00:00Nakipag-ugnayan ng Department of Foreign Affairs sa Chinese Embassy
00:03sa gitna ng kanilang pagkikipagpalitan ng patutsada
00:06laban sa mga opisyal at mambabatas dito sa Pilipinas.
00:10Yan ang ulat ni Patrick De Jesus.
00:13Ang Pangulo po, siya po ang nagsabi
00:16na hindi po niya isusurrender even an inch of our territory.
00:20Nagpahayag ng suporta ang palasyo sa iba't ibang opisyal ng gobyerno
00:25sa gitna ng palitan ng patutsada laban sa Chinese Embassy
00:28sa ilalim ni Ambassador Jing Kuan.
00:31Bukod kasi kay Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea,
00:35Commodore Jay Tariela, umalman na rin ang iba pang ahensya ng pamahalaan
00:39sa mga pahayag na inilalabas ng Chinese Embassy
00:42particular ang usapin sa West Philippine Sea.
00:46Giit ang National Security Council, mandato ng mga opisyal,
00:50tagapagsalita at iba pang institusyon sa Pilipinas
00:53na ipaalam sa publiko ang mga pangyayaring
00:56may kaugnayan sa pambansang siguridad
00:58kabilang na ang West Philippine Sea
01:01bilang isang demokratikong bansa
01:03na pinamamahalaan ng batas,
01:05dagdag ng NSC,
01:07hindi sa klaw ng diplomatic engagement
01:09at paglabag sa Vieno Convention on Diplomatic Relations,
01:13ang anumang paninindak
01:14at tangkang pagpapatahimik sa mga opisyal ng Pilipinas
01:17na ginagampanan ang kanilang tungkulin.
01:20Kinatigan ito ng Department of National Defense
01:23na nanindigang hindi magpapasindak
01:26sa sinumang opisyal ng China
01:28para tutulan ang anumang kasinungalingan
01:31at maling aksyon.
01:33Ano man po ang ginagawa ng ating mga ahensya
01:37upang ipaglaban ang interes ng ating bansa,
01:40yan po ang nais ng Pangulo
01:41at yan din po ang utos ng Pangulo.
01:43Ba't mananatili pa rin po na diplomasya
01:45ang kailangan para kung meron mang issues
01:47sa ibang bansa, maayos po.
01:51In a way na dapat may kasamang diplomasya.
01:54Muli namang pinalagaan ni Commodore Tariela
01:56ang anyay garapal at mapanginsultong pahayag
01:59laban sa mga mambabatas
02:01na kumundinan na rin sa Chinese Embassy
02:03kabilang sina Sen. Risa Hontiveros,
02:06Sen. Kiko Pangilinan,
02:08at Sen. Erwin Tulfo.
02:10Malinawa niya ito na kawalan ng paggalang
02:12sa mga halal na opisyal
02:14at pag-atake sa soberanya ng bansa.
02:17Sa hiwalay pang pahayag,
02:19binanatan ni Tariela
02:20ang mga tinawag niyang trolls
02:22na kumakampi pa sa China
02:24kung saan kinwestiyon niya
02:25ang kanilang pagiging Pilipino.
02:28Ipinarating naman na
02:29ng Department of Foreign Affairs
02:30sa Chinese Embassy
02:31at sa mismong ambasador nito
02:33ang kanilang seryosong pagkabahala
02:36sa lumalalang palitan ng pahayag.
02:38Muling ipinahayag ng DFA
02:40ang suporta sa mga opisyal ng bansa,
02:42ngunit iginiit din ang kagawaran
02:44ng pagkakaroon ng mahinahon,
02:46profesional,
02:47at may respetong palitan ng talakayan.
02:50Naniniwala rin ang DFA
02:51na mahalaga pa rin
02:52pairali ng diplomasya
02:53at paiktikin ng kooperasyon
02:55sa iba pang narangan
02:57gaya ng pagtatatag
02:58ng formal na komunikasyon
02:59sa pagitan ng mga Coast Guard
03:01ng Pilipinas at China,
03:02pagtutulungan sa ocean meteorology,
03:05gayon din ang pagpapasigla
03:06sa trade and investment,
03:08agriculture cooperation,
03:09at people-to-people interaction.
03:12Patrick Dezus
03:13para sa Pamansang TV
03:15sa Bagong Pilipinas.
Comments