
03:04So kailangan po mag-presenta sila ng ID na?
03:06Mas maganda po at later on po magkakaroon naman din po tayo ng QR code para mag-rehistro po sila.
03:13Hanggang kailang po itong programang ito at inaasahan po ba na magtatagal itong programang ito?
03:17Opo, gaya po ng sabi po ng ating Pangulong Bongbong Marcos, ito po ay kailangan po natin hanggang 2028,
03:23kailangan po na available po ang abot kayang 20 pesos na bigas para po sa lahat po ng ating mga kababayan hanggang matapos po ang kanyang termino.
03:32Maraming maraming salamat po. Ayan po mga kapuso nating mga tsyoper, mga nasa transport sector at membro po ng mga TODA.
03:39Pwede na po kayo makabili ng 20 pesos kada kilong bigas sa iba't ibang mga lugar po dito sa ating bansa.
03:45At yan po ang latest na sitwasyon. Maraming maraming salamat sa informasyon binigay niyo po sa amin at sa inyong panahon.
03:50Assistant Secretary Joyce Alpanillo po ang Deputy Spokesperson ng Department of Agriculture.
Be the first to comment