00:00Nakipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs sa Chinese Embassy sa gitna ng kanilang pakikipagpalitan ng patotsyada
00:06laban sa mga opisyal at mababatas dito sa Pilipinas.
00:09Ang detalye sa report ni Patrick De Jesus.
00:14Ang Pangulo po, siya po ang nagsabi na hindi po niya isusurrender even an inch of our territory.
00:21Nagpahayag ng suporta ang palasyo sa iba't ibang opisyal ng gobyerno
00:26sa gitna ng palitan ng patotsyada laban sa Chinese Embassy.
00:30Sa ilalim ni Ambassador Jing Kuan, bukod kasi kay Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea,
00:36Commodore Jane Tariela, umalman na rin ang iba pang ahensya ng pamahalaan
00:40sa mga pahayag na inilalabas ng Chinese Embassy, partikular ang usapin sa West Philippine Sea.
00:47Giit ang National Security Council, mandato ng mga opisyal, tagapagsalita at iba pang institusyon sa Pilipinas
00:54na ipaalam sa publiko ang mga pangyayaring maikaugnayan sa pambansang siguridad
00:59kabilang na ang West Philippine Sea bilang isang demokratikong bansa na pinamamahalaan ng batas,
01:06dagdag ng NSC, hindi saklaw ng diplomatic engagement at paglabag sa Viena Convention on Diplomatic Relations,
01:14ang anumang paninindak at tangkang pagpapatahimik sa mga opisyal ng Pilipinas
01:18na ginagampanan ang kanilang tungkulin.
01:22Kinatigan ito ng Department of National Defense na nanindigang hindi magpapasindak
01:27sa sinumang opisyal ng China para tutulan ang anumang kasinungalingan at maling aksyon.
01:33Ano man po ang ginagawa ng ating mga ahensya upang ipaglaban ang interes ng ating bansa,
01:41yan po ang nais ng Pangulo at yan din po ang putos ng Pangulo.
01:44Ba't mananatili pa rin po na diplomasya ang kailangan para kung mayroon mang issues sa ibang bansa,
01:50maayos po. In a way na dapat may kasamang diplomasya.
01:54Muli namang pinalagaan ni Commodore Tariela ang anyay garapal at mapanginsultong pahayag
02:00laban sa mga mambabatas na kumundinan na rin sa Chinese Embassy,
02:05kabilang sina Sen. Risa Hontiveros, Sen. Kiko Pangilinan at Sen. Erwin Tulfo.
02:11Malinawa niya ito na kawalan ng paggalang sa mga halal na opisyal at pag-atake sa soberanya ng bansa.
02:18Sa hiwalay pang pahayag, binanatan ni Tariela ang mga tinawag niyang trolls
02:23na kumakampi pa sa China kung saan kinwestiyon niya ang kanilang pagiging Pilipino.
02:29Ipinarating naman na ng Department of Foreign Affairs sa Chinese Embassy
02:32at sa mismong ambasador nito ang kanilang seryosong pagkabahala sa lumalalang palitan ng pahayag.
02:39Muling ipinahayag ng DFA ang suporta sa mga opisyal ng bansa,
02:43ngunit iginiit din ang kagawaran ng pagkakaroon ng mahinahon,
02:47profesional at may respetong palitan ng talakayan.
02:50Naniniwala rin ang DFA na mahalaga pa rin pairali ng diplomasya
02:54at paigtingin ng kooperasyon sa iba pang narangan
02:58gaya ng pagtatatag ng formal na komunikasyon sa pagitan ng mga Coast Guard ng Pilipinas at China,
03:03pagtutulungan sa ocean meteorology,
03:06gayon din ang pagpapasigla sa trade and investment,
03:09agriculture cooperation at people-to-people interaction.
03:13Patrick Dezus para sa Pamansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments